Natawa ako sa ka-corny-han niyang 'yon. "Tigilan mo nga mga banat mo, Gian."

He laughed. "Basta sabihan mo na lang ako. Inuman kami, gano'n."

Itinapon ko sa nadaanang basurahan ang pinagkainan ng mais, saka pinunasan ang kamay gamit ang panyo. Kinuha niya ang panyo sa akin at siya na ang nagpunas n'on habang naglalakad kami.

"Hindi naman malakas uminom 'yon . . ." natatawa kong sabi.

"Ay, talo kaagad siya sa akin." He laughed as he handed me the handkerchief back.

"Basta gusto ka niyang makilala."

Tumango siya. "Walang problema sa akin." He pinched my cheek.

I smiled at him. "Salamat, Gian."

Natawa siya nang bahagyang nakakunot-noo. "Bakit ka nagti-thank you? Gusto ko rin makilala ang mga mahahalagang tao sa buhay mo, Mary."

Tinawanan ko na lang siya. "Psh. Talaga lang, ha?"

Naglakad siya papunta sa harap ko saka yumuko nang kaunti, bahagya nang magkalapit ang mga mukha namin. Napatigil ako sa paglalakad dahil do'n.

"Mary, seryoso ako sa 'yo."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Palagi na lang niya sinasabi ang mga gano'n bagay. Sa totoo lang, para sa akin, hindi naman kailangang sabihin ng isang tao ang intensyon at nararamdaman niya. Tama na ang isa o ilang beses na pagbanggit pero kapag paulit-ulit na pinapaalala, nawawala yung sincerity . . . para sa akin lang naman.

His actions would speak for it, right? He does not need to repeatedly tell me that.

Minsan tuloy, naiilang ako kasi parang nape-pressure ako sa kan'ya pero ipinagsasawalang-bahala ko na lang, tutal, na-e-enjoy ko naman ang mga oras na magkasama kami. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya at lumayo dahil ayoko ng ganitong sobrang lapit namin sa isa't isa. Naiilang ako.

Pero kahit na hindi ako sanay ng malapit kami, gusto ko 'yon . . . at natutuwa ako sa tuwing niyayakap niya ako . . . kahit na alam kong sobra na 'yon para sa aming dalawa. Nasasanay na rin ako.

"Tss, oo na."

"Ayaw mo pa rin maniwala?" pang-aasar niya nang sinundan niya ako.

Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "Naniniwala na ako, Gian."

He chuckled before slightly tapping my head. "Good."

Tumingin ako sa kan'ya saka siya nginitian. "Huwag kang mawawala, ha?"

Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "Hindi ako mawawala."

And with the cold wind that's kissing our skin, I felt the warmth in his arms.

Bahagya ko siyang itinulak at tumingin sa kan'ya. Ngumiti ako nang bahagya. "Gian, hindi ako magaling lumimot ng mga bagay na sinasabi sa akin."

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ko at ngumiting lalo.

"Then, that's good."

Umiling ako. "Hindi, eh. Kahit na maliit na bagay lang 'yan, matatandaan ko 'yan. Kung sa 'yo wala lang 'yan, kung sa 'yo hindi importante 'yan, sa akin, matatandaan ko 'yan kahit lumipas ang ilang taon."

He laughed with amusement in his eyes. "Wow, ang talas ng memorya mo, ha?"

"Hmmm . . ." I looked at him again. "Assume na natin na... 70% ng mga sinasabi mo sa akin, tatanim sa utak ko." I laughed.

"Wow . . ." He laughed. "Sana gan'yan din ako."

Umiling ako. "This is a warning, Gian, since you've decided to do that with me. I cannot easily forget everything you said and you'll be saying in the future."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now