Chapter 2

2.9K 87 1
                                    

Shaiane pov..

                    "Shai!! Shai baby wake up.." Bigla nalang akong napa singhap at napa balikwas nang bangon. Habol ang aking hininga nang maagap at masuyong hinagod nang boyfriend kong si jhake ang aking likod. "Okay ka lang ba? Binabangungot ka.." Turan pa nito.  Habang hinihingal ay pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Not again please!  Turan ko sa aking sarili sabay, mariin kong isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok. Yung palagi kong napapanaginipan---







              "Wait lang, ikukuha kita nang tubig.." Paalam nito at tarantang tumayo. Nagmamadaling naglakad palayo patungong kusina. Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako dito sa may couch, nang dumating ako galing beyahe.. Halos wala pa kasi akong maayos na tulog at pahinga mula nang namatay si Dad- magmula sa tatlong araw nyang burol ay hindi ako umalis, hanggang sa maihatid namin sya sa kanyang huling hantungan kaninang umaga..







              Sa Maynila pa nga yun eh, sa Maynila nilibing si Dad, actually ang laki nang bahay namin doon at doon din talaga yung family business namin. Tapos si Mama pinabalik na ako kaagad dito sa Palawan, feeling ko hindi man lang nya ako namiss.. Parang napapaso lagi kapag nakikita ako, ewan- hindi ko maintindihan. Kaya lang, pilit ko nalang inignora ang bagay na yun.
"Babe, heto na yung tubig mo.." Masuyong wika ni Jhake nang naka balik na ito. May bitbit syang isang basong may laman na malamig na tubig.







            "Thank you.." Sincere ko namang tugon. Sabay abot ko na nasabing baso.. Uminum ako pero nakalahati ko lang yung laman, pagka tapos ay nilapag ko na ang  baso sa center table sa harapan ko. Marahan namang naupong muli si jhake sa tabi ko.





            "Okay ka na ba? Ano bang nangyari? Gusto mo bang umakyat kana dun sa kuwarto mo?" Sunod sunod na tanong nang aking nobyo. At  bakas sa mukha nito ang pag aalala. Anim na buwan na din ang aming relasyon at halos patapos na yung building na aking pinapatayo at ang company nila Jhake ang naka kontrata dito..  Isa itong hotel, ang purpose ko ay para sa mga turistang dumadayo dito sa resort. Kulang na kulang na kasi yung transient houses at cottages na ma- accommodate ang mga bisita, lalo na kapag picked season.





          

             Si Jhake ang aking first boyfriend, ni wala akong inilihim sa kanya. Dahil una palang sinabi ko na ang tungkol sa sakit ko dati..Hindi din  tinutulan nang magulang ko nang malaman ang tungkol sa kanya ang tungkol sa aming dalawa. Sa katunayan, tuwang tuwa pa nga lalo si Mama at kong pwede nga daw magpakasal na kami sa lalong madaling panahon.. Wala pa naman yun sa plano ko, 25 palang naman ako, samantalang si Jhake ay 28, isa pa- darating din naman kaming dalawa doon.
"Babe. Your spacing out again!" Puna naman nito na kina iling ko naman kaagad.







              "Pagod lang ang ako babe.." Turan ko naman at  pilit akong ngumiti sa harapan nang  napaka guwapo kong nobyo para hindi na sya mag aalala pa.. Gustong gusto ko talagang titigan ang kanyang mga mata nito..  "Ahm-  magpahinga kana din, maghapon kana sa site tapos nag effort ka pang sunduin ako sa airport kanina." Nginitian lang ako nito sa sinabi ko.






          Actually sumama pa nga sya noong pumunta akong  sa Maynila, kaso bumalik din sya kaagad dahil ang dami niyang ginagawa sa site..
Dumukwang ito tsaka ako mariing hinalikan sa aking noo na kina singhap ko.. Dito ko lalong nagustuhan si Jhake, napaka gentleman nito. Bibihira ka na makaka tagpo nang ganitong lalaki, kaya napaka swerte ko at nakilala ko ito. "Magpahinga ka na ha!" Turan pa nito pagka tapos..





             

           "Don't worry about me babe.. ayos na ayos lang ako.." Buti nga at hindi na ako kinulit nito tungkol sa panaginip ko na naman kanina. Ganun na ganun na naman-- pangitain na naman ba ito.






"Only For You" (gxg)Where stories live. Discover now