Papunta ako ngayon sa Maynila kung saan bibigyan daw ako ng trabaho ni lolo -ano nang pangalan nun!? Ahh oo nga pala si lolo Carlo, ung pinsan ng pinsan ng lola ko. Ung matandang un ang kulit kulit sinabi ng ayokong magtrabaho sa Maynila pilit pa rin ng pilit, pinuntahan pa nya ako dito para lang isama sa Maynila. Sinabi ko na sa kanya na kaya ko naman mag-isa at tsaka may trabaho naman ako dito e. Ang sabi naman ni lolo Carlo napag usapan na daw kasi nila ni lola Carmel ko un. Ganto pa ung sabi nya.
"Sige ka baka bumangon sa hukay iyang si Carms at isama ka sa kabilang buhay"
Tsaka kahit di daw sabihin ni lola Carmel na kay lolo Carlo daw nya ako ipapaubaya kapag iniwan na nya ko, eh pa din daw ako ni lolo Carlo kasi alam nya na si lola na lang ang nag iisa kong pamilya.
Bata palang kasi ako iniwan na kami ni mama sumama siya sa ibang lalaki
Tapos si papa naman dahil sa sobrang kalungkutan ayon nadeads. Lagi na kasi syang umuuwi ng lasing tapos di sya kakain, kakagising nya lang laklak alak na naman. Siguro sobrang mahal talaga ni papa si mama kaya ganun.
Nakita kung paano nasaktan si papa kay mama kaya kahit ayaw nyang sumama si mama sa iba hinayaan nya na lang kung doon naman daw sasaya si mama e.
Nung dumating ung gabi na nalaman kong pinuntahan ni papa si mama dun sa bahay nung kabit nya, un na din ung gabi na nawalan ako ng ama.
Napatay daw kasi nung kabit ni mama si papa, nagmamakaawa pa nga daw si papa kay mama na bumalik na sya saamin e pero hindi nakinig si mama, hinayaan nya lang si papa.
Tapos dun sa lamay ni papa nagpunta si mama, todo hingi sya ng tawad. Nilapitan sya ni lola nun pinagsasampal sya ni lola, sinabunutan, binugbog, tinadyakan. Charot. Sinampal at sinabunutan lang sya.
Sabi ni lola kasalanan nya daw kung bakit namatay si papa. Dapat daw talaga hindi na sya pinakasalan ni papa kasi malandi sya at mukang pera. Alam daw kasi ni lola na niloloko nya lang si papa pero kahit daw sabihin niya ka papa ayaw daw maniwala ni papa.
Dapat daw si mama nalang ang nawala. Matapos nun umalis si mama na malapit ng makalbo. Grabe kasi ung sabunot ni lola.
Nagtaka ako kung ano ung sinasabi ni lola na niloloko lang ni mama si papa kaya tinanong ko sya.
Dun ko nalaman na 'di pala ako tunay na anak ni papa kase anak daw ako ni mama sa ibang lalake pinalabas lang ni mama na anak ako ni papa kase 'di daw sya pinanagutan nung lalaking nakabuntis sa kanya.
Pero kahit ganun hindi nagbago ung turing ni lola at papa sakin. Inalagaan at minahal nila ako na parang galing ako sa kanila.
So, yan ung nangyari sakin kaya gustong gusto talaga ni lolo Carlo na mapunta ako sa kanya hindi talaga sya pumayag na bumalik ng Maynila ng mag-isa kaya ayun napapayag nya na ko.
Pero teka, wait, sandaleeeee kilala nyo na ba ko?
'Di pa no? Okay, ako nga pala si Marcelita Victoria Bartolome, 20. From the province of Zambales. I believe to the saying " Pangit man ako sa inyong paningin, huwag kayong mag-alala dahil kayo din" And i thank you (╯3╰) hihi.
So, ayun na nga kilala nyo na ko.
Pero 'di nyo pa alam ang itsura. Ahm...medyo matangkad ako na di gaanong kaputian. Mayroon akong kulot at maikling buhok tapos. . .
MAGANDA AKO!
Ang sabi sakin ni lola pagmalaki ko daw ung kagandahan ko edi ayan pinagmamalaki ko sa inyo na maganda ako, totoo naman e. Pag nagpapaload nga ko kinukuha ng tindera ung number ko mukang pati sya tinamaan saken.Hehe.
"Apo? Bakit ka nakatunganga dyan? Kanina pa kita tinatawag ah! Parang ang lalim lalim ng iniisip mo"
Nagulat ako ng tawagin ako ni lolo Carlo kaya napatingin ako sa kanya at binigyan sya ng isang nagtatanong na tingin.
"Ano po un lolo?"
"Ang sabi ko tara na at baka wala na tayong maabutan na bus"
"Ah okay po"
Tapos nagpunta na kami sa bus terminal. Halos isang oras rin ang byahe papunta sa bus terminal. Pag dating namin dun agad naming nakita ang bus papuntang Pasay. Sa Pasay daw kasi kami susunduin ng isa sa mga apo nya. Habang nakasakay kami sa bus nagkwento si lolo Carlo tungkol sa mga apo nya. Sabi nya mayroon daw siyang 4 na apo.
Ung panganay daw ang susundo sa amin, si Kyle Hendrix Ponce. Ung pangalawa naman si Kyle Cedrix Ponce, ung sumunod Kyle Dentrix Ponce at ung bunso at nag-iisang babae ay si Kyla Beatrix Ponce.
Nalaman ko kay lolo na ung panganay nyang apo may asawa't anak na pero ang kasama nalang ni Hendrix ay ung anak nya.
"Bakit hindi na po kasama ni Hendrix ung asawa nya?"
Napansin ko nag pagbabago sa mata ni lolo ang kaninang masaya napalitan ng lungkot at galit.
"Ahm...niloko nya lang ang apo ko. Pinerahan. Pinaniwala nya si Hendrix na mahal nya talaga ito. Matapos nyang manganak sa anak nila ni Hendrix iniwan na nya ang anak nya at apo ko"
"Ahh sorry po lolo kung tinanong ko pa"
"Its ok Marcy apo, wag na lang natin pag usapan ang babaeng yon"
"Ok po" mas mabuti na lang nga na wag pag usapan yun, mukang hindi komportable si Lolo Carlo
"Ung isa sa mga apo if you still remember ay naging kababata mo"
Huh!? Wala naman akong
natatandaang naging kababata ko e, kaaway siguro nung bata ako meron.
"Siguro 'di mo na sya natatandaan dahil sa..."
"Dahil sa ano po?"
"Ah wala apo forget about it"
Napatango na lang ako kay lolo.
Sino kaya ung kababata ko na un? At bakit hindi ko sya natatandaan?
Vote and comment guyss
Thank you! Mwah mwah tsup tsup
YOU ARE READING
The Chinito Perfectionist And I
RomanceHe's a perfectionist and she's a clumsy probinsyana. Paano kaya sila magkakasundo kung gayong gusto nya perfect lahat ng nasa paligid nya at itong isa naman ay lalampa-lampa?
