A

2 0 0
                                        

Handa na ba ako?

Handa na ba ako sa panibagong yugto?
Sa bagong talatang mabubuo?
Isusulat ng ikaw na bagong manunulat ng istoryang to.
Ngunit paano?
Paano sisimulan kung ako na nakagapos sa kahapong pilit kinakalimutan.
Mamahalin mo pa kaya ang ako
na naka tago sa maskarang binalot ng kadiliman?
O baka tatakbo ka't lilisan.
Ihinto mo na lang sana ngayon hanggat hindi pa malalim ang gabi.
Hanggat di pa bumubuo ang kadiliman sa ulap.
Hanggat may araw pa.
Baka sa pag hakbang ko pa punta sayo.
Magdulot na naman ng milyong rason kung bakit ako takot.
Takot na madapa.
Takot na masaktan.
Habang maaga pat di ko pa napagtanto.
Simulan mo ng huminto.

It's YouWhere stories live. Discover now