"Thanks!"

Tahimik na tao si Sky ,mas madaldal pa nga si Spike sa kanya.

"Ang boring walang inuman!" ungot ni Andre.

"Sinong nagsabing wala?" si Kuya Spike. Nakapolo pa ito ,halatang galing trabaho.

Tahimik lamang si kuya sa tabi ko at ramdam ko ang kamay nito sa aking likod.

"May inuman?" nakakunot ang noo ni Andre.

"Oo, sa pad ko. Doon tayo mag inuman para safe. Hindi puwede sa dorm niyo di'ba?"

"Oo bawal." Si Andre.

"Ikaw Santi? Kailan ka lilipat ng pad? Afford mo naman yun di'ba?"

Kanina puno ng kantyaw si kuya dahil napalitan na ang kinakalawang niyang sasakyan.

"Ayos lang." Maiksing sagot nito at uminom ng tubig.

"It's up to you. Tsaka tanggapin mo na ang offer abroad. Malaki ang opportunity Santi, sayang rin."

Napakagat labi ako at yumuko.

"Ayos lang ako dito." Ramdam ko ang tingin nito sakin. "Wala akong rason para umalis."

Shit.

Our months became smooth. Mas naging hectic ang schedules ni kuya to the point na hindi kami nagkita almost a month. Kaya medyo matamlay ako. Hindi magsakto yung schedules namin. I just busied myself with my paintings.

Ilang bumisita sa eskwelahan ang nagustuhan ang mga iyon lalo na yung "The moon and ocean", ang painting ko na hinalintulad ko sa sitwasyon namin ni kuya.

Hindi ako pumayag tsaka hindi ako ganon ka confident.

"May carreer ka sa industriya at sining miss Sandoval."

Yan ang palaging linya sa akin ni Miss Garcia. I was flattered dahil para sakin, hindi ganon ka ganda ang gawa ko na pwede kong ipaglaban sa ibang paintings pero naaappreciate ng iba.

One rainy afternoon nang tumawag si kuya.

"Hello.." matamlay na tanong ko. Nagsasalamin ako sa comfort room ng aming campus.

Kasabayan ko ang iba't ibang studyante. Nginingitian ako ng mga ito.

"I'm sorry baby, marami akong trabaho-"

"Masusunod mo ba ako?" I sounds like a demanding girlfriend.

"Of course." His voice was husky.

Umirap ako dahil ilang ''ofcourse" na ang narinig ko mula nang nagdaang buwan. Malapit narin ang birthday ko. Malapit na ang debut ko. Times flies so fast nga naman.

"Talaga?" Sarkasmo ang boses ko.

"Baby please, h'wag na natin pag-awayan. I'm tired."

Naguilty ako bigla. "Okay, pasensya na."

Hindi ko na kayang habaan ang usapan namin at kusa ko na iyong pinatay. Pakiramdam ko, nag iisa nalang ako. Nag-iisa sa madilim na espasyo. Nangangap at nag aabang kung ano ang maaaring mangyari.

Sa bahay tuwing gabi ang pag-aamok ni papa. Naglalasing na naman ito.

Isang pagkabasag ng vase ang narinig ko sa ibaba kaya bumangon ako at tinungo si papa.

He was lying on the floor helplessly.

"Mona...Mona..Hindi ko pala kaya.."

Pa ulit ulit na sambit nito. Dumaloy na naman ang aking luha. Binuhat ko ang walang malay na si papa at dinala sa kuwarto.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDWhere stories live. Discover now