Sabi nila lahat ng bagay ay may rason kung bakit ito nangyayari pero minsan pinapanalangin ko na alam ko ang dahilan kung bakit nangyayari yun sa buhay ng isang tao. Lalo na ngayon.
Napatitig ako sa salamin. Nakikita ko ang repleksyon ko rito I’m wearing a black loose fit blouse na pinarisan ng puting high-waisted short at brown sandals. Ngayon ay sabado at may pasok pa ako para sa huling araw dahil kakagraduate ko lang ng college. Hindi naman na siguro magtuturo ang professor ko dahil nakagraduate naman na ako eh kailangan nalang naming pumunta roon para kunin ang mga natitirang parapernalya namin patunay na nakagraduate na ako.
Sinuklay ko ang mahaba at itim na itim kong buhok at isinuot ang eyeglasses ko.
“Suz,breakfast is ready.” sigaw ni Kuya Raymond mula sa labas ng kwarto ko habang malakas na kumakatok
“I’m coming!” sagot ko at kinuha ang aking cellphone sa maliit na mesa.
Nang buksan ko ang pinto nakita ko ang kapatid kong may hawak itong tobleron at ibinigay iyon sa akin.
“For you, Suz. Congratulations.” nakangiting sabi nito tsaka hinagkan ako sa noo at ginulo ang buhok ko bago naunang bumaba sakin
Napatitig ako sa chocolate na ibinigay ni kuya sakin. Yeah congratulations, Suzanne.
Maybe someday I will understand what is the reason of all this things happening to me.
Bumaba narin ako at dumeretso sa kusina. Nadatnan ko sila ni Mama na nakaupo na at kumakain. Humalik ako kay Mama at inilagay sa ref ang tsokolateng ibinigay ni Kuya saakin at umupo sa tabi nito.
“Kumain kana muna bago ka pumasok.” sabi ni Mama habang pinaghahainan ako.
I’ll miss this moment. I only have a day to stay with them. Sana hindi agad lumipas ang araw na ito.
Gusto ko pa silang makasama kahit hindi ko sila totoong pamilya. Yeah I am their adopted daughter. Nang si Papa Dante ay naospital dahil sa cancer at ako naman ay isang linggo palang naipapanganak ni mommy ay nilapitan ni mommy sina mama noon dahil magkatabi lang sila ng room noon at inalok sila na tutulungan sila na makalabas ng ospital basta ba ay aalagaan nila ako at sasabihin sa iba na anak nila ako. At sinabing makalipas ng labing pitong taon ay babalik at kukunin nila ako mula sa kanila. They didn’t even say what is the reason why they left me. They just left me there not knowing that someday when I grow up I’ll ask Mama who are my true parents. And oo nga dumalik nga sila,diba? Ang galing parang nagiwan lang sila ng tuta sa isang shelter para paalagaan ng labing pitong taon at tsaka nila babalikan kapag gusto nila.
I’m not that mad but it’s unfair for me and for mama Alice and papa Dante they spend their entire life working, para makapag aral ako, kami sa prestihiyosong paaralan every year because they want us to experience things they didn’t experience when they were kids.
“Suzanne, are you okay?” nagaalalang tanong ni Mama sakin
“Yeah, okay lang po ako Mama.” I force to smile so that she won’t worry
Ngumiti rin ito at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko maiwasang magtampo sa totoo kong magulang dahil hindi dapat naranasan nila Mama, Papa at Kuya ang hirap ng buhay kung hindi ako iniwan ng mga ito sa kanila. Sana nakapagtapos ng pag aaral si Kuya Raymond at naging isang doctor tulad ng pangarap ni Papa Dante para kay Kuya pero dahil sakin napilitan itong huminto ng nakapag tapos ito ng high school para makapag college ako dahil hindi kaya ni Mama mag isa ang pag aralin kami ng sabay. Nang yumao si Papa Dante maraming nagbago palaging pagod si Mama sa pagtatrabaho para saming tatlo naranasan naming kumain ng isang beses sa isang araw dahil kailangan ko noon ng pam bayad para sa laboratory examination ko. Si mama ang nagpursigi dahil hindi naman nakapag college si Kuya Raymond hindi siya tinatanggap sa kahit na anong trabaho. Kaya napilitan din itong mamasukan bilang kargador ng isda sa palengke pero hindi sapat ang kinikita niya para makatulong kay Mama na isang kasambahay. Lahat ng kailangan ko sa school at sa personal binibigay nila sakin and now my parents want me to come home to them. It’s so UNFAIR.
ESTÁS LEYENDO
Tatia
De TodoIto ay gawa gawa lamang ng isang simpleng manunulat. Lahat ng pangalan, karakter, lugar at pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Naisulat ko ito dahil wala lang (charot!) dahil bukod sa bakasyon na ay gusto kong ring kahit kakapaano ay maibahagi...
