Chapter 1 - First Time

198 14 3
                                        

Sa bawat pagmulat ng mga mata siya ang nakikita mo at kahit sa pagpikit siya ang bumubulaga sa balintataw mo.

-Lydruspinctada



____________________________________

Chapter 1

____________________________________

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. At parang batang naagawan nang lollipop na nagpapadyak nang paa. Kagigising ko lang, siya naman ang nasa utak. Lagi naman.

"Aaaaahhh! Please think!!" sigaw ko dahil hindi ko alam kung paano gawin ang second step and third step na 'yan. 

Nasa salamin ko ang sticky notes na tatlong piraso kung saan nakasulat ang steps na gagawin ko..

"Shagani!! Bumangon ka na riyan. Tama na ang pananaginip ha!" That's my beloved Mom. A housewives that everyone praised. 

Alam niya ang lahat ang tungkol sa akin, she's my very best friends.

"Naku, Klein Montanero.... Kailan? Kailan?"



Ganito ako lagi. Araw-araw. Masyado akong patay na patay sa isang taong kahit kailan hindi ako pinapansin. Not once! Ouch! 

Masakit.

 Minsan nga umiiyak ako eh,. 

Aih, hindi siya minsan. Once a month? And you know what's crazy about me? 

Sinasahod ko lahat nang luha ko sa isang vial. Yes, nakadalawang vial na ako. Wag ka magtaka dahil simula nung 2ndyear ako hanggang ngayong mag-4th year ako. 

Ganyan ako kabaliw sa kaniya. Desperada 'ata ang isang tern dun.

Tsk... Pasukan na naman pala. Yosh! Of course, makikita ko naman siya. Alam kong ako ang number one stalker niya but who cares I'll do what I want to do. I also have known him. He was a very cute guy, handsome and a genius one.

I can't beat him. Siya lagi ang representative nang school para sa mga quiz. Math quiz, English quiz, science quiz tingin ko nga kulang nalang sa kaniya Love quiz pero tingin ko matatalo siya dun. Hehehe. Joke lang.

 haissst! Lagi nalang akong naiiwan kahit nagagawa ko na ang lahat. He was also rich, no, I mean he's very very rich.

Lagi siyang may sundo at lagi siyang hinahatid at lagi siyang may silent bodyguard. Ganun siya ka importante at kayaman. Pero iba siya sa mga mayayaman na nakikilala ko. Tahimik, may sariling mundo and he never ever talked to me. 

Lagi akong napapahiya sa kaniya. Huhu. Unlucky me ;-(

Hindi siya ngumingiti at lalong wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang lagi ko lang napapansin sa kaniya lagi siyang nakaharap sa cellphone niya na masyadong high tech na kahit ako siguro hindi marunong magkalikot nun. Hindi naman siya naglalaro at ang isa pa, mahilig siyang magbasa. Huhu. Tamad nga akong magbasa, mag-review siguro pde pa.

"Shagani!!!"

"Yes, Mom. Bababa na ako." Pasigaw kong sagot. Mabilis akong bumaba nang kwarto na nakabihis nang uniporme. Biglang nabuhay ang excitement ko habang pababa ako nang hagdanan.

Three days na ang nakalipas wala akong maramdamang progress sa ginagawa ko. Ahhh!!! Naging mas madaldal ako ngayon kahit papaano nangangarap akong maging first honor. Tingin ko naman hindi siya nag-eeffort to get the first spot.





July 16th

Here at school again. Nauubusan na ako nang pag-asa.

Naman!

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob nang room na nakangiti.

"Good morning Shagani!!" halos magsabay ang kaibigan ko sa pagbati sa akin. Nauna pala sila sa akin. Tsk!

"Good morning din, nga pala kumusta ang shopping niyo kahapon? Pasensya na ha, nagkaroon kasi nang meeting ang varsity."

"Hayun, napakasaya. Next time ha sumama ka!" si Jane yan na talaga namang hilig ang pagsho-shoppping.

"Oo nga, at minsan din po magkaroon ka nang time para sa amin para magshopping." Isa pa ito, si Lena. Isang mayamang ka level ni Klein. 

Teka, andito na kaya siya? *Buntong hininga* Whatever, nararamdaman kong ayaw ko siyang makita ngayon.

"Oo naman, wag na kayong magtampo sa akin alam niyo namang talagang lagi akong busy di ba?" Sinundan ko iyon nang kunting tawa. I want to cheer them up. Masyado kasi silang matampuhin kapag may ginagawa akong hindi ako nagpapaalam. We're best friends. And I want to cheer myself too.

Napansin kong humina ang ingay sa loob nang classroom. Anong nangyayari? Nangunot ang noo ko nang mapansing papalapit sa direksyon ko si Klein. Ehhh? Baka naman kay Lena siya papunta.

Pero hindi.

Sa akin ang punta niya. Malapit sa akin. Malapit. Malapit na malapit. And then,...

He kissed me.

Kiss?

Kiss???

Ramdam ko ang lambot nang labi niya at napakatamis. Dinig na dinig ko ang pintig nang puso ko pati sa kaniya. Lahat nang hindi maipaliwanang na emosyon ay naglalaro sa paligid nang aking tiyan. Parang hindi mabilang na paru-paro ang kumikiliti sa akin.

"Can you shut your mouth now?"

"Huh----?" Akala ko nanaginip ako. Pero bakit? Dahil ba maingay ako kaya niya ako hinalikan? 

No!!!!!! 

That was my first kissed! And he speak to me for the first time, I heard his voice in an inch!!!!

Gusto kong tumalon sa saya dahil siya ang nagbigay sa akin nang unang halik. Pero bakit parang hindi ako masaya? Oo naman, paano ka magsasaya kung hindi mo alam kung bakit ka niya hinalikan?

Lahat nang taong nasa paligid namin ay tila na Freeze. Walang gumagalaw. Parang pigil ang hininga, yung tipong sila yung nahalikan. Sino ba namang hindi. That very weird guy kissed a girl in out of the blue.

Kahit sino sa loob nang silid na 'to walang mag-iisip na gagawin niya yun cuz everyone except me thinks that Klein is a dumb ass guy.

He pushes a girl, dahil nagkakalat ito nang hindi magandang balita tungkol sa kaniya at narinig niya yun mismo kaya nagawa niya yun. He also knock out a boy, dahil nangingialam ito nang gamit niya.

 "know what's the meaning of private property, asshole!!".

Dahil sa mga nangyari walang nakipagkaibigan sa kaniya. Walang nangingialam at walang kumakausap maliban nalang kung magkaroon na group works that needs a team ideas.

Kaya sinong mag-aakalang?? Ako? Hahalikan nang taong 'to. Teka, parang may mali ah? Ano 'yun pumapayag ako na halikan niya? Pero, parang tama.

Ahhhh...! Shit naman! Sa ganitong sitwasyon pa talaga ako na me-mental block.

"Sh-shagani? Ayos ka lang?" Tanong ni Lena. Pareho sila ni Jane na namumutla. At ako...?



Stupid! Kanina pa ako nag-ba-blushed. Ngayon ko lang naramdaman na tila sinisilaban ang pisngi ko.

Matapos ang klase buong maghapon. Na tila nagkaroon ng patay sa loob ng room. nun labasan, no one's talk. Hinabol ko siya at tinanong. Pero para akong tanga dahil hindi niya man lang ako pinansin. Naiisip ko tuloy. Ano ba ang aasahan mo Shagani?

 Na magugustuhan ka niya. Then, the whole night. 

I cry again.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That GEEK! (never wear eyeglasses)Where stories live. Discover now