Alamat

4 1 0
                                        

Ang Isla Nalundan

Orihinal na isinulat ni Alexandrei Danao.

Noong unang panahon ang magkaibigang Lona at Dan ay matalik nang magkaibigan. Noon pa man ay may lihim na na paghanga si Dan kay Luna. Pero para kay Luna, si Dan ay isa lamang kaibigan o bestfriend.

Paano kaya maipapahayag ni Dan ang pagmamahal sa dalaga? Nag aalala siya lalo na't marami ring nagkakagusto sa dalaga aliban sa kanya.

ISANG araw habang namamasyal sila sa tabing dagat ay sinubukan ng binata na ipahayag ang kanyang nararamdaman. Nag aatubili siya baka tanggihan ng dalaga ang nararamdaman niya. Pero hindi niya akalain na pareho pala silang nararamdaman ng dalaga. 

Umusbong ang pagmamahalan ni Dan at Luna. Marami ang humahanga sa kanilang pag-iibigan. Maging ang kanilang mga kaibigan ay masaya para sa kanilang pagmamahalan. 

Isang araw ay namasyal sa dagat ang dalawa.  Maganda ang sikat ng buwan. Ika nga a romantic date  gitna ng dagat. Pero sa di inaasahang pangyayari bigla na lamang nagdilim ang langit at lumakas ang hangin. Bumuhos ang malakas na ulan. Tinangka ng magkasintahan na bumalik sa tabing dagat pero nilamon ng isang malakas na alon ang sinasakyan nilang bangka. 

Hindi na nakita ang katawan ng magkasintahan. Nagluksa ang buong baryo sa pagkawala ng magkasintahan. Hanggang isang araw ay may umusbong na isang maliit na isla kung saan sila nawala at nilamon ng dagat. 

Napakaganda ng maliit na Isla. Sa tuwing nakikita ng mga tagabaryo ang isla ay naaalala nila ang magkasintahan. Kaya sa kalaunan ay tinawag nila itong Nalundan bilang pag-alala sa alaala ng magkasintahan. 

Ang Katapusan...

******

Maiikling Kuwento (short stories)Stories to obsess over. Discover now