He chuckled. "Good night, Baby. Sweet dreams. Sleep tight."

"Good night din, baby."

And before the call ends, I heard a sound of kiss from him.

And that's how he always makes me sleep early, kasi alam niyang awkward ako sa ganoong usapan. That's also how he gave me a very good night because his voice always calms me. I love to hear his voice every day and night. I can live with it.

***

Pinatawid ko siya.

Pinabasa ko ang sarili ko sa kaniya.

Pero hindi ko napansin...ako pala ang hindi pa nakaka-kilala nang lubos sa kaniya.

Nadala ako sa mga matatamis niyang salita, at akala ko, ako ang may mataas na pader sa aming dalawa, dahil ako 'yung taong hindi palasalita kapag magkausap kami, at siya itong madalas magkuwento.

Pero hindi ko napansin...wala akong alam sa nakaraan niya.

Nalaman niya ang nakaraan ko nang hindi ko nalalaman ang nakaraan niya.

Nauna akong magbaba ng pader, nang hindi napapansin na mas mataas pala ang sa kaniya.

Hindi ako nakikipag-pataasan ng walls at pride sa kaniya. Masiyado lang akong nadala sa kaniya at sa mga salita niya, na buong akala ko, ako itong nagmamataas. Ako itong ayaw magpapasok sa buhay ko.

Pero nakapasok nga ba ako sa buhay niya?

Paano ko masasabing nakapasok ako sa buhay niya kung wala akong alam sa nakaraan niya?

Bukod sa pangalan, edad, trabaho, tirahan, at ugali niya, wala na akong alam sa kaniya.

Nagkamali na naman ba ako?

Hindi na naman ba naging tama ang pag-o-obserba ko sa isang tao?

May nakalimutan na naman ba ako? Oo...nagkamali na naman ako.

Nagtiwala na naman ako sa taong hindi na naman ako sigurado.

It's been two weeks since that night at the river side, and I don't know why, but I am becoming more and more dependent on him.

Minsan ay hindi kami nagkausap ng isang buong araw dahil nagkaroon siya ng problema sa pamilya niya, at kinailangan niyang umuwi...at hindi ko siya nakausap o nakita man lang ng isang buong araw.

I can't believe myself for crying. I mean, I understand because he needs to attend to his family's matters. Panganay siya, eh. Talagang aasahan siya sa kanila kapag may problema.

But the sadness inside me is so vivid; you can clearly see it in my eyes.

"Ano bang nangyari, Frenny? Hindi ako sanay nang tahimik ka sa trabaho. May problema ba?"

It's the second day, at wala pa rin siyang paramdam. Hindi rin naman siya nagpaalam sa akin na hindi kami magkakausap nang ganito katagal. Akala ko kasi, aalis lang siya, pero hindi pala. Hindi rin pala kami magkakausap.

"Wala naman akong problema, Frenny. May days lang talaga na hindi tayo jolly, 'no." I chuckled as I continued eating my lunch in the pantry.

"Hmm, si Gian ba?" I shook my head but he just rolled his eyes on me. "Hmm, ingat ka, Frenny. Ikaw na nga ang nagsabi, walang kayo. Pero ngayon pa lang, nagkaka-ganyan ka na dahil sa kaniya."

"Hindi dahil sa kaniya 'to..."

"Kahapon pa kita nakikitang nakaabang sa cellphone mo tuwing breaktime mo. Dati-rati lang, magkausap kayo kapag gano'ng oras. So, anong ibig sabihin no'n?"

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now