Hawak kamay kami habang nasa biyahe. Umiiwas rin ako sa mga nananantiya niyang titig. Pamilyar rin ang daang aming tinatahak.

Ang aking damdamin ay napupuno ng guwang. Nakita na nga kami pagkatapos ng maraming taon pero parang ang layo parin? Takot parin ako sa mga maaaring mangyari. Parang hindi sapat ang mga pinaglaban ko noon para lang pabayaan ang sariling mahalin siya. May mga limitasyon parin at dapat pigilan.

Tumigil kami sa isang reception hall. Bale sa design sa labas ay niraraos ang isang kasal sa loob.

Hawak hawak ko ang regalo namin para kay Lance at sa asawa nito. Kinakabahan rin ako dahil sa lumipas na panahon ngayon lang kami ulit magkikita ng aking pinsan.

Nasa saktong probinsya na kami ni lola pero malayo pa sa bahay nito. I am wearing a pink dress at brown sandals. Nagbihis ako kanina habang pumipili si Kuya Santi ng ireregalo namin.

Ngumiti ako sa kanya nang ganapin niya ang kamay ko. Naka button down three fourth siya at nakapants. Kahit anong suotin niya, bagay na bagay parin. Lahat yata na susuotin niya bagay dahil sa katawan niyang makisig.

"Ninenerbiyos ako.." Singhap ko.

Hinalikan lang ako nito sa buhok at magka hawak kamay na pumasok. Maraming tao...May mini stage sa gitna at nakita ko ang kakahati lang na cake. Hindi kami naka abot sa kasak dahil sa ilang oras na biyahe.

Naabutan namin ang pagpalakpakan ng mga naroroon. Nasa likod kami at kakarating lang ng mangunot ang aking noo...

Si kuya Lance , katabi ang babaeng maganda at nagdadalang tao. Hula ko ay nasa limang buwan na ang pagdadalang tao nito.

"Ang araw na ito ang pinakamasaya at pinakamagandang araw ng buhay ko.." simula nito. Malinaw rin sa akin ang pagbagsak ng mga luha nito.

"Pero hindi sapat sakin ang araw na to para maging masaya ng tuluyan habang hindi ako humihingi ng kapatawaran sa taong nagawan ko ng maraming kasalanan.."

Hindi ko malaman kung ano ang mauuna kong maramdaman. Nanginginig ang kalamnan kong tinitignan ang babaeng nasa aking harapan,ikinasal sa aking pinsan. Life's really ironic.

"Ara...." dumapo ang mga mata nito sakin. Pumikit ako ng mariin ng halikan ni kuya Santi ang aking buhok.

"I'm so sorry...sorry..."

Fuck...

Flor is crying on the stage while my cousin, Lance,hugging her.

Maraming mata ang tumingin sa akin. Dumaloy ang aking luha ng makita ang mga pinsan. Si Lara, si Kathlyn at si lola Lourdes na umiiyak.

Inaasahan ba nila ako dito?

"Walang kasing sama ang mga ginawa ko.." Umiiyak si Flor sa gitna ng stage habang hawak ang microphone.

"H-Hindi ako kailanman naging masaya sa m-mga nag daan na t-taon. P-patuloy akong kinukonsensya s-sa mga ginawa k-ko.."

Nanginginig ako sa mga aking narinig. Ang babaeng ito sa aking harapan ang sumira sakin sa maraming tao. Ang dahilan kung bakit...tinulak ko ang taong minahal ko ng husto.

Hindi ko mapigilan ang humikbi at masapo ang labi.

"Fuck...baby.." diniin ni kuya Santi ang kanyang ilong sa aking tenga. Bumubulong ng pagmamahal para sakin.

"Nandito ako...sa araw mismo ng kasal ko...humihingi ng patawad sa lahat lahat..patawarin mo'ko Ara.."
Hindi magkamayaw ang iyak ni Flor.

Bulongan ng mga tao at iyakan ang aking narinig.

Bakit? Bakit kailangan mag sakripisyo at masaktan ng todo?

"Patawad pakiusap.." hindi makatingin sakin ng diretso ang babaeng sumira sa pagkatao ko.

Sa mga nagdaan na taon wala akong naramdaman kundi galit sa kanya. Sa mga ginawa niya at pananakit sakin. Namumuyos ang kaloob looban ko habang tumitingin sa babaeng sa aking harapan..humihingi ng kapatawaran.

"Bitawan m-mo'ko kuya..." bulong ko kay kuya na nakayakap sakin ng mahigpit. Tumango ako at hinayaang tahakin ang daan patungo sa harapan.

Nang ilang espasyo nalang ang pagitan namin ni Flor,wala akong tinira kahit ilang dangkal. Gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ko.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Suminghap siya at tumingin sa akin.

"Sino ba naman ako para magalit ng husto sayo Flor?" rumehistro ang kagulatan sa kanyang mukha. "Isang tao lang ako sa mundo ito...masasaktan...hihingi ng tawad..at tatanggap ng kapatawaran.."

Nanginig ang balikat nito habang tinitingnan ako ng hindi makapaniwala.

"Ang diyos nga nagpapatawad ng walang hanggan...ako pa na tao lang, Flor?"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Dumaloy ang luha ko bilang pagkawala ng aking galit sa babaeng naging punot dulo ng lahat.

"Ara....bakit? Bakit ang bait bait mo?" Mas lalo lang siyang umiyak sa aking balikat.

Hindi namin batid ang mga taong nasa harapan. Ang pamilya naming nakatingin.

"Wala akong karapatan magtanim ng galit sa mundong 'to Flor. Nang dahil sa ginawa mo, natuto akong lumaban. Naging matibay ako dahil sa pangyayaring iyon. Masaya ako para sayo,Flor. Masaya ako para sainyo. "

Ngumiti ako,ngiti nang pagpapatawad. Nawalan ng bigat ang aking pinapasan. Kailanman hindi ako mapapagod magpatawad at humingi ng tawad patungo sa kaginhawaan.

Sinulyapan ko si kuya at nakitang nakahalukipkip at matamang nakatitig sakin. I can't help but to smile.

I love you kuya Santi.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDWhere stories live. Discover now