"Three hundred fifty-seven pesos and seventy-five centavos, Sir." Inabutan niya ako ng five hundred peso bill. "I received five hundred."

Nag-cash out na ako at sinuklian siya. Nang matapos mag-print ang resibo, iniabot ko na sa kanya ang mga binili niyang nasa kraft paper bag na kasabay ng resibo.

"Salamat," nakangiti niyang sabi. "Ay, teka. May kulang po yata."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Hala? Ano?"

Tiningnan ko ang loob ng cubicle pero wala namang naiwanan na items.

"Ah, ano, number mo."

Para naman akong namutla sa sinabi niya. Bakit naman niya kukuhanin ang number ko habang nasa trabaho ako? P'wede naman niyang gawin 'yon mamaya! Kasama ko ang katrabaho ko sa cubicle, natural lang na mag-isip ng kung ano-ano 'to! Sa pagiging malisyoso niya, siguradong maiisip niya kaagad ang tungkol sa commitment issues ko!

"B-Bakit?" halos napapaos na tanong ko.

Ngumiti siya. "Nakalimutan ko kasi noong magkasama tayo noong ga—"

Napatingin ako kay Neil saka tumawa bago ibinalik kay Gian ang tingin.

"Ahh, 'yon ba?" I awkwardly laughed as I cut him off. "O sige, eto na."

Nag-feed ako ng kaonting papel sa printer ng resibo saka isinulat ang cellphone number ko. Nakangiti niya itong kinuha sa akin.

"Salamat!"

Matapos noon, lumabas na siya ng department store, dahilan para makahinga ako nang maluwag. Parang nanlalambot pa ang mga tuhod ko nang maiwan ako sa kasama si Neil dahil sigurado akong aasarin ako nito sa narinig.

"Naku! Frenny ha? Ano 'yon?"

Sabi ko na nga ba, eh.

Tumingin ako nang deretso sa kan'ya. "May hiniram ako sa kan'ya, okay?"

Inirapan ko siya para hindi niya mahalatang hindi ako komportableng pag-usapan ang nangyari kanina.

"Ayiee!" sanbi niya saka sinundot ang tagiliran ko.

Hinarap ko siya nang may masamang tingin. "Aray, ah?"

Ngumisi ulit siya. "Siya na ba ang magpuputol ng three years mong sumpa sa sarili mong hindi makikipag-commit sa kahit na sino?"

Nag-init ang mukha ko sa pagpapaalala niya ng bagay na 'yon. Nakakainis talaga 'to! Sabi ko na nga ba, tama ako ng hinala kanina! Hindi na nahiyang sabihin ang tungkol do'n. Baka mamaya, may makarinig sa kan'ya!

"Frenny, hinding-hindi mapuputol 'yon, at hindi ko naman kilala ang taong 'yon. May utang na loob lang ako kaya—"

"Sus."

Tumingin ako sa kan'ya nang masama kasabay ng pagbuntonghininga ko bilang pagsuko. "Alam mo, wala talagang point ang pag-e-explain sa 'yo—sa inyo ni Archie!" I said as I rolled my eyes at him.

Tinawanan niya lang ako nang malakas bago bumalik na sa trabaho.

***

Nang mag-lunchbreak, sobra akong kinakabahan sa hindi ko kayang ipaliwanag na dahilan. Dahil ba kinuha ni Gian ang number ko? Ano namang nakakatakot doon, hindi ba? Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil lang do'n. Parang ang babaw ng dahilan pero feeling ko, tinatamaan ako ng anxiety ngayon.

Habang kumakain ako, deretso lang ang titig ko sa cellphone, hinihintay na umilaw, hudyat na may na-receive akong text o tawag. Pero natapos ang lunchbreak ko, wala akong na-receive na kahit na ano.

Baka naman niloloko lang ako ni Gian? Baka naman mamaya . . . kinuha niya lang ang number ko tapos ay itinapon na niya sa basurahan dahil niloloko niya lang ako?

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now