Nameywang si Ken habang pinagmamasdan ako. Sumulyap ako sa kanya saglit. Ngumisi siya kaya ngumiti rin ako at ibinalik ang tingin sa aso. Ang napansin ko agad ay ang suot nitong kwintas na may pendant na Paris at isang maliit na bilog na may nakaukit na pangalan.

"Franky?" Basa ko roon. "Franky ata ang pangalan niya."

"Maybe." Kibit-balikat ni Ken at ibinalik ulit ang atensyon sa kotse.

Nawili ako sa aso. Well trained kasi iyon at kung tatawagin mo siya at ilalahad mo ang kamay mo ay ilalagay niya agad ang kanyang kamay. Napakamasunurin naman nito...

"We're leaving, Aioni," ani Ken at tiningnan na ako rito sa terrace kung saan ako nakaupo.

Sumimangot ako at tiningnan si Franky. Nang makita niya ang aking reaksyon ay umangat ang dalawa niyang kilay at nagtungo na sa akin.

"Gusto mo ng aso? Ibibili kita pag nakabalik na tayo sa Maynila," sabi niya nang tumigil siya sa aking harapan at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ng aking inuupuan.

Umiling ako. Nalulungkot lang dahil maiiwan na namang mag-isa iyong aso. Ba't hindi nalang siya isinama?

"Ba't di siya isinama ng pinsan mo sa bahay nila?" tanong ko.

"I don't know... Hindi ko nababasa ang takbo ng utak ng lalakeng 'yon."

Ibinaba niya na ako roon sa aking kinauupuan. Ibinaba ko narin si Franky na nagawa pa akong tingalain saka ito lumapit muli sa akin. Tumili ako nang mabilis akong kinarga ni Ken sa kanyang bisig.

"No, she's mine..." ani Ken at naglalakad na patungo sa kotse.

Tumawa ako at iniyapos ang aking kamay sa kanyang balikat saka ko tiningnan si Franky na humahabol sa amin.

"Gusto niya ata ako," sabi ko. "Lalake pa naman."

Ken opened the front seat at maingat akong ipinasok doon. Hindi niya muna iyon isinara lalo na't tumingkayad agad si Franky at tumatahol na. Kinarga siya ni Ken. Kumaway ako habang nakasimangot.

"Hindi ka pwedeng third wheel sa aming dalawa, Franky. Baka makalimutan kong aso ka at maihaw kita," pagbibiro ni Ken habang naglalakad pabalik sa terrace.

Tumawa ako at nailing. Ibinigay ni Ken si Franky sa babaeng caretaker at ipinasok na sa loob ng bahay saka siya bumalik dito.

Kaya noong buong byahe, habang patungo kami sa Samal Island ay ang aso ang naging topic namin. Wala rin kasi talagang aso sa kanyang condo. At isa pa, feeling ko kaya ko namang mag-alaga ng aso. I never tried having a pet kasi wala rin talaga sa utak ko ang ganoong bagay. Para sa akin hassle lang dahil makalat sila. O baka biglang manganak at dumami ang lahi kaya mas hassle. Pero ngayon, parang okay rin pala...

"Bibilhan kita," ani Ken.

Tumango ako at napatingin narin sa pinasukan namin. Natanaw ko agad ang malaking barge na sasakyan namin para tumawid patungong Samal. Nagiging mabagal na ang takbo ni Ken lalo na't may ginagawa pang checkpoint dahil narin sa nagkalat na mga Army sa paligid.

Chineck lamang saglit ang aming loob at hinayaan na kaming makausad. Tumigil muli si Ken para magbayad ng aming entrance saka ulit nagderi-deritso sa loob noong malaking barge.

Maraming tao ang naroon, marahil ay magbe-beach din. Sa mga pictures rin kasi na nakita ko sa google ay sobrang ganda talaga. Ang balak nga namin ngayon ay mag Island hopping para maisa-isa ang bawat Isla.

"Hindi tayo lalabas?" tanong ko nang hinuhubad niya na ang kanyang seatbelt.

"No..." Ngumisi siya sa akin hanggang sa itinulak niya ang kanyang upuan paatras at tila may ipinapahiwatig na.

C H A I N E D (NGS #3)Where stories live. Discover now