Pumasok kami sa isang kwarto. Namangha ako sa ganda nito. Mas maganda ito sa dati kong kwarto. Naalala ko na wala nga pala akong dalang damit.

"Teka-- Wala akong damit..." Ngumiti sakin si Mark.

"Edi wag kang magdamit. Walang kaso samin 'yun." Natatawa niyang sabi, nanlaki ang mata ko. Manyak nga pala 'tong mga kasama ko.

"Joke lang. May damit ka dyan sa cabinet. Nakita ko kanina. Puro maiikli nga lang. Gusto atang akitin mo kami, pero kung ayaw mo bibili na lang tayo bukas." Maiikli lahat? Hindi ako nagsusuot ng maiikli. Masyadong hindi komportable. Pero hindi din naman ako makakabili dahil wala akong pera.

"Wala kasi akong pera." Ngumiti ulit si Mark sakin. Hindi niya ba alam na kada ngingiti siya nawawala ang takot ko sa ginawa niya kanina. 

"Wag kang magaalala. Akong bahala. Sige na, magayos ka na. Masyado ka ng pagod." 

"Salamat." Nginitian ko siya. Lumabas naman siya ng kwarto. Mark is not that bad as I think.

--*

Nagising ako sa lakas ng kidlat. Mukhang may bagyo pa ata. Nilibot ko ang mata ko at nakita kong alas dos pa lang ng madaling araw.

Napabalikwas na lang ako ng may pumulupot sa beywang ko.

"M-mark. Anong ginagawa mo dito?" Nakabukas ang lampshade kaya nakita ko kung sino agad ang nandito sa kwarto.

 "S-sorry Arie... P-pwede bang dito muna ko?" Sa mukha niya sobra siyang pinagpapawisan.

 "Bakit..."

"Natatakot ako sa kulog at kidlat."Nakakaawa siyang tignan. Hinayaan ko na lang siya sa tabi ko. Naalala ko bigla ang mama ko. Takot din siya sa kidlat. Ayos lang kaya siya? 

 Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig niya. Nakakaawa siya. Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa naaawa ako sa kanya. 

 Hindi ko alam kung anong oras na. Nakatulog na din si Mark. Tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kanya ng hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

 Gising pa ba siya?

 Unti-unti niyang dinilat ang mata niya. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Nakakamangha ang kagwapuhan niya.

 Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan. Isang mapusok na halik. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko maigalaw lahat ng parte ng katawan ko. Sobrang init ang binibigay ng sensasyon sakin. Tangina. Anong nangyayari sakin? 

Gumalaw siya at pumaibabaw sakin. Ngayon ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki niya. 

"Shit. Arie, kanina pa ko nagtitimpi... Ugh" Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Hinalikan niya ulit ako at ang alam ko nasasarapan ako kaya tumugon ako. He's driving me crazy. 

GOT7 SEX LIFE [R]Where stories live. Discover now