(Awkward na) Panimula.

104 5 0
                                    

Sa paninimula, ni hindi na ako nakapag isip ng matinong entrada, pero since nasimulan ko na.. Yun.. Tinamad na akong mag isip ng ipapalit, kaya maski title medyo awkward na din. Obvious naman noh? May salitang awkward eh.  Ayun.  Ang sabi, bago ka magsimula, kailangan mo daw pag-isipan ng mabuti kung ano man ang gagawin mo. Tula man yan, kanta, maikling kwento, mahabang kwento... sakto lang ang haba ng kwento, basta sa kahit anong write-ups man yan, kailangan mong magsulat ng something na kakainteresan ng marami... hindi yung marami na tatlo, apat, ganun. Ang konti lang kaya nun. Alam kong more than two ang marami pero ang maraming tinutukoy ko ay yung mga hundreds, ganun, o thousands. Maraming-marami na marami. Syempre feelingera ako eh. Hahaha. Tatlong HA para obvious na masaya.. Ok, tama na. Wag OA.

"How to write a story?"

Una, mag isip ka daw ng tema. Pangalawa, i-develop mo yung character. Pangatlo, pili ng setting.. Pang apat,.. Basta. Yan yung naigoogle ko kanina. Pinipilit kong sundan at intindihin, feeling ko nagagawa ko naman, pero ewan, parang useless lang din.

"How to write BETTER story?"

Isulat mo daw kung ano ang gusto ng mga readers mo na mabasa. Dapat ganito, ganyan, kasi yun ang trending, yan ang gusto. Wag ganito, wag ganyan.. Ayaw nila ng ganyan, ganito na lang. Nage-gets niyo? Syempre pag magsusulat ka ng ayaw nila, natural hindi nila yan babasahin. Ok. Awata-ble. (syn. Understandable.)

TEKA. TEKA.. PARANG MALI, NOH?  Feeling ko may mali e. Ewan ko lang kung maski sa inyo.

Paano na lang yung mga bagay na gusto kong isulat? Yung mga naiisip kong something interesting, something great, something awesome... sa point of view ko. Na pwede, baka, marahil, posibleng ayaw nilang basahin. Kung tutuusin kasi, totoo ito ha, ang dami ko na kayang naisulat at nagawa, pero wala pa ring pumapansin. Ang dami ko nang kakaibang naisip na feeling ko naman, magugustuhan o ikakainteresahan ng iba. Pero wala, akalain mo. As in. Syempre sulat ko, malaki ang tiwala ko sa mga yun, malaki ang bilib ko sa sarili ko. Pero habang tumatagal at nakikita kong walang nakakapansin, kahit comment o like o vote (nasa wattpad pala ako lol). O kahit hundred plus na reads na lang din. Grabe, ang harsh ng world of literature sa akin.

Syempre as a writer, kahit na self-proclaimed lang, basta writer ako. Di lang idea, interest, knowledge, skills, motivation, (wow, medyo meron ako ng mga yan kasi. medyo lang.) inspiration, dedication, aspiration, at kung anu-ano pang may –tion. Pero pinakaimportante pa rin yun appreciation. Hindi yung appreciation na galing sa sarili mo, although kailangan din naman yun, nag uumapaw nga ako dun eh. Pero dapat may appreciation din galing sa iba. Para may drive na mag-continue. Mahirap naman na panay self-support na lang. Lagi-lagi na lang. Ka stress.

Teka ulit. Ginawa ko naman nang rant post ito, labasan ng sama ng loob, labasan ng frustration. "Dapat simulan mo ng positive para makahikayat ng readers. Wag mo silang hawaan ng bad vibes mo. Wag kang mandamay."-payo ni Marie. Isa sa personality ko, na pa-good. Don't worry. Mame-meet niyo yung mga iba ko pang personality pag tinuloy tuloy niyo lang magbasa sa mga nasusulat ko. Baka nga maski kayo magkaroon ng mga iba't ibang personality. Inggit kayo eh.

Sisitahin ko na pong sarili ko. Pero hindi niyo na ako mapipilit na i-edit at patinuhin ang kwentong ito kasi in the first place hindi po ako matino. Ang hirap din kayang mag-type. Ang toxic, pramis. Kung gusto niyo, kayo na. ("Wag mong awayin ang mga readers."- Marie) Ayyy, sorry po.

Sige, sige. Pahinga po muna ako saglit. Sa susunod. Balik po kayo ulit. Please. :))

Your Not-So-Famous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon