Surreal #1

57 1 0
                                    

Home

"Hope to see you again on my next diary!"

Nakangiting kumaway ako sa camera hudyat nang pagtatapos ng video na iuupload ko sa aking Youtube channel.

I looked at the time on my Michael Kors wristwatch. It's only 5:43 in the morning and I was here in NAIA. Kakakuha ko palang ng aking check in luggage na isa lang namang maliit na maleta. I went to the comfort room to freshen up before going to the arrival area. Long flights really exhaust the hell out of me. Kahit tulog at kain lang naman ang ginagawa ko.

"Tado! Saya ka?" sigaw ng isang lalaki.

Napabaling ako sa mga maiingay na nagtatawanan sa hindi kalayuan. Mga dalawang metro yata ang layo mula sa kinatatayuan ko. Nagkukumpulan ang  nasa sampung katao na nakasuot ng varsity jacket. I guess they're a bunch of basketball players based on their physique and hmm...attitude? The happy go lucky idiots just like the boys in my previous school.

"Ha? Hatdog!"

Narinig kong sagot ng isang baritonong boses na sinundan nang halakhakan ng mga kasama.

Naiiling na pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad palabas ng arrival area. I don't wanna be stuck in a huge damn traffic early in the morning. Iyon ang isa sa kinaiinisan ko kaya ayoko sana na bumalik pa dito sa Pilipinas.

My deep thinking was suddenly stopped when someone bumped into me. Nabitawan ko ang hawak na luggage dahil sa pagkabigla. Bahagya pa akong napaatras dahil sa impact.

"Sorry, Miss!" Apologetic na dinaluhan ako ng isa sa mga lalaking maiingay na siyang nakabangga sa akin.

"Ops!" narinig kong sabi pa ng isa na itinayo ang natumba kong bagahe.

"Yan kasi! What are you guys? A damn kids?" sita ng isa pang lalaki na mukhang coach.

"Pasensya na talaga." said by the guy wearing black sweatshort, maroon varsity jacket and white Nike shoes. "Hindi ka namin napansin na dumaan sa gilid."

Huminga ako ng malalim bago nilingon ang iba na pinupulot ang nahulog na mga chocolates mula sa paper bag na binili ko kanina sa duty free.

Nagtitimping napairap ako sa hangin dahil sa inis. Kung minamalas ka nga naman. Ang aga aga pa eh. Ang haharot kasi!

"Ito na yung chocolates mo, Miss. Sorry ulit." sabi naman ng kulot na lalaki habang inaabot sa akin ang paperbag.

"Thanks." I said in a cold tone.

Napansin ko mukhang nakakakuha na kami ng atensyon sa mga taong nasa airport. We're quiet a sight maybe because of these tall boys crowding over me. Matangkad ako sa karaniwang babae pero walang panama ang height ko sa naglalakihang lalaki na nasa harapan.

I also saw some people taking pictures. I don't wanna be a center of attention. Good thing I removed my ponytail a while ago and just let my hair down. Medyo natatakpan nito ang mukha ko.

"In behalf of the boys, again, we're really sorry." an older man said. Looks like he is one of the coaching staff.

"It's okay, Sir." seryoso kong sagot habang pinapatong ang paper bag sa handle ng maleta. "I'll go ahead."

Mabilis kong hinila ang maleta at naglakad na ulit palabas. I felt my phone vibrating inside my jean's pocket. It's Dana, my cousin.

"Hello?" I said after taking the call.

"Asan kana couz?" excited na sigaw niya sa kabilang linya. "Kanina ka pa kami andito sa labas ng airport!"

"Palabas na!" Sagot ko habang patuloy na naglalakad at nakikisabay sa agos ng mga tao palabas ng airport.

SurrealWhere stories live. Discover now