"Oh, Ara! Upo ka at nagluluto pako." Pilit nitong inaalis na ang fried chicken kahit hindi pa luto kaya naiwan ang balat. Nakita ko rin na konting mantika lang kaya hindi talaga maluluto.

Nilagay ko ang bag. "Pa, ako na. Kayo nalang ang umupo."

"Hindi anak kata ko'to-"

"Sige na ako na.." Inagaw ko na kay papa ang sandok at ako ang nagpatuloy. Tahimik siyang umalis at umupo at malalim ang iniisip.

"Pasensya kana anak. Marami akong pagkukulang. Babawi ako sa inyo ng kuya mo. May nagtanggap na pala sakin sa trabaho." balita nito sakin.

"Pa, wa'g na. Hindi yun gusto ni kuya. Siya na raw bahala sa inyo. Tsaka, matanda na kayo.."

"Kung ganun bakit hindi siya umuwi dito? G-Galit parin ba siya sakin anak?"

Umiling ako at ngumiti. Hininaan ko ang stove at nilapitan si papa. Niyakap ko ito mula likod.

"Pa, alam mo naman si kuya ganon ang ugali pero mahal kayo nun!"

"Kaya nga ako bumabawi anak."

"Ganyan pa! Para sumaya si mama sa langit. Dapat good vibes lang tayo."

Linggo ay maaga ako para magsimba. Nagsuot ako ng bulaklakin na bestida at kinulot ang dulo ng aking buhok. Parte sa aming kababaihan ang maging maayos sa sarili. Tulad ko, ngayon gusto kong malinis ang aking katawan at maayos ang mukha.

Naalala ko ang polo ni Sky na nilabhan ko kagabi. Siguro, ibabalik ko mamaya pagkatapos kong magsimba. Linggo ngayon, baka nasa dorm sila.

"Pa! Magsisimba lang po ako."

"Sige Ara, magtatanim lang ako ng mga bulaklak."

Naghuhukay ito ng itim na lupa at nilalagay sa flower pot. Gusto kasing panatilihin ni mama ang mga bulaklak niya sa bakuran kaya naisip siguro ni papa na ayusin.

Sa simbahan, nilaan ko ang isang oras para sa panginoon. Humingi ako ng patawad sa kasalanang ito. Namumula ang aking mata at gusto kong umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong ipakitang mahina ako lalo na't nawalan kami ng ina.

Tanging ang diyos lang ang kinakapitan ko ngayon para pagpatuloy ang aking pagmamahal sa aking kapatid. Alam kong isang sumpa ito pero pinili kong ipagtapat sa diyos ang aking nararamdaman.

Siya mismo ,nakakaramdam kung ano ang aking nararamdaman ngayon.

Ang hirap maging isang bida para lang pahirapan ka. Mahirap maging bida sa isang istorya at nakalaan ka sa isang bawal na pagmamahalan.

Alam kong isa lamang itong pagsubok ng diyos. Pagsubok na kailanman ng hirap ayusin kahit balik baliktarin ang mundo. Kasi mali at hindi magiging tama.

Pagkatapos kong magsimba at umiyak. Sobrang gaan ng aking pakiramdam. Gusto ko munang mapag isa at gumala mag isa.

Ang ginawa ko buong araw ay manood ng sine. Dalawang palabas ang aking pinanuod. Hindi ko na alintana ang bawas sa aking pera basta't nag eenjoy ako kahit ngayon lang.

Pagkatapos manuod ng sine ay kumain ako ng mag isa. Inenjoy ko kumain ng La Paz Batchoy na may pares na siomai na maanghang.

Pagkatapos kumain naglibot ko sa iba't ibang National Bookstore at namili ng mga libre na gawa ni Frezbae.

Ginugol ko ang buong araw sa pamamasyal mag isa. Yung walang inaalala na kahit ano. Yung malaya ako sa kilos ko. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng oras. Oras mapag isa na walang kahit anong iniisip.

Sumapit ang alas sais at tinext ko si Andre kung nasaan si Sky. Sabi niya nasa dorm raw sila nag iinuman ni Niko. Alam ko naman ang dorm ni Sky at hindi iyon kalayuan sa dorm ni kuya Santi.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDWhere stories live. Discover now