~19~ ♥Make over♡

18 0 0
                                        

"Eh, Hihi. Ni lilibot ko lang siya, Ipapa alam naman niya ako eh" Parang kinakabahan naman ako.

"Sino siya?" Tanong ni sean.

"Hi, Ako si Michael" Singit ni Michael at nginitian niya si sean.Inabot niya ang kamay niya para makipag shake hands, Pero tiningnan lang yun ni sean.

"Hindi kita kausap, Huwag kang sumabat!" Sabi ni sean, Ano bang problema neto!! Kinakabahan na talaga ako!

"S-Sean" Nakaka takot yung mood niya ngayon! Bad trip ba siya? naubusan ng kwek'kwek? Naubos ang pera? ay hindi! Ang yaman yaman neto eh!

Bigla niya akong hinatak an sakit! Ang higpit ng pag kaka hawak niya saakin!!

Humarap ako kay Michael "Sorry!" Pahabol ko, tapos ngumiti lang siya, Nag ring yung phone ni sean.huminto siya at sinagot iyon.

"Hello? Lolo?" Lalo akong kinabahan nung nabanggit niya yung lolo.

"Si angel?...Okey po..." Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko pa yung pangalan ko. Kinakabahan ako.Wala yatang araw na hindi ako kakabahan eh.

"Sige po lolo..bye" Tinago na niya yung phone niya at humarap saakin.

"Saamin ka na titira, Pack your things. Ako na bahalang mag pa alam sa pamilya mo"

"What!?" Na shock ako, Dun ako tititra!? Paano na yan! ayoko nuh! Nakaka hiya, Tapos makikita ko pa yung lolo niya dun, Ang init kaya ng dugo nun saamin!

"Just kidding, Gusto ka lang nila maka sama sa dinner mamaya." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Busit to! Akala ko totoo na! Mag papanic na sana ako eh!

"you need a make over" Bakit? pangit ba ako? I mean, hindi ba sapat yung normal lang?

Tinignan ko yung sarili ko.Fine naman. Maayos naman ako ah. "Bakit kelangan pa?" Sabi ko.

"Dinner yun, Tanga.Hindi tambay.tss" Harsh naman! Maka tanga to kala mo PERFECT! Okey ako na mali! Hmph!

"Sorry naman!..Pano nga pala ako makaka make over huh? wala po akong pera!"

"Ako na.Lets go" Ngayun na!? agad? eh mamayang gabi pa yun ih! Dinner nga diba?

"Wait! Mamaya pa yun diba?" Sabi ko.

"Sa panget mong yan, Tingin mo mabilisang proseso ang pag papa ganda sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Talaga to! Harsh!

"to naman! Sakit mong mag salita"

"Bakit, Nagalusan ka?"

Am pilosopo pa! Nakaka inis! Mahaba ang pasyensiya ko pero pag dating sa kanya,Nag iiba! Naiinis ako agad!

Huminga ako ng malalim. Kalma angel.

Hinatak na niya ako papuntang parking lot. Paibaiba yung kotse niya~ Ang Ganda!!! *O*

Pumasok na kami, Hihi.Feel na feel ko dito sa kotse niya!!! ang bango tska ang linis!.Humarurot na siya.Nakarating kami sa salon.Ganun ba kapangit yung bohok ko!? Dry lang naman to! hihi.

Ang ganda dito, Pang susyal.May Chandelier agad na makikita.Siguro mahal dito.

Naupo na ako.May lumapit saakin na bakla. Tapos hinawak hawakan niya yung buhok ko na parang nandidiri. Harsh naman!

"Sino nag gupit neto?" Tanong niya.hehe.

"A-Ako po..Hehe," Eh wala akong pera para mag pagupit nung araw na yun! Last na nag pa gupit ako grade five eh.

"Kaya ba yan?" Nang aasar pa tong si sean.

"Try ko" Para namang big Work to! Try ko'Ahmph! Hello? andito po ako?? Makapag sabi to ng kung ano ano kala mo wala ako!

This Demon & This Angel?Where stories live. Discover now