"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa apartment ko."

Hindi ako kinabahan dahil natakot ako. Pero pakiramdam ko talaga ay may problema.

"Bakit?"

He smiled. "Baby, 'wag kang matakot, wala akong gagawin sa 'yo."

Nang makasakay siya sa motor ay isinuot ang helmet sa ulo niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Nang makasakay na ako ay hinawakan niya ang mga kamay kong nasa loob ng bulsa ng jacket na suot niya.

"Ang lamig ng kamay mo, baby..." he said. "Ano bang ginagawa mo sa labas ng bahay niyo nang walang suot na panlamig?"

Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya. "Nalulungkot kasi ako."

"Bakit naman?"

"Nag-aalala ako sa 'yo, eh. Ang alam ko lang ay may problema ang pamilya mo kaya umuwi ka. Pero hindi ko alam kung nasaan ka talaga at kung okay ka lang. Nag-aalala ako, eh. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa 'yo. Mahigit isang linggo kang nawala, eh."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang masabi ko ang lahat ng iyon. Hindi ko na sinubukang pigilan dahil naka-helmet naman ako, at hindi niya makikita ang pagluha ko.

I heard him heave a deep sigh. "I missed you."

Lalo akong naiyak nang marinig ko ang mga salitang iyon.

"I missed you so much, baby."

Hindi ako makapag-salita, dahil ang kaninang tahimik na pagluha ko, ay naging hagulgol, at ang babaw para sa iba, pero masaya ako ngayong kasama ko na ulit siya.

"Sorry kung pinag-alala kita. Sorry kung...kung umiiyak ka ngayon. I'm sorry."

Niyakap ko na lang siya, at lalong humigpit naman ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket niya.

Parang gusto ko na...ganito na muna kami. Na ganito ang posisyon namin.

Parang mas gusto ko na dito na lang muna kami at hayaan namin ang oras na lumipas. Walang gumagalaw sa aming dalawa. Hinahayaan na lang namin na lumipas ang oras nang walang nagbabago sa posisyon naming dalawa.

"Aalis pa ba tayo?" tanong ko nang lumipas na ang maraming minuto at nakalma na ang mga luha ko.

"Gusto mo pa ba? Malapit na ang curfew mo."

Sa ngayon, wala akong ibang iniisip kung hindi siya lang.

Sa ngayon, wala na akong pakialam sa curfew kong 11:00 PM.

Sa ngayon, wala na akong pakialam sa lahat.

Dahil sa ngayon, ang iniisip ko lang, ay ako, kasama siya.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon bago siya tuluyang nag-drive paalis.

Almost 10:00 PM na nang makarating kami sa apartment niya. 11:00 PM ang curfew ko pero hindi ko masiyadong iniisip iyon ngayon. Ngayon lang naman ako susuway, eh. Ngayon lang naman ako hindi tutupad. Ngayon ko lang iisipin ang sarili kong kaligayahan nang may makakalimutan.

Oras na buksan niya ang pintuan ng apartment niya ay binuksan niya rin ang ilaw. Nakita ko na magulo ang apartment niya, at maraming nagkalat na mga damit.

"Pasensiya na, ang gulo," he chuckled. "Nakalimutan kong maglinis muna ng apartment bago ako dumiretso sa 'yo."

I chuckled. "Okay lang, wala namang problema sa akin. Linisin na rin natin, tutal nandito na tayo."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now