Pero ang saya ko ngayon, na pakiramdam ko may mali . . . kasi hindi pa ako nalungkot nitong mga nakaraang araw at linggo. Parang . . . parang any time, babawiin sa akin ng tadhana 'yon at hahagupitin niya ako ng matinding kalungkutan bilang kabayaran sa pagiging masaya ko these past few days and weeks.

Nang makauwi ako, dumeretso ako sa kuwarto para magpahinga. Hindi ko kasi kayang kumain kaagad pagkauwi. Pahinga ang unang hinahanap ng katawan ko.

Nang makapag-bihis na ako ng pantulog, nahiga ako saka in-unlock ang cellphone. Nakita kong may text doon si Gian.

Gian:

Baby

Hindi ko napigilan ang pagngiti nang mabasa 'yon. I replied.

Me:

Lol

Gian:

Kain ka na, baby

Me:

Lasing ka na kaagad?

Gian:

Kadarating ko lang dito baby

Tuluyan na akong natawa dahil doon.

Me:

Lol what's with the baby???

Gian:

I want to call you baby from now on. Can I?

Me:

Haha. But we're not a couple.

Gian:

We're acting like one

Me:

I don't want us to be a couple yet haha

Gian:

Ayaw mo sa akin? :(

I bit my lower lip and chuckled as I saw his cute little sad emoticon in his text message. Nag-type ulit ako ng reply sa kan'ya.

Me:

I already told you, I don't do commitments just because we like each other.

Gian:

Yeah, I know. Haha. I'm just kidding. This is enough for me, for now. ;)

Gian:

Baby. ♥

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako, and at the same time, kinakabahan, kapag nababasa ko ang tawag niyang 'yon sa akin. Bakit niya biglang naisip na tawagin ako n'on? Hindi ako yung klase ng tao noon na magugustuhan ang call sign na gano'n ka-corny. Sobrang nagki-cringe pa nga ako dati kapag tinatawag ako ng ex ko ng mahal, tapos ito namang si Gian, baby ang itinawag sa akin.

Mukha ba akong sanggol?

Gian:

I'll call you later baby ♥

"Putek talaga," bulong ko sa sarili ko kasabay ng paghagalpak ng tawa.

Hindi ko na siya ni-reply-an dahil sobra akong nagki-cringe and ayoko naman sabihin 'yon dahil baka ma-offend siya. Mukhang masaya pa naman siya, nakakahiya namang sumira ang mood. Might as well, just ride on it. Wala namang mawawala . . . at kaibigan ko naman si Gian. Hayaan ko na lang siya sa trip niya, kung yun ang gusto niyang maging tawagan namin.

Isa pa . . . nakaamin naman na kami sa isa't isa. Okay lang siguro 'to.

Lumabas na ako ng k'warto at kumain ng hapunan. Ako na lang ang hindi kumakain sa amin dahil alam din nilang hindi kaagad ako kumakain pagkauwi galing trabaho.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now