Ang pinaka masayang makita ng mga
mata ay yung makita mong masaya ang iyong magulang ng dahil sayo.
Di lahat ng tao ay biniyayaan ng magulang na perpekto,at magulang na
totoo.Merong mga magulang na may diperensya o parang may kulang.Na sila ay di tulad ng ibang magulang.
Gaya na lamang ni Mela. Sobrang saya
ng kanyang mga magulang ng dumating sya.Lalo na ang kanyang ama.Lumaki si Mela sa poder ng kanyang ina.Mahal na mahal niya ito.
Sanggol pa lamang siya ay ramdam na niya ang yakap ng kanyang ina.Kaya di na malabo na sa pagtanda niya ay hahanaphanipin niya ang kanyang ina.Tuwing linggo sila ay nagsisimba.
Pagkakatapos nilang magsimba ay ipapasyal si Mela ng kanyang ina sa parke.Mahal na mahal talaga ni Mela ang kanyang ina.Lumipas ang panahon at magtatapos na ng elementarya si Mela.Tanging nais lamang niya ay ang makasa sa pagakyat sa entablado ang kanyang ina.Ngunit ito ay malubha ang karamdaman.Ang nadoon lamang ay ang kanyang ama.Malaki ang kakulangan sa kalinga ng kanyang ama si Mela.Pagdating nila sa entablado ay pinagtawanan sila ng kanyang ama.Di niya maintindihan kung bakit.
Biglang tumakbo ang kanilang kapitbahay at sinabi "Mela ang iyong ina isinugod sa ospital"
Nagmamadali silang pumunta sa ospital.Pagdating nila roon ay nanlumo sila sa sinabi ng doctor
"Pasensyana po,ginawa po namin ang lahat"Humagulgol sa iyak si Mela.
Matapos ang libing ng kanyang ina ay naging matamlayin si Mela siya na lamang ng kanyang ama ang lalaban sa buhay.Pinipilit na ipaintindi ng kanyang ama ang nangyari.Ngunit ganon parin si Mela.
Pagtungtong ni Mela sa HighSchool
ay iba na siya,parang sya na lamang magisa.Hindi na niya iniintindi ang kanyang ama.Ayaw niya ito kasama,ayaw niyang makita siya ng kanyang mga kaiskwela.Ayaw nya talaga itong intindihin.
Isang araw ay naiwan ni Mela ang kanyang baon at dinala ito ng kanyang ama sa eskwelahan.Hiyang hiya si Mela sa nangyari ayaw na ayaw niya na makita ng kanyang mga kaklase ang kayang ama.Pagdating ng kanyang ama sa eskwelahan ay agad niyang nilapitan at sinampal ito.Sabay
sabi ng kanyang mga kaklase "ang lupit mo naman Mela sa katulong niyo di ka na naaawa alam mong pipe at binge ginaganyan mo pa"
Pilit na ipanaliliwanag ng ama ni Mela na sya ang ama ni Mela ngunit pinag sasamapal lamang siya ng kanyang anak at linuran pa.
Paguwi nila sa bahay sinabi ni Mela sa kanyang ama" Bakit ka ba pumunta doon alam mo namang naroon ang mga kaklase ko"At umiyak na lamang ang kanyang ama at di kumain ng ilang araw.
Noong muling naiwan ni Mela ang kanyang baon ay nagisip ang kanyang ama upang malaman ng kanyang mga kaklase na siya ang tunay na ama.Dahil na nga sa kanyang kapansanan ay nahihirapan siya na masabi ang kanyang nararamdaman
Naisipan niyang isulat na lamang ito.
Pag dating niya doon ay agad hinanap nya si Mela nagkataong maraming tao roon.Nakasulat"Anak ko si Mela"
Dali daling tumakbo si Mela at pinagtabuyan ang ama.Pinagtawanan si Mela ng kanyang mga kaklase.
Simula noon ay binubully siya at wala ng nakikipagkaibigan sa kanya ng dahil sa kanyang ama.Sisingsisi si Mela kung bakit ba iyon ang kanyang naging ama.Nagsimula na siyang magliwaliw.Lagi siyang iyak ng iyak.
Sobrang lungkot kung bakit ba sya nagkaroon ng amang ganon.Dumating pa nga sa punto na ang nagiging nobyo niya ay iniiwan siya ng dahil sa kanyang ama,wala naring nalapit sa kanya.
Dahil na nga sa nangyayari ang kanyang ama ay sising sisi,hirap na hirap kung bakit ba sya nagkaganon.
Pilit nyang kinakausap ang kanyang anak ngunit gaya ng dati hindi siya iniintindi nito.
Dumating ang kaarawan ni Mela kumayod ng doble ang kanyang ama
para mabilihan siya ng regalo at cake.
At nagpapraktis siya ng kanyang sinulat.Nakalakip dito ang pagpapatawad kung bakit siya ang naging ama ni Mela,at pasasalamat dahil nabiyayaan siya ng anak.
Habang hihintay niya ang kanyang anak ay napapansin niyang lumalalim na ang gabi.Hanggang sa lumipas ang mga oras napag pasyahan nyang hanapin ito.Pumunta sya sa tindahan sa eskwelahan,sa banyo.Natagpuan niya ito sa kwarto at waring nagpakamatay nilaslas ni Mela ang kanyang kamay at naghihingalo na.
Dalidali humingi ng tulong ang ama ni Mela ngunit walang umiintindi sa kanila.Napagpasyahan ng ama ni Mela na itakbo na lamang si Mela.
Pagdating nila toon ay agad agad niyang dinala sa isang doctor.
Pinaiintindi niya gamit ang kamay at reaksyon sa mga doctor na gawin ang lahat iyak ng iyak si tatay at di mapakali.Ibigsabihin niya meron daw siyang bahay damit ibibigay daw niya ito pagalingin lang daw nila ang kanyang anak.
Marami ng dugo ang nawala kay Mela at kailangan ng mga doctor ng magdodonate ng dugo.Sabi ng ama ni Mela na ibibigay daw niya ang lahat ng dugo nya mailigtas lang daw si Mela.
Naging matagumpay ang ginawa ng mga doctor,nakaligtas si Mela at hindi
makapaniwala sa nangyari.Kasi habang sinasalin ng kanyang ama ang dugo ay nanghihina ito at nilagutan ng hininga ilang minuto bago maligtas si Mela.
Sisingsisi si Mela sa kanyang mga nagawa kung bakit di niya pinahalagahan ang mahalaga at mas pinansin ang kanyang kahihiyan.
Alamin natin kung sino o ano ang mahalaga.
YOU ARE READING
Kahalagahan Ng Mahalaga
RandomBy:Phrynz Villanueva Just read it and understand #first story
