Lumingon ako sa kan'ya. "Pero kahit nakangiti ako o tumatawa, malungkot pa rin ang mga 'yan."

He slightly chuckled. "Sigurado ka ba kasing masaya ka kapag nakangiti, para magreklamo ka kung bakit malungkot ang mga mata mo?"

Tumingin ako sa kan'ya sala huminto sa paglalakad.

He really is trying to get inside me. And I can't just let him do that. I can't just let someone enter my life once again. I've built up my walls long ago to protect myself. Ayoko nang maramdaman ulit 'yong mga naramdaman ko noon.

I smiled. "Hindi mo pa ba ako iuuwi?"

Nag-iwas siya ng tingin saka tumawa.

"Grabe, pataas talaga nang pataas itong mga pader na 'to, hindi ko makarating, grabe." He laughed. Tinawanan ko na rin siya kasabay ng pagbalik niya ng tingin sa akin. "Pero hindi ako susuko, hanggang sa makita ko yung core ng pagiging gan'yan mo."

"Gan'yan? Anong gan'yan?" nalilitong tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Cold . . . mysterious. Sobrang . . . pessimistic na tao. I want to dig deeper about you. I want to know more about you and it's driving me crazy right now."

Napakunot ako ng noo. "Paano mo naman nasabi 'yan? Driving you crazy talaga, ha? Lul." I laughed.

"You really are driving me crazy, Mary. I can't stop thinking about you and what made you like that."

Napangiti na lang ako nang tipid.

You can't stop thinking about me? Halos dalawang buwan ka ngang nawala after noong first talk natin, eh. At hindi mo rin naalala na pinahiram mo ako ng payong.

But maybe there's a reason, right?

I chuckled. Here I am again, trying to see the good in every person.

"Itigil mo yan."

"Paano ako titigil?" kunot-noong tanong niya.

Napalunok ako. "'Yung mga sinasabi mo. Masyadong . . . masyadong maganda. Masarap sa tainga, eh."

"And? What's wrong with that?"

I erased my smile as I started talking to him seriously which, I know, made him uneasy. It's clearly visible in his face. One thing about him that I observed is that . . . he is really transparent in what he feels.

"Paano kung masanay ako? Gian, this is just our second meeting—our second long conversation in the middle of the night, on the street. Ayokong dumating 'yung araw na . . . masanay ako, at hanap-hanapin ko 'to."

Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya. Napaiwas ako ng tingin dahil mas sanay ako sa pagiging playful niya. Siya ang uneasy kanina pero ngayong seryoso na siya, ako na.

"Mary, ako ang lumapit sa 'yo. Wala namang problema kung masanay ka kasi hindi naman ako titigil."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Sincere naman ang boses niya—siya mismo, alam kong sincere sa lahat—pero hindi pa rin nawawala ang takot sa puso ko.

Humarap ako nang mabuti sa kan'ya saka humalukipkip.

"Paano mo nasabing hindi ka titigil? Paano ka nakakasigurado? Gian, ngayon pa lang sinasabi ko na kaagad sa 'yo, ayoko ng attachments. Kaya kung aalis ka lang rin naman...please lang. Ngayon na. Ngayon na kung kailang hindi pa kita tuluyang pinapapasok sa buhay ko. Hindi ko pinrotektahan ang sarili ko sa tagal ng panahon . . . para bumalik ulit sa simula."

Nauna akong maglakad sa kan'ya pabalik sa sasakyan at isinuot ang helmet. Ilang sandali pa, nakita kong sumunod siya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako umabot sa punto na sasabihin ko 'yon. Siguro, dahil sa separation anxiety ko? Siguro dahil sa takot kong baka maulit lang nang maulit lahat ng nangyari noon.

Unlabeled [Baguio Series #1]Место, где живут истории. Откройте их для себя