Chapter 21: A Tough Confusion

En başından başla
                                    

Hanggang ngayon nagtataka pa rin siya kay Frances, pero pinagbawalan na siya ni Terrence na lumapit o maka-usap ang babae. Mas mabuting huwag daw muna siya maki-associate sa babae para malayo siya sa stress.

"Penny for your thoughts?" nakangiting wika ni Terrence habang nagsasayaw silang dalawa.

She smiled back. Mas kumapit siya sa leeg nito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay nito. They were sweetly dancing with the other couples pero parang silang dalawa lang ang nandoon. "Alam mo, sobrang sweet mo sa'kin magmula nang ma-ospital ako. Naisip ko lang, may kasalanan ka ba sa'kin?"

He chuckled and brushed the tip of his nose to hers. "Wala naman. Masyado ba kong sweet? I'm not really aware. Maybe it's just natural of me."

Pabirong piningot niya ito sa tainga. Yes, naturally, Terrence is a sweet guy. Pero mas kakaiba ang naging sweetness nito ngayon at sa mga nakaraang araw.

Dahil buntis siya, marami siyang unreasonable requests minsan. Siya pa minsan ang gumagawa rin ng away nilang dalawa. Sa apat na araw na nagdaan, wala atang araw na hindi niya inaaway ito. Pero, kahit minsan ay hindi siya nito pinatulan. Hindi na ito nagagalit sa kanya. Hindi siya nito pinagsasabihan.

Kapag galit siya o naiinis o nagtatampo ng walang rason, yayakapin lang siya nito at masuyo siyang hinahalikan. Bumibigay naman siya agad kaya mabilis silang nagbabati. Her mood swings were annoying, kung siya mismo naiinis sa sarili, si Terrence ay hindi. Ewan niya ba kung saan nakukuha ni Terrence ang mahabang pasensya nito.

Umuuwi na rin ito ng mas maaga kaysa sa normal na pag-uwi nito. Hindi na ito gumagawa ng trabaho sa bahay. For the last four days, wala itong ginawa kundi lambingin siya at sundin lahat ng gusto niya.

She felt so special and very beautiful because of the attention he's giving. Dati pa man ay ganoon na ang nararamdaman niya. Pero mas iba lang ngayon. It was like it leveled up.

"I know you're a sweet guy, pero mas malambing ka talaga. Mas clingy ka na. Naglilihi ka rin ba?" biro niya.

"Maybe." Mabilis na kinintilan siya nito ng halik sa mga labi. "I don't know. I just can't get enough of you." Mas hinapit siya nito and swayed her more to the music. Hinalik-halikan pa siya nito sa leeg.

She giggled and danced with him. Bago pa siya mapagod ay huminto na sila at bumalik na sila sa kanilang. Paupo na siya nang may mapansin siya sa di kalayuan.

"Hey, is that Matthew?" tanong niya sa asawa sabay turo sa pinsan nito na may kausap yatang ilang businessmen.

Naupo si Terrence sa tabi niya. "What is he doing here?"

"Lapitan natin," aya niya rito.

"No. Maupo ka na lang. Siya na lang papalapitin ko."

Natawa siya. "Seriously?"

"Yes. Just stay here." Tumayo na ito at naglakad palapit kay Matthew.

Malayo na si Terrence nang may biglang humawak sa balikat niya mula sa likod at hinalikan siya sa pisngi. Paglingon niya ay napasinghap siya. "Geoff!"

Hinalikan ulit siya nito sa pisngi. "Well, well, well... Buti naman at lumayo rin ang asawa mo. Ang hirap mong lapitan buong gabi, ah."

She laughed. "Puwede ka namang lumapit kahit nandyan si Terrence. Ano nga palang ginagawa mo rito?"

"Kaibigan ni Lola ang celebrant. Since she can't attend, ako na lang ang proxy. I knew you will be here. Nabanggit kasi ni Lola na board member ng company ng Uncle mo ang kaibigan niya."

Tumangu-tango siya. "Kanina ka pa ba rito? Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Because your attention is for your husband only. Sa kanya ka lang nakatingin buong gabi."

Love at its Toughest (Love Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin