"Kate, kailangan na natin mag-meeting tungkol sa Financial Statement reporting natin" kakatayo ko lang sa upuan ko may bungad agad ng panibagong stress. Eh next next week pa naman e pepresent yung reporting pero parang hinahabol na agad sila nang oras eh pwede naman 'to pag-usapan sa friday na lang. Ano ba yan! Nakakapressure talaga.
Pero dahil ayokong maging pabigat sa grupo namin dahil ako lang naman yung mahina sa paningin nila edi kailangan naroon ako. "Sige." Walang buhay kong pagsang-ayon sa leader namin. "Pero baba muna ako, babalik rin para sa pag-memetingan natin." paalam ko kasi baka ano pa isipin ng ka grupo ko.
"Kate, tara na, uuwi na." sabi ni Elisa na tanging nakakausap ko lang ng matino sa room na ito. Kasi naman noon pa kami mag-kaibigan. Jhs hanggang ngayon na college na kami pota ka klase ko parin, nauumay na kami sa pagmumukha ng isa't-isa eh.
" Ge, mauna na lang kayo. Sasama lang ako sa inyo patungong office pero babalik rin ako dito kasi mag-uusap pa kami para sa reporting eh" tugon ko kay Elisa na parang tangang nagulat akala mo hindi na sanay sa mga atat naming blockmates.
"Ano?! Ang aga ha? Next week pa naman yung presentation bakit ngayon agad gagawa na kayo?" Sabat ni Jin, na pinsan ni Elisa na kaibigan ko na rin. Wala eh kami-kami lang talaga magkaprihas dito mga tamad hahaha.
Napapaikot ko na lang ang mata ko sa ka grupo ko." Ito naman! Parang hindi na nasanay sa mga kaklase natin na kahit hindi naman minamadali sinasadyang madaliin ang sarili nila. Kaya sila na ststress eh" sabat naman ni Elisa na parang di rin nagulat at nasanay sa blockmates namin. Actually kasi yung ibang blockmates namin eh blockmates din namin noong senior high school kami kaya medjo kilala na rin namin sila pero di lang namin close talaga kasi di kami magka-vibe eh.
Habang pababa kami patungo sa 2nd floor which is naroon ang opisina ng mama ni Jin kasi professor rin sa skwelahan namin, yun nga lang eh sa ibang department nagtuturo, pero baka maging professor din namin ang mama niya sa future subjects namin. Buti na lang ngayon eh hindi namin professor sa kahit anong subject kasi parang ang awkward kapag professor mo ang mama mo or tita mo baka sabihin nila na pinapaboran ka kasi kamag-anak o kaya kilala ka.
"Oy Kate, alam mo ba mayroon daw tayong new blockmate." sabi ni Jin habang binubuksan ang pinto para makapasok na sa office.
"Talaga?" I answer a bit confused kasi 1 week na since nag start yung totoong klase namin though 2 weeks ago pa lang talaga nag-open so, technically 1 week lang siya absent kasi last week lang naman nag start mag attendance yung professors namin.
"Yup! gwapo daw sabi nila. Excited na ako kasi naman bakit ba puros babae tayo sa section natin? hmp" reklamo ni Jin. Kapag usapang gwapo talaga eh ang bilis magpalit nang mood kaya nga kami magkaibigan.
"Wow, babae ka?" pang-aasar ni Elisa sa pinsan niya. "Babae ka, ha?" inulit pa talaga parang tanga.
Ngumisi lang ako sa pang-aasar ni Elisa sa pinsan niya at kumuha ng baso para makiinom ng tubig. Ito lang talaga ang pakay ko dito ang makiinom kasi libre naman close din ako sa mga professor na nandito sa office. Binigyan ko rin si Eli ng tubig kasi parihas kami uhaw.
"Eh ikaw nga parang lalaki kung maglakad" pang gagatong naman ni Jin.
"At least ligawin HAHAHAHA" syempre di naman magpapa-awat 'tong si Eli.
"Ay, ganon? Ligawin ka pero iniwan sa ere?" ayun bull's eye hahahah.
"Akyat na ako. Baka sabihin nila wala akong silbi." paalam ko sa kanilang dalawa na nag-aasaran "Oy, Jin galing mo dun HAHAHA" pang-aasar ko ng onti kay Eli at tumalikod na baka saan pa mapunta 'to eh.
"Kawawa ka sa grupo mo" di talaga papaawat 'tong si Eli hahaha.
"Baka sila kawawain ko. Char!" syempre di rin ako magpapatalo.
"Baka gusto nila na ikaw ang mag report na lang? tignan natin, diba bibilib yan sa skills mo sa reporting" panggago naman ni Jin. Ang swerte ko lang sa past 2 years kasi di pa talaga ako naka pag report sa harap nila.
"Kahit ako na mag-offer ng sarili ko eh"
I smirked. " Ge, alis na ako, ingat kayo pauwi. Ingat, Eli" beso sa kanya. Hinarap ko rin si Jin " Ingat, Jin" sabi ko at lumabas na baka isali pako sa asaran nila't di na ako aakyat talaga.
Habang paakyat sa 3rd floor may bumangga sa akin na lalaking nagmamadali at nabunggo pa ako! "What the fuck?" bulong ko dahil nabunggo ako sa pader ang sakit oy! napahinto rin ang bumunggo sa akin pero tinignan lang ako. Hala siya, siya na nga naka bangga at nagmamadali eh siya pa masungit. "Sorry, di naman masakit" sarcastic kong parinig.
And the bastard just really stare at me so, of course I rolled my eyes at him and walk past him. At talaga nga namang sinalubong pa ako ni Hazel sa pintuan.
"So, Kate tapos na kami sa meeting natin" sarcastic na sabi ni Hazel sa akin. "And I just want to tell you that your part is to report about the financial statement. Ano ang mga laman nito but you don't go too deep kasi yan ang e didiscuss ng iba. Alright?" mataray na pagkakasabi niya at nakataas pa talaga ang kilay akala mo natatakot ako?
"What?" i asked annoyed and confused.
"What? What?" balik na tanong sa akin.
"Yun lang yung part ko? You can just chat me, you know?" kapagod kaya bumalik sa taas para lang sa punyetang meeting na pwede naman palang e chat na lang.
"Whatever." Ito walang sisihan kung malilintikan 'to sa akin eh. "And just so you know, i want you to meet your partner for the reporting." at tumingin siya sa likod ko so tinignan ko rin at nakita ko na naman yung lalaking hindi marunong mag-sorry!
At talaga nga namang tumigil pa sa gilid ko. Ang kapal ng mukha ha. Sinamaan ko nga nang tingin ang lalaking makapal ang mukha na 'di marunong mag-sorry.
"Connor, meet Kate." biglang pakilala ni Hazel sa akin sa lalaking 'di marunong mag-sorry. "Kate, meet Connor" pakilala rin sa akin ni Hazel sa kanya. Talaga nga namang nag-init ang ulo ko agad. Just What. The. Fuck. Really??
"Your partner for the reporting, our new groupmate, and new blockmate."
I stared at him in shock, though I still manage to keep my cool. BUT I'm pretty annoyed inside obviously irritated and confused. Why? How? What the Fuck?
;)
