Habang nakikipag usap sila duon nauna na akong kumain.

Hindi kasi talaga ako mapakali kung ano ba pinag usapan nila ni nanay.

Pag katapos na pagkatapos ko kumain nakita ko sila nanay na papasok na.

"Oh nay? Ano sabi? Kamusta daw? May nangyare ba?" Di naman naka sagot sila nanay at tatay.

Parang tulala pa sa nangyare eh.

"UY NAY! TAY!" Sabi ko

Tsaka naman sila nagising sa diwa.

"Ahh eh nak.. wala yun. Nangamusta lang. tinatanong kung ano daw ba yung mga gamot na pinainom nuon kay deanna." Sabi ni nanay saka dere deretso na pumasok sa kusina.

Tatanungin ko pa naman sana si tatay kaso biglang nag salita.

"Oh nak? Kumain kana? Kain muna kami ng nanay mo." Sabi niya

Aishh!

Mga tao ngayun hindi ko maintindihan.

Ang lalakas ng sapak sa ulo?

Diko alam kung belong ba talaga ako sa pamilyang to eh.

O baka ampon nila ako?

Tama.

"Sige nay! Tay! Akyat na ho ako kakausapin ko muna si ate tingkol dun sa-"

"WAGGGG!" Sigaw nilang pareho.

Oh? Duet? Kailangan sigawan ako?

"Bakit nay? May problema ba sa sinabi ko?" Sabi ko sa kanila

Nag ka tinginan naman silang dalawa tsaka umiling.

"Wala nak. Pahinga kana. Tsaka pwede bang wag mong sasabihin sa ate mo na may tumawag sa atin pwede?" Sabi ni tatay.

What?

Weird...

Hindi ba sila masaya para kay ate?

"Pero-" bago pa ako maka salita pinutal nanaman nila

"Wala ng pero pero nak sumunod ka nalang sa amin ng tatang mo" sabi ni nanay

Umakyat nalang ako sa kwarto ko kesa tumagal pa ako dun

Pag bukas ko ng laptop ko nakita kong online si ate.

[ Hi ate. Kamusta ka na dyan? Wala kang pasok?] chat ko sa kanya.

Nagulat naman ako bigla siyang nag type

[ im fine. Don't worry about me. Alagaan mo sila nanay at tatay dyan. Sige na matutulog na ako.]
Sagot niya

Sasagot pa sana ako kaso nakita ko siyang nag offline agad.

Hayss

Kelan ko kaya ulit makikita ang totoong ate ko?

Huhuhuhu

CAN'T STOP BLEEDINGWhere stories live. Discover now