Nasapo ko ang bibig ng makita ang pictures namin ni kuya na nagkalat sa sahig. Yung naghahalikan kami, yung niyayakap ako ni kuya. Klarong klaro ang mukha naming dalawa ni kuya.

"Papa magpapaliwanag-Papa!!"

Halos sumabog ako ng makita ko itong hindi makahinga.

"Papa!"

Nahihirapan itong huminga.

Humingi ako ng tulong sa mga kapitbahay namin. Nanginginig ang kamay kong nilinis ang pictures na nagkalat at tinago iyon. Sa bilis ng pangyayari hindi ko na alam kung totoo bang nangyayari ito?

Sa hospital ay nakilala agad ng mga nurses si papa.

"Tawagin si Doc Sandoval!" sigaw ng isa at nilapatan agad si papa ng lunas. Wala na itong malay at hindi ko na alam ang gagawin!

"Please,wa'g niyo siyang pabayaan!" Iyak ko sa kanila.

Tumango ang mga ito.

"Kami ang bahala. Kakarating lang ni Doc."

"Damn , mahina ang heartbeat! Ipasok siya sa emergency!" Sabi ng isang nurse at wala akong nagawa kundi ang ihatid sila ng tingin habang pinasok si papa doon.

"Anong nangyari?!" narinig ko ang boses ni kuya.

"Si papa k-kuya-"

"Akong bahala..wa'g kang umiyak.."

"Iligtas mo si papa , kuya.."

Walang lingon na itong pumasok sa silid kung nasaan si papa. Halata ang takot sa mukha ni kuya sa mga oras na ito.

Kumuyom ang aking kamay at desidido akong umalis.

Tinahak ko ang counter at nakita ko doon si Flor.

Nakangisi itong nakikipagkwentohan sa isang nurse.

"Oh Ara?" Sabi ng isang nurse. Napawi rin ang ngisi ni Flor ng makita ako.

Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya ng malakas. Wala akong pake kung marami ang makakita at wala akong pake kung isa na siyang doktor at ako'y hamak na studyante lamang.

"What the fuck!" mura nito.

Nanggigil ako sa sobrang galit. "Ganyan ka ba ka sama huh ,Flor?" patuloy sa pagpatak ang aking luha.
"Ito ba ang gusto mo? Ang mawala ang isang buhay para lang maging masaya ka?! Masaya ka na huh?! Wala akong ginawa sayo. Utang na loob tama na!"

Namumula ang mata nito at nanginginig na binalingan ang natulalang nurse. "Umalis muna kayo. Mag uusap lang kami."

Nagsialisan ang mga ito.

Agad ako nitong hinawakan sa braso pero tinulak ko siya pabalik.

"So nakita na ni papa mo?"

"Walang hiya ka!"

"Ikaw ang walang hiya! Hindi ko pinatos ang kapatid ko at hindi ako nakakadiring tao!"

"Oo! Sabihin na nating nakakadiri ako pero hindi ako kasing sama mo!" tinuro ko siya at umiyak. "Nahospital si papa nang dahil sayo! Masaya kana?! Ito ba ang gusto mo?"

"Layuan mo si Santi-"

"Oo! Lalayuan ko at sana maging masaya ka! at sana rin pag iniwan ko ang kapatid ko mamahalin ka niya pabalik!" Pinunasan ko ang luha ko.
"Kung pwede lang baguhin ang tadhana ko , gagawin ko! Nahihirapan rin ako Flor! Nahihirapan rin kaming dalawa!"

"Walang nang mahihirapan kung lalayuan mo siya! Ang kitid kasi ng utak mo. Para sainyong dalawa ito ang ginagawa ko!"

"Wag mong idamay ang ama namin dito!"

She smirked. "I'll do anything Ara..Kahit ano."

"Ang sama mo!" Tinalikuran ko ito at binalikan ang kuwarto kung nasaan si papa.

Nabawasan ang bigat sa aking puso pero nanatili itong kabado. Naghalo halo ang aking emosyon.

Nastroke si papa. Naparalized rin ang mga ugat niya dahilan na hindi siya makagalaw at makapagsalita.

Maraming aparato sa katawan nito habang nakapikit ang mga mata. May life machine sa gilid nito.

Namumugto ang aking mata nang bumukas ang pinto at pumasok si kuya. Alam kong pareho kami ng nararamdaman. Nakikita ko rin na nahihirapan siya.

Pumikit ito ng mariin at inayos ang aparato sa katawan ni papa.

"Ako ang bahala sa lahat Ara. Magiging maayos rin-"

"Tigilan na natin to kuya.."

"Pagpatuloy mo lang ang pag aaral mo. Ako ang bahala sa lahat-" pambalewala nito sakin.

"Sabi ko ayoko na kuya!"

Napalunok ito at umiwas. Hinilot nito ang ilong at hinawakan ang aking kamay. Pilit ko iyong kinakalas mula sa pagkakahawak niya.

"Ara, mainit lang ang ulo mo."

Umiling ako. " Hindi mo ba nakikita kuya? Simula nang maging tayo nagka letse letse na ang buhay natin! Namatay si mama! Naghirap tayo! Ngayon si papa na naman! Ano ang susunod,huh?"

"Hindi natin to malulunasan at malalagpasan kung idadaan sa mainit na ulo Ara.."

"Itigil na natin to-"

"Ara hindi!" pilit akong nagpumiglas sa yakap nito sakin. "Pagkatapos nang nangyari satin ganito ang gagawin mo Ara? Dalawa tayo ang lalaban Ara kaya wa'g kang sumuko."

"Nahihibang kana Kuya. Oo, may nangyari satin hanggang doon nalang yun."

"What?!" galit nito.

"Ayoko na..basta ayoko na. Simula nang mahalin kita hindi nako naging masaya, kuha mo ba yun? Bawat galaw ko ang hirap! Gusto kong maging malaya! Ayoko na... dahil nakakadiri na!"

Halos pinupunit ang puso ko nang makita ang hirap at namumulang mata ni kuya.

"Ara..mahal kita.."

"Hindi na kita mahal kuya. Nagising na ako sa katotohanan. Nadala ako ng kalibugan at marahil nachachallenge ako maging boyfriend ka."

Umiwas ito at tumingala.

"Ara pakiusap..walang bibitaw di'ba?"

"Ayoko na , wa'g muna akong pahirapan pa kuya.."

Alam ko kung paano ilalaban na kuya ang pag iibigan na ito at kung gaano katigas ang ulo niya pero desidido na ako.

Umiling ako at yumuko. "Gusto ko nang magising sa masalamuot na bangungot na ito kuya."

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDWhere stories live. Discover now