~17~ ♥Street food♡

16 0 0
                                        

Pag katapos ng sinabi kong yun sinampal ni don marcelo si sean. Naawa ako kay sean.Naka ramdam ako ng guilt. Sa ngayon magiging selfish muna ako. Kelangan ko tong gawin.

"I'm sorry lolo.Mahal ko po si angel.Kaya pa nanagutan ko siya" Sabi ni sean.Napa yulo ako.

Hindi ko alam na ganto ka tindi ang lolo ni sean. "Puro ka hihiyan ang binibigay mo sa pamilya natin! Wala ka nabang magagawang matino!?" Sigaw ng lolo ni sean.

Nag walk out na siya at Hinayaan na kaming dalawa ni sean. Tumingin ako kay sean..Bakat sa pisngi niya ang palad ng lolo niya..

"Sean..Gusto kong puntahan si kuya" Sabi ko. Gusto kong makita si kuya.Nag aalala ako sa kanya.

"Pasok sa kotse" Sabi ni sean. Tumango ako. Sumakay na ako sa kotse, Ganun din siya. Tahimik kaming bumyahe papuntang hospital.

Nakarating din kami at agad kong nakita si kuya na naka hilata. May isa 'ring lalake na kausap niya.Hindi pumasok si sean.

"Kuya" Tawag ko.Naiiyak ako. Kawawa naman si kuya. Nagulat siya nung nakita niya ako.Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Angel" Tawag niya.

naupo ako sa tabi niya. "Kuya naman..Mag ingat ka, Pinag aalala mo kami eh." Sabi ko.

"Ikaw talaga oh! Masamang damo yata to! matagal pa akong mama'matay!" Ewan ko ba dito sa kuya ko! Nakakainis talaga siya! Nag aalala kami tapos yan pa sinasabi niya!

"Ano ka ba! Kainis ka naman eh!" Nag e'emo ako dito, Tapos yun yung sasabihin!?

"Huwag ka na kasing mag alala, Umiiyak ka pa, Kala mo kung sino kang maganda.Ang pangit mo kaya kapag umiiyak ka!" Pang asar pa!

"Ehem" Ehehe nag sasalita pala tong kasama ni kuya? joke.Di lang talaga namin napansin.

"Oh, Anjan ka pala?" Pang asar pa ni kuya, Binatukan siya nung lalake hihi am pogi! "ouch naman! Injured na nga yung tao eh!" reklamo ni kuya.

"Ipa kilala mo naman ako sa kapatid mo, Para akong ewan eh!"

"Oh sige. Angel, si Epal. Epal, si angel" Para naman niya akong minura nun! tinawag niya kasing epal yung lalake.An sama tuloy ng tingin sa kanya.

"Hehe, Angel, Eto pala si riggs tsongson. Riggs eto si angel.Kapatid ko." Pag papakilala saamin ni kuya.

Ngumiti ako dun kay riggs. "Hi riggs" Bati ko, ngumiti din siya.

"Sigurado ka bang kapatid mo to, jey? Ang bait niya tska hindi mo siya kamukha" Sabi ni riggs.

"Oo hindi ko siya kamukha kasi Gwapo ako tapos siya naman pangit.Diba? astig ko nuh?" Talaga tong si kuya oh! kelangan talagang mang asar? Harsh nun!

Nag katuwaan kami dun.Naisipan kong puntahan muna si sean kaya nag pa alam na ako kila kuya at riggs.Na abutan ko naman si sean na mag sisindi palang ng sigarilyo.

Agad ko iyong kinuha at tinapon.Tinapon ko xin yung lighter. "Masama ang nag y'yosi" Sabi ko.

"Pam pawala ng stress yun" Sabi niya.Hindi naman kelangan nun! Pwede pero pampabawas ng buhay yun, Nako naman sean!

"Sean naman.." Hm...May naisip ako! Pam pawala to ng stress! Masarap din to.Hehe

.....

"hm..."-Ako

"AnSarap nga"-Sean

"Sabi ko sayo eh"-ako

"Isa pa.."

"Pinag papawisan na nga ako eh..Dahil masarap, Sige! Gora tayo!"-ako

"Shit, Di ko ma pasok!"

"Tungak! Pano papasok eh andaming naka tusok sa stick mo na kwek'kwek!?"-sabi ko.Oi, Huwag kayong Green minded dyan ah! Kumakain lang kami ng kwek'kwek!

"Kainin mo muna bago ka kumuha" dag dag ko.kanina pa kami kain ng kain ng mga street food, Pinag papawisan na nga kami kasi ma araw tska ang init din nung mantika, Hehe.

Baka kung ano ano yang iniisip niyo huh! Bad yun!

"Sean! Dun naman tayo sa Fish ball! Kain ka nun, Masarap din yun!" Sabi ko.Tumango naman siya habang ngumunguya nung kwek'kwek

Ang cute niyang tingnan kasi punong puno yung bibig niya ng pag kain.Sarap pisilin nung pisngi niya!!

"Kuya, Limang fish ball nga" Sabi ko, Nag bayad ako, Nag bayad din siya para i'try yun. "Wait lang ah" sabi ko.

Bibilihan ko siya ng palamig. pinong puno kasi yung bunganga niya hehe kaya bibigyan ko siya nun.

pag kabili ko Hinaya ko sa kanya yung palamig. "Anyo yan?" Sa sobrang puno ng bibig hindi na malinaw yung sinasabi niya haha!

"Inumin mo yan.Masarap yan" Sabi ko at nginitian ko siya. tinanggap niya yun at ininum.Pag kahigop niya nanlaki yung mata niya "Ang sarap nga!" Ang cute niya talaga!!!

"Sabi ko sayo eh, Oh kuha kana ng fish ball" Sabi ko, Kumuha naman siya.Then again. nasarapan naman siya.

napapangiti ako sa mga ekspresyon niya bawat subo, Nguya at pag lunok niya.Para kasi siyang bata. Nabanggit kasi niya saakin na hindi siya pinapayagan ng lolo niya simula nung bata pa siya na kumain ng street food. Kaya naisipan ko namang walang masam kung makaka tikim siya diba?

Andami naming kinain, kumain din kami ng balot.Nung una nandiri siya pero di rin naka palag hehe. kumain kami ng isaw, puto, barbecue, Yung sisiw, Andami! nakaka busog!

Medyo na hihiya din ako. Tapos pag dadaan kami may nag bubulungan. Karamihang sinasabi nika 'Ayan yung demonyo' Parang ako yung nasasaktan pag naririnig ko yun..

"Nawala ba ang pag ka stress mo?" Tanong ko. Nakaupo kami sa bench dito sa park. Namasyal kasi kami.In short. Hindi na kami pumasok.

"Oo.Gusto ko pang kumain nun" Sabi niya.Palubog na yung araw..Nakaka tuwa siyang kasama.

Nag laro kasi kami kanina..Kung ano anong games.Karamihan dun hindi niya pa nalalaro. Ano yung nilaro namin? Haha! Luksong baka, Piko, Sipa, Sipaan ng lata, bente uno at marami pang iba na larong Pinoy!

Nakipag laro kami dun sa mga batang na nag lalaro din.Nakaka tuwa nga kasi Napapa ngiti ko si sean.

napapa ngiti narin ako.

"Ang saya ko ngayon." Dagdag pa niya. "oi, Huwag kang kumain masyado ng mga junk foods! Baka mag ka hepa ka niyan" Natatawang sabi ko.

Tumingin kaming dalawa sa magandang view na palubog na araw..ang ganda.

Na alala ko bigla yung mga nangyari kanina..Yung sinampal siya tapos pinakilala niya akong batang ina, Tapos siya yung ama?

"Sean pano yan..Baka malaman ng lolo mo na nag papanggap tayo.." Savb ko.

"Ipapakasal niya ako sa babaeng hindi ko gusto..Yung babaeng AYAW ko" Sabi niya.

"Pwede mo namang piliting mahalin yun diba?" Sabi ko.Alam kong pange'ngealam nanaman to.Gusto ko lang may malaman.

"Hindi.Ayoko.At Never." sabi naman niya. Naka tingin lang siya sa Palubog na araw.

"Okey" Sapat narin yun.Baka mamaya may matanong pa ako na hindi maganda tapos mabago nanaman ang emosyon niya.

masaya pa naman siya ngayon.Bihira ko lang siyang makitang masaya nuh,

Nakaramdam ako ng lamig.Niyakap ko ang sarili ko.Napatingin saakin si sean.Nginitian ko siya.Hinubad naman niya yung jacket niya at isinuot saakin.

"Ay huwag na" Nakakahiya naman kasi.

Umiling siya.At binaling ang tingin sa sun set.Napangiti ako sa ginawa niya.Kahit na minsan naiinis ako sa kanya..Malaki parin yung natutulong niya saakin.I wonder, Bakit kaya siya tinawag na demonyo?

"Angel.." Tawag niya saakin, Pero naka tingin lang siya sa sunset.

"Hm?"

"Kung ayaw mong mahuli tayo ni lolo..At gusto mong maging honest..Bubuntisin kita ngayon."

"PERVERT!" Namula ako dun! Talaga tong si sean oh! palagi nalang yan yung nasa utak niyan!

......................................

This Demon & This Angel?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt