Paalam sa tagalog, Goodbye sa English. Salitang mahirap sabihin at masakit isipin. Pagkatapus sabihin ang katagang ito di mo alam kung magkikita pa kayo o hindi na.
Masakit maiwan ng may paalam pero mas masakit maiwan ng walang kahit anong salita lalo kung hindi mo man lang alam ang dahilan
Hindi mo alam kung lalaban ka pa o susuko ka na. Hindi mo alam kung aasa ka pa sa mga salitang binitawan niya o patuloy nalang lilimutin para di ka na masaktan pa sa huli. Di mo alam kung ang salitang paalam ay paraan ng isang tao para bumitaw.
Bumitaw sa mga pangako at pangarap na binuo kasama ka.
Pero ito lang ang sigurado ako, na hindi lahat ng kumakapit ay nagtatagal at hindi lahat ng bumibitaw ay walang masayang katapusan.Hindi lahat ng nananatili ay totoo at hindi lahat ng nang iiwan ay manloloko
YOU ARE READING
How do you say goodbye
RomanceHeriziel Kie Anderson simple pero mabait na may pagkamaldita. Sana'y siyang mapalibutan at ligawan ng gwapong lalaki but no one got her attention. Until oneday nagkita sila ng kababata niyang si AA dating mataba, maitim at suplado. Pero ngayon gwap...
