"Tigilan mo nga ako." sabi nya sabay dilat at lingon sakin.

"Pinagsasabi mo" sabi ko naman sa kanya.
"Nga pala, bat ang aga mo? Late ka lagi ah..." sabi ko naman sa kanya. Himala toh.

"Pake mo. Lagot ako kay Mommy pag nalaman nyang late na naman ako. Tss. Tsaka may meeting-- nevermind." sabi nya saka tayo.

"Meeting?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko na rin yung bag ko tsaka yung cartolina. Dadaanan ko na lang ulit yung mga tinakbo ko kanina baka makita ko pa yung dalawa.

"Walaaa! Umalis ka na! Lagot ka na naman.." tinignan ko sya at nagulat ako ng bigla syang ngumisi.

"Tsinelas! Bleh!" sabi nya sabay dila.

Potek! "JHEANADAAA!" sigaw ko pero kumaway lang sya sakin at tumakbo.

Tss.. Ginawa nya na naman akong Tsinelas!

****

Nasa tapat ako ng room namin (TUSC) at naghihintay ng tamang pagkakataon na pumasok. Tskk! Yare ako nito eh... Sana naman wala si Sir Edwin dyan, SC Adviser namin dahil mas lalo akong malilintikan!

Bubuksan ko na in 3! 2! 1...

*BOOGSH*

"ARAY!" ansakit! may bumatok sakin!

Tinignan ko ng masama ang taong walangya na yoo---

"Hehehe.. President..." sabi ko sakanya..

Inangat nya yung kamay nya at nakita ko yung 2 gusot na cartolinang black..paktay na!

"Nakoo! Robert!" sabay pingot nya sakin at hinila ako papasok.

"A-araayy! Tama na! Tama na! Masakeett!" tenga koooo!

Hinila nya ako at hinagis papunta sa may lamesa. Napahawak naman ako agad sa tenga ko. Sh8t!

"Jusme Bert! Umayos ka nga! Bilisan mo na at nagmamadali tayo! 7:24 na jusq!" sabi nya at pumunta kila Mhyca at Edzel na inaayos yung planet na ewan. Nagdra-drawing kasi sila tapos ilalagay yun sa styro. Syempre malaki yun kaya tatlo na sila dun.

Linapag ko yung bag ko sa isang tabi tsaka pumunta kila Jerich at JM na gumugupit ng mga letters. May pa-booth kasi kada Month. Pakulo na naman tss.

"Hahaha huli kaaaa" bulong sakin ni JM na natatawa at si Jerich naman nag lagot sign.

Tsss.. Anloloko. Nagupit lang kami ng gupit habang yung iba naman nagdrawing, nagdikit, at umalalay.

7:55 nagsitayuan na sila at pupunta sa room. Iniwan muna nila kalat dun dahil ako ay maiiwan at magliligpit

-__-

"Hoy Robert! Mauna na kame! Balakanajan. Ikaw nahuli kanina kaya ikaw magsara nito. Hmmp!" sabi sakin ni Rachellyn at lumayas na.

"Bye Beertt..HAHAHA Pahuli ka paa" pang-asar ni Mhyca.

"Let's go Mhyca. Hey Robert, make sure to lock the door 'cause there might be students who will enter the room and ruin my work. Argh!" maarteng sabi ni Edzel. Napailing na lang ako.

"Gaga! Natin! Work natin! Assumera toh." sabi sa kanya ni Rachellyn sabay hampas.

"Psh. Whatever!" sabi nya at hinila si Mhyca palabas.

Lilinawin ko lang haaa.. Hindi bakla si Edzel. Ganyan lang talaga sya. Englishero.

Nagsimula na akong ibalik yung mga gamit sa lagayan at bigla na lang tumayo sila Jerich. Lah! Tae wala akong kasama!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of FantasyWhere stories live. Discover now