Prologue

18.6K 309 31
                                    


Kimberly's Point of View

Masayang masaya ako na maayos na si Hero. It feels like a dream, to see him moving, smiling, touching me... Pakiramdam ko ay hindi natatapos ang pangungilila ko sa kanya. Apat na buwan akong nabuhay sa takot at pagkakabalisa. Bawat araw, hinuhugot ko ang lakas ng loob na natitira sa akin para lang makapagpatuloy, para lang maniwalang balang araw gigising siya.

And it happened. He finally woke up and I am just so happy to be given this another chance to make up for him. Pakiramdam ko ay isang panaginip lang ang lahat. Sa isang iglap, natapos ang lahat nang paghihirap at pangungulila ko. Sa isang iglap, nabuhay ulit ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Hero. He interlocked our fingers. Inangat niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti sa ginawa niya. Everything he does, it makes my heart sink in happiness. It is getting deeper but it makes me whole.

"Sasamahan kita maglakad lakad ngayon. Wala naman akong pasok kaya pwede ako mag-stay dito hanggang hapon." saad ko sa kanya.

"You sure about that? I'm afraid you'll get bored. Kailangan kong mag-therapy." aniya at hinila ako palapit sa kanya.

Tahimik ang mansyon ng mga Montesilva dahil nasa school sila Yshnaira at Lyra samantalang nasa bakasyon naman si Sharlene kasama si Alexander. Sa ngayon, si Hero at ang mga kasambahay lang ang narito. Ayaw ni Tita Robie na sa condo mamalagi si Hero dahil hindi pa ito masyadong nakakalakad ng maayos. Sinang-ayunan ko iyon. Mabuti nang nandito siya para may mag-asikaso sa kanya.

Sinandal ni Hero ang kanyang ulo sa backrest ng couch. He looked at me carefully. Inangat niya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ko. His thumb traced my lower lip. I kissed his thumb and looked at his soulful eyes. It is still pierced like the first time I saw him. Hindi tulad ng dati, komportable na ako sa pakikipagtitigan sa kanya.

"Ano'ng iniisip mo?" kuryoso kong tanong nang mapansin ang pananahimik niya. He's still tracing my lips.

"I want you to stay here with me," marahan niyang wika at pinagmasdan ako habang halata ang pagmamakaawa sa mga mata niya. "Everyday, Kim... I want to see you when I wake up first thing in the morning. I also want to see your face before I sleep at night. Is that possible?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. I pressed my lips together, pilit na pinipigil ang pagtawa. Did he just ask me to live with him? Naku, hindi iyon papayagan ni Reid Alvedo!

"Alam mo kung gaano ka-conservative ang kuya Reid ko." Naiiling kong sabi. "I can be here everyday if you wish to, kaya lang ay uuwi ako sa gabi."

His brow shot up. Ngumuso ito at bahagyang umirap. Hindi ko napigilan ang pagtawa. Alam naman niya kung anong mangyayari kapag mag-live in kami. Kuya Reid will freak out for sure. Sasakit ang ulo no'n kagaya nang kung paano siya namroblema sa isyu ni Hyrie sa buhay.

"Reid is just a monk." His statement made me laugh so hard.

"Alam mo naman, bitter pa 'yon."

Umangat ang dulo ng labi niya. "Napag-iiwanan na."

Kuya Reid is still suffering from his long overdue heartache. Kaya naman gano'n na lang din siguro ka-protective si kuya sa amin. Ayaw niyang matulad kami sa nangyari sa kanya. Pakiramdam ko naman ay hindi na mangyayari ang mga ganoong bagay sa akin. Sigurado akong magiging maayos na ang relasyon namin ni Hero.

"Tayo ka na. Lakad na tayo sa labas." wika ko sa kanya. Bumaling ako sa bintana at kita ang maaliwalas na sikat ng araw. "Maganda ang panahon, Hero. Gusto mo maglakad-lakad sa park?"

"Fuck. Can we just cuddle in my room?" napapaos niyang pakiusap at niyakap ako sa baywang.

"Hero! Kailangan mong maglakad-lakad!"

Umiling ito habang nakabaon ang mukha sa balikat ko. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. This sweet side of him! Masyado akong nanghihina sa kilig kapag ganito!

"Let's cuddle, instead. Please..." he whispered seductively right through my ear.

I swear it really sent shivers down my spine. My heart started to pound agressively. I could feel his cool breath on my neck and his lips is traveling from my shoulder up to my nape.

He's really seducing me!

"Hero..." Darn it! "Kailangan mong mag-exercise..." I breathed in.

No, Kimberly. Hindi ka pwedeng magpadaig sa pang-aakit nitong boyfriend mo. Don't break the rules! He needs to have a walking session at least thirty minutes per day!

"Baby, cuddling is an exercise, too..." inabot ng kamay niya ang pisngi ko. Bahagya niya akong hinarap sa kanya. Sinalubong ko ang nangungusap niyang mga mata.

His Adam's apple moved gracefully. Umawang ang bibig ko lalo na nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko.

"You're gonna kill me, queen..."

I shook my head. "No, it is you who's going to kill me..."

Hindi na ako nakapagpigil at ako pa talaga ang naunang natalo dahil sa pang-aakit niya. I leaned forward and gave him a soft kisses on his lips. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa baywang ko. His other hand traveled from my cheek up to my nape so he can deepen our kiss. He bit my lower lip, which made me open my mouth so he can taste more of me. I titled my head when I felt the stroke of his tongue inside my mouth.

I let out a soft moan. I didn't even recognize my own voice. Agad akong tumigil sa paghalik sa kanya at marahas na tumayo. Inayos ko ang buhok at ang damit ko. Halata ang pagtatanong sa mukha ni Hero. Sinimangutan ko ito

"Maglalakad ka pa din, Hero!"

He chuckled.

Tignan mo 'to! Ano kayang nakakatawa? Mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko dahil sa halikan na 'yon. Did I just moan? Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Alright, maglalakad na." he said and stood up in front of me with his boyish grin.

"Hindi ka nakakatuwa!" hasik ko sa kanya at saka nagmartsa palabas ng mansyon nila.

Walang hiya, Kimberly! Nagpapatalo ka sa boyfriend mo! Halik lang iyon pero apektadong apektado ka na! Napalunok ako at pumikit. Kalmahan mo lang, okay? Sinapo ko ang noo ko at nilingon ang malaking pinto ng mansyon ng mga Montesilva. Mula doon ay dahan-dahang lumabas si Hero.

He's only wearing a white v-neck shirt, a gray jogging pants and a comfy slippers but he's still dazzling like an angel. Ang kulay mais niyang buhok ay nasisinagan ng araw. Mas lalo pa yata siyang gumwapo ngayon. Hawak niya ang kanyang itim na tungkod na para sa akin ay hindi naman niya kailangan. He can walk. Paika-ika lang ang kanang paa niya pero sabi ng doktor ay masasanay din daw iyon kalaunan.

"You didn't wait for me." malamig niyang sabi sa akin nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko.

"I did. Nandito pa nga ako, oh!" sagot ko at tinuro ang kinatatayuan ko.

He rolled his eyes. Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad ng dahan-dahan palabas ng teritoryo nila.

"You still owe me a cuddle, though..." sambit niya nang makalabas kami ng malaking gate.

Suminghap ako sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin. Seryoso ang pagkakatitig niya sa daan habang naglalakad kami. I pouted my lips. Mga ilang beses niya kayang uungkatin ang cuddle na 'yan?

"Sige, kapag nag-behave ka. We'll cuddle," saad ko dahilan para balingan niya ako ng tingin.

"Is that for real?"

Tumango ako. "Only if you behave, king. Tapusin mo ang isang linggong walking session mo. Hindi ka pwedeng tamarin at lumiban. If you finish this task, I'll give you everything you want."

He smirked. "That's easy."

I smirked, too. Hindi pwedeng siya lang ang makakakuha ng gusto niya. Alam ko ang mga kalokohan ni Hero kapag hindi ako dumadalaw. Ang sabi ni Yshnaira ay may mga araw na tinatamad itong mag-exercise at maglakad. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya lumiban sa mga session niya.

If that includes cuddling as his prize, I'd give it. Tutal ay gusto ko din naman.

Into You, HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon