4. I just fell in love. . .

Începe de la început
                                    

Huminto na ako sa paglakad at humarang sa dadaanan nya. Tiningnan ko sya at kinilatis na mabuti ang hitsura nya.

Nakipagtitigan din sya. He has that dignified seriousness in his eyes that slowly turns vicious like a vampire hungry for blood as he lowers his face to mine.

Oh my God, what is happening?

Our faces are now only inches apart and I can smell his scent.. ang bango... his breath... so fresh...

Nakakatuliro..

Napalunok nalang ako. Dalawang beses.

Hindi pa ako ready sa first kiss o first bite kung ano man sya, but either way I'm more than willing kaya napapikit nalang ako.

.

.

.

.

.

.

Antagal naman..

.

.

.

.

"Aray!!"

Hindi po ako kinagat.

Naudlot ang pagrereminisce ko nang batukan ako ni Ivy. "Ano ba ansaket nun ha!"

"Eh para kang tanga anong nangyayari sayo mukha kang possessed!"

"I'm really possessed coz he possessed me. I feel like I'm not myself anymore and-" Hindi ko na natapos ang speech ko na tagos pa mandin sa puso dahil mukhang nawawala na sila sa sarili nila.

Si Ivy ay napatakip ng kamay sa bibig nya as if she just heard something horrible. Napaurong pa ito habang umiiling-iling. "No.. hindi.." Mahina nyang usal. Ngayon tinagalog naman nya.

Si Jeleen, same reaction as Ivy pero pasosyal na version, walang sounds at dahan dahan ang pagtakip ng kamay sa bibig nya. Shocked but poised as ever.

At ang pinakaOA, si Tin na umaaktong mahihimatay.

"I'm gonna faint! I'm fainting! Ouch!!" Ito yata ang may sapi eh, batukan ko nga. "Now faint!" Pinandilatan ko ito ng mga mata.

Hindi ko na sila kinaya. "Kalma lang please! Ang OA nyo! Hindi sabi si Jeffy okay?! It's-" Sh*t! I forgot to ask his name!

"SINO?!!"

Member ba sila ng choir kasi in chorus na naman sila at synchronized pa.

"Nakalimutan ko itanong ang pangalan nya.. pero friends! Ubod ng gwapo!!" Nagtatalon pa ako sa sobrang kilig, pati si Tin at Ivy naki-join narin. "Aaayyy!!!" Sabay sabay kaming tumili maliban kay Jeleen.

"Mas gwapo pa kay Papa Jeff?" Tanong ni Jeleen, nakapamay-awang pa ito mukhang hindi matanggap na may taong nageexist sa Kabulas na mas gwapo kay Jeffy palibhasa si Jeffy lang ang nakikita nya.

"San mo ba nakilala? Ano ba'ng nangyari?" Hinawakan ni Ivy ang kaliwa kong braso at niyugyog ito.

"Kwento mo na. Dali." At si Tin naman sa kanan.

"Okay, okay." Tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa mga braso ko. "But listen first, react later okay?" Kasi kung simultaneous ang reaction nila baka abutin kami ng umaga.

At kinuwento ko na ang lahat ng nangyari hanggang sa pagpikit ko habang hinihintay ang first kiss ko haha assuming! Ngayon ko lang nadiscover ang landi ko pala.

THE WEDDING DRESSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum