"Really?"

"Yeah. Tinalo niyo pa ang birthday celebrant at ang asawa niya sa sweetness. Ako lang yata single rito."

She laughed. "Why do you sound so bitter? I saw a lot of beautiful ladies here, bakit hindi mo sila pakitaan ng charm mo?"

Ngumiti lang ito at nagkibit balikat. "Ikaw lang naman ang pinakamaganda rito."

Napailing-iling siya. "Oh, Geoff, move on."

Ito naman ang natawa. May sasabihin pa sana ito ngunit nakabalik na ang asawa niya kasama si Matthew.

"Nandito ka pala," ani Terrence rito.

"Oh, come on! It's impossible you didn't sense my presence in here? My gorgeousness is oozing."

Napakunot noo si Terrence rito. "You sound gay."

"Still gorgeous. Hindi ko nga alam kung bakit mas pinili ka ni Eunice," nakangising pang-aasar nito.

"Siya ba iyong ex-boyfriend mo?" biglang singit na tanong ni Matthew sa kanya.

"Yes," si Geoff ang sumagot.

"Wow. Umuulan ng mga ex rito," ani pa ni Matthew.

Siniko ito ni Terrence at tinignan ng masama.

"What?" nagtatakang tanong naman niya. Pero nakuha niya rin ang ibig sabihin nito. "N-Nandito si Frances?"

"Yes. She's with her fiance," sagot ni Matthew habang naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa malayo.

Napalingon naman siya sa tinitignan nito. Agad namang nakita niya si Frances, wearing an emerald green gown. She's obviously with someone. Nakakita siya ng isang mataas na guwapong lalaki na halatang hindi pure Filipino. Siguro ay iyon na nga ang fiance nito.

"K-Kanina pa ba sila rito?" she asked.

"It's getting late, Eunice. Let's go home?" biglang aya ni Terrence.

"Uuwi na kayo agad?" angal ni Geoff. "The party's just getting started!"

"My wife can't stay up late."

"KJ," Geoff mocked Terrence.

"She's pregnant," mariing sabi nito. "Hindi siya puwedeng mapuyat."

"Oo nga pala." Napatingin sa kanya si Geoff. "That explains why you look so beautiful."

Napalabi siya. "Ang dami ko ngang pimples." Resulta daw iyon ng pagbubuntis sabi ng doktor niya.

"Maganda ka pa rin. Right?" sabay lingon ni Geoff kay Terrence at Matthew.

Tumango si Matthew habang si Terrence ay hinila na ang kamay niya.

"Umuwi na tayo, baby, okay?"

She nodded. "Pero pupunta muna ako ng banyo."

"Sasamahan kita."

"You're so clingy na talaga. Kaya ko nang mag-isa, Terrence. Mabilis lang ako. Mag-iingat ako."

"Just be fast but careful. We'll go home after," parang nagmamadaling sabi ng asawa.

Nagpaalam siya sa mga ito at mabilis na nagbanyo. Hindi naman natagalan si Eunice dahil wala naman halos tao sa powder room. Palabas na siya ladies room nang bigla siyang mapahinto dahil sa narinig niyang impit na pag-iyak.

"B-Brandon, honey... wala talaga akong a-alam... Believe me."

"I'm not stupid, Frances! Nakita ko! May mga pulis! What is this? An entrapment operation?"

Love at its Toughest (Love Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें