Pilit kong itinuon ang atensiyon ko sa maitim na kalangitang may crescent moon at kumikinang na mga bituin, kahit na ang totoo, gusto ko siyang tingnan.

"Gusto talaga kita. Interesado ako sa 'yo, Mary. Hindi ako nagbibiro."

I sighed. "Bakit ako?"

"You're interesting, Mary."

"What if I lost the thing that makes you interested in me, will you still like me?" I looked at him and saw that he was slightly shocked with what I asked him. "I don't think so, Gian. I am not pretty like other girls."

He sighed. "Hindi ko nga kailangan 'yung magaganda. At bakit mo ba sinasabi yan? You're pretty. You're simple and you still look nice even without those things that you put on your face when you're on duty."

"Gian . . ." I sighed.

"Mary, why don't you see your worth? Just because there are other pretty girls around you doesn't make you pretty any less. You're still pretty . . . beautiful . . . gorgeous. I want to know what happened to you that made you think of yourself like that, Mary."

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng pag-init ng sulok ng mga mata ko dahil doon sa lahat ng narinig, dahil kailanman . . . walang nagsabi sa akin n'on. Ngayon lang may nagsabi sa akin . . . na kahit gaano karaming magandang babae sa paligid ko, hindi binabawasan n'on ang kagandahang mayroon ako.

"I don't believe you," I said as I hold back my tears.

"Mary . . ." He sighed. Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitig at pakikinig sa paghampas ng alon. "Hindi ako titigil sa pagpapaalala sa 'yo niyan."

Hindi ko na ulit sana siya papansinin pero napatingin ako sa kamay niyang kinuha ang kanang kamay kong nakayakap sa mga binti. Hinila ko 'yon pero hindi niya binitiwan. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Lalong nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil doon.

"Gian."

Umiling siya. "Kahit ngayon lang."

I sighed as a teardrop escaped my eyes. Mabilis ko 'yong pinunasan gamit ang isang kamay ko at ibinalik ang atensyon sa harap. I heard him sigh as he moved closer to me.

"Mary, hindi ako aalis."

I almost smirked at the familiar line I heard a few times before, pero heto ako ngayon, mag-isa lang. It didn't hurt anymore, but it left scars.

"Just let me."

Nang lumalim pa lalo ang gabi, napagpasyahan naming umalis na, tutal, lampas pa sa isang oras na hiniling niya sa akin ang pananatili namin dito. Hindi mabilis ang pagdi-drive niya at hindi na lang din ako nagreklamo kahit na anong oras na kaming makakarating sa amin sa Olongapo. Mabuti na lang talaga, naka-motor siya kaya tuwing nagkaka-traffic, nakakasingit siya.

Nang makarating, makalipas ang isang oras ng pagbyahe, nagpababa na lang ako sa kan'ya sa kanto.

"Huwag na sa loob," sabi ko at pinilit siyang huminto sa pagdi-drive.

"Bakit?" huminto na siya nang bahagyang makapasok.

Umiling ako. "Baka lang kung anong isipin ng makakakita sa 'yo," I said as I give him the helmet. "Salamat. Nag-enjoy ako."

Ngumiti siya at tumango. "Okay, next time ulit," he said, smiling.

Tinawanan ko lang siya at kinawayan na, bago pumasok sa loob ng eskinita. Nakalayo na ako sa kinalulugaran namin kanina nang lumingon ako sa kan'ya. Nakita kong nandoon pa rin siya. Natatawa akong itinaboy siya at sinabing umuwi na dahil malapit naman na ako.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now