Amara Salvatore Point of View
"Amara, Amara?!" Sigaw ni Kuya Renz.
"Ano?" Pag tatanong ko "Nakasigaw kananaman, ano nanaman bang problema?" Dagdag ko pa.
"Akala ko nawawala ka nanaman." Wika nya sabay hawak sa kanyang batok.
Sorry na pumunta lang naman kasi ako kay ate Giselle, ate Giselle is not alright kaya kailangan ko syang i-comfort.
"Pasensya na kailangan ko lang talagang puntahan si ate Giselle." Okay lang naman iyon para kay kuya Renz dahil kilala naman nya si ate Giselle kaibigan din nya iyon.
"Basta next time mag paalam ka." Wika nya sabag yakap sa akin.
I choose to leave my world I went to their world, this is just a fake world but real feelings, di ko na inaalala ang real world umalis nako sa mundong kinagisnan ko at pinili ang mundong ito.
"Sige paalam na Bunso bukas nalang ulit tayo mag usap gumagabi na." Wika nya, sabay lakad papaalis.
Pupunta nalang muna ako sa lugar kung saan ako pumupunta tuwing kumakagat na ang pag dilim.
...
"I miss you Bryan." Malungkot na wika ko.
Even if Bryan is a traitor I treat her as my friend, kaso si Bryan nag selos kasi kaibigan ko ung gusto nya. Masakit lang kasi akala ko kaibigan ko talaga sya pero hindi pala, kaibigan lang nya ako tuwing nandyan si Kim. Tuwing nag seselos sya sa akin ay lagi nya kong sinasabihan ng masasakit na salita, ang worst na sinabi nya sakin ay ahas, pokpok at mang aagaw, hindi ko alam pero pinatawad ko parin sya sa kabila ng lahat, ngayon hindi na kami nakakapag usap, umalis na ata sya ng bansa.
Hey! Alam kong iba yang nasa isip mo Bryan is a girl while Kim is a boy para mas maliwanag. Una kong na-meet si Bryan bago kay Kim, pero si Bryan ang nakasakit ng lubusan sa akin.
"Hey still thinking of them?" Mahinang sambit ni Winnie sabay upo sa aking tabi.
"Yes." Malungkot na wika ko.
"Shh okay lang yan." Sabi nya at niyakap ako.
How I wish that everything will be alright.
"Bes sa tingin mo ba makikilala pa nila ako?" Naluluhang wika ko.
I dont know kung bakit ganung tanong ang pumasok sa isipan ko pero sa tingin ko hindi na nila ako kilala, sino nga ba naman ako para tandaan nila? Hindi naman kasi ako naging mahalaga sa buhay nila.
"Oo naman Bes." Nakangiti nyang sambit at ibinato ang maliit na bato sa sapa.
"Pano naman Bes?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kasi ganto iyan Bes, ang alaala nakakalimutan iyan pero ang puso hindi nyan makakalimutan ang taong nakilala o naging mahalaga sa iyo." Mas lalo ata akong naguluhan ng sinabi nya iyon.. "Ganto lilinawin ko pa, maybe magkaroon man sila nang amnesia, ang puso ay hinding hindi makakalimot ang isip lang ang mamakagawang makalimot ibig sabihin ay mananatili ka parin sa puso nila kasi nakilala ka nila at naging parte ka ng buhay nila kahit hindi ka nila nakikilala."
Hindi man nila ako matandaan, makikilala at makikilala parin ako ng puso nila? Ganun ba iyon?
"Wag mo nang ipaliwanag Bes mas lalo akong naguguluhan." Sambit ko at tumayo na. "Umuwi ka na sa inyo, uuwi narin ako ingat ka Bes." Nakangiting sabi ko at nag lakad na papuntang bahay namin.
...
"Long time no see tomboy." Wika nya at sumabay sa aking paglalakad.
"Ikaw pala yan baks!" Masayang sambit ko habang pinagmamasdan ang kayang pustura.
"Ayan ka nanaman tomboy kailan ka ba titigil kakatingin sa ayos ko tuwing nag kikita tayo?!" Naiinig na pag tatanong nya.
"Sa panahong nay boyfriend ka na tsaka lang ako titigil." Pang aasar ko.
"Tsk." Tangi nyang nasambit at nanguna na sa paglalakad.
"Hoy baks antay!" Malakas na wika ko upang marinig nya ako.
"Bahala ka dyan ang bagal bagal mo." Pagsusungit nya sa akin.
Nagtatampo na agad siya palibhasa na offend ko ata doon sa word na 'wala siyang jowa', bakit ako, wala rin naman akong jowa ah?!
...
"Nakahanda na ang pagkain Amara, kumain ka na!" Sigaw ni Lylia, ang ka dorm mate ko. Si Lylia ang laging nag luluto sa amin kasi di ako marunong, ang kaya ko lang ay pancit canton, lucky me, mag saing ng kanin, tapos mag prito.
"Oo na bababa na!" Malakas na wika ko upang marinig nya ako.
...
Ano ba yan adobo, kahapon adobo rin ulam namin diba?
"Huwag ka nang umangal Amara yan lang kinaya ng budget ko." Sambit nya at nag simula ng kumain.
Nakalimutan ko di nga pala ako nakapag bigay sa kanya ng pera para sa pag kain namin. Akong bahala sa mga bagay na kakailanganin namin tapos sya naman bahala sa kakainin namin. Syempre nag tutulungan kami sa bayarin kaso ngayon nakalimutan ko.
"Teka nga muna nasaan na si Cathy?" Pag tatanong ko sabay upo sa silya para kumain.
"Nandoon sa kwarto nya kasama si Dogie."
Eto nanaman tayo sige wait lang lilinawin ko, Cathy is a girl dog wjile Dogie is a boy cat. Weird right? Ganyan talaga kalakas ang trip namin, yoi cant do anything about it.
...
"Hoy Lylia, ikaw bahala sa hugasan ngayon ako nag hugas kaninang tanghali!" Malakas na sambit ko, kasalukuyan akong nanonood ng palabas dito sa sala.
"Hindi ka kaya nag hugas baka kahapon ka nabmng tanghali nag hugas, ako nag hugas kaninang tanghali!" Pagalit na tanong nya.
Alam ko nag hugas ako kanina eh?! Dinadaya nanaman ba ako ni Lylia?!
"Hoy Amara hugasan mo ito nasan ka na?!" Sigaw nya pa, nandito na ako sa kwarto ko mag kukunwaring natutulog.
"Tulog nako Lylia ikaw na mag hufas nyan!" Sigaw ko. "Wag mo nang gisingin ang tulog!" Dagdag ko.
"May tulog bang nasagot?!" Pagalit na sagot nya sabay bukas nang pinto, nandito na sya ngayon nakaupo sa aking tabi.
"Oo naman, ang tawag doon ay sleep talking."
"Aba kung ayaw mong mag hugas ngayon Amara, linisin mo buong bahay bukas." Pananakot nya sakin para makapaghugas ako.
"Marami akong gagawin bukas Lylia."
"Maghugas ka na kasi ngayon." Naluluha nyang sambit.
"Oo na, oo na iiyak ka na eh." Pang aasar ko at tumayo na.
"Di ako iiyak!!" Pag tatangi na at pumunta na sa kanyang silid.
Nako, nako Lylia, may bukas pa naman, bukas nalang ako mag huhugas ngayon ay matutulog na muna ako nakakapagod itong buong araw na ito.
YOU ARE READING
Unforbidden Love
Random'We met in perfect place, perfect occasion, but in wrong time.' Mahal kita at kaya kong mag antay hanggang kailan ka babalik ngunit babalik ka pa nga ba? Wala akong mapanghawakang salita mo dahil simula't umpisa di mo sinabi kung babalik ka pa nga b...
