CHAPTER 1

9 0 0
                                        

Main Character is Lucas Rivera
secret name ng isa pang main character.

CHAPTER 01

LUCAS POV

"Mama naman ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal!" tama kayo ng nabasa ipapakasal nanaman ako ng Mother ko sa taong hindi ko mahal "Lucas Importante tong wedding na toh makakatulong ang family nila para sa business natin!" Business nanaman nakakasawa na! di naman ako robot bakit feeling ko robot ako ng sarili kong ina! Papa naman kase ang daya mo bakit iniwan mo ko dito sa nanay ko, lagi na lang nya ako pinipilit magpakasal parang hawak nya ako sa leeg "MAMA TAMA NA! ANAK MO AKO HINDI AKO ROBOT HINDI IKAW ANG MAGDIDISISYON KUNG SINO ANG MAMAHALIN KO! IKAW NA NGA NAGDIDISISYON KUNG ANONG BUHAY MERON AKO KUNG ANONG GAGAWIN KO SAWANG SAWA NA AKO MA TAMA NA! dapat kay papa na lang ako sumama ayaw ko naman talaga sumama sayo ikaw lang namimilit" pag sabi ko ng mga salitang yung sinampal nya ako ng malakas sa mukha parang namanhid yung pisngi ko, tinignan ko si mama saka ako padabog na umalis sa office nya.

Pag labas ko ng building namin bigla na lang umulan Sobrang lakas uuwi na sana ako pero pano ako uuwi hayyt wala akong payong! Tumakbo na lang ako papuntang bus stop buti may bubong toh.

Habang nagaantay ako ng bus lalong nalakas ang ulan at basang basa ako, naka upo ako sa upuan dito habang nagaantay ng may biglang dumaan na babaeng nakapayong sobrang bango sobrang bango ng amoy nya kaya hinabol ko sya pero sumakay sya ng taxi aggh basang basa na ako naulan nga pala, Maglalakad sana ako pabalik sa Bus stop pero may nakita akong Name tag ito ata yung name tag nung babae na mabango yung amoy pero nung tinignan ko yung name tag malabo nabasa ko lang ay "Kath......"
tapos nakalagay pa
"Smell Coffee shop" so nagtratrabaho sya dun aaahhh

Nakauwi na ako sa sarili kong condo ko ako umuwi ayaw ko sa bahay nagpasundo na lang ako sa family driver namin kahit ayaw ko kaylangan kasi basang basa na ako
Ngayun nakahiga na ako sa kama ko pero yung babaeng Mabango yung amoy padin yung laman ng utak ko
Yung likod nya lang nakita ko. Pero alam ko maganda sya kahit likod nya lang nakita ko kakaiba din ang amoy nya na kahit hindi kayo magkadikit basta malapit ka sa kanya maaamoy kung gano kabango ang amoy ng pabango nya hahanapin ko sya tama hahanapin ko sya sa totoo lang ayun ang unang beses na tumibok ang puso ko.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Smell of your PerfumeStories to obsess over. Discover now