Panimula:
Bad news
Napakaliwanag ng hatinggabi ang mga bitiun ay kumikislap na parang walang katapusan. Ang bilog na buwan na siyang kay ganda at tinitingala ng lahat yung alam mong di mo makukuha but still you wish for.
"Hazeaaaaaaa bumababa kana diyan sa rooftop tinatawag kana ni tito" Nako naman nasira yung emote ko dito. Lintek na pinsan ito.
Agad naman akong bumaba at sinapak si chello.
"Arayy! Bat ka ba nanapak?" Tanong niyang nakangisi ngunit inirapan ko lang.
"Eh kasi ang lakas lakas mong sumigaw! Sabagay malaki naman pala yung bunganga mo." Sabay halakhak ko.
"Grabe naman ah! Gwapo kaya ako, marami ngang nagka-crush saakin eh. " pagmamayabang niya. Umirap lang ako.
"Oh siya bahala ka. Ano bang kelangan ni papa?" Tanong ko. Sumimangot siya at agad akong hinila.
Pagkarating namin sa dining area ay naabutan namin si mama at papa na naguusap.
"Ma,pa pinatawag niyo raw po ako?" Tanong ko.
Lumapit at tumabi si papa saakin." Baby, may bad news kami sayo." Sabi ni papa kaya't kinabahan naman ako agad. " Yung negosyo natin dito sa Coron eh palubog na marami kasing di nagbayad ng utang mula sa investment dito kaya napagdesisyonan namin ng mama mo na umuwi muna tayo ng maynila at ipapamahala ko ito sa Tito Romer mo. Yung ibang mga stocks eh bahala na si Romer pero bibisita ako dito para matulungan siya. " OMG? I'm not fond of city huhu pano nato? Buong buhay ko dito ako namulat at lumaki sa Palawan eh wala nga akong planong mag-maynila tapos ngayon? What a tragedy?
"Papa naman! Wala na bang ibang paraan? Paano yung scholarship ko dito hanggang college? Sayang yun di na tayo magbabayad. And then Hindi ako sanay sa maynila. Paano kung maraming bully doon? Sabi ko.
"Anak you need to stand and be independent. Hindi naman pwede na Palawan lang yung gagalawan mong mundo. Discover okay? There's hundreds or millions things to see and get! Baby. " sagot ni papa. Oo nga no? Dapat matuto akong mag-isa humarap sa mga tao lalo na sa city. Tsaka sigurado akong sa malaking university ako mag-aaral.
"Tama ang papa mo hazea kailangan sanayin mo ang sarili mo. Tsaka sasama naman si chello saatin, doon din siya mag-aaral." Agad naman akong lumingon kay chello na malapad ang ngisi, hay nako kahit kailan ka chello patay ka saakin mamaya.
"Okay ma, I get it. So ano group hug?" Tili ko. Kaya agad akong niyakap ni mama at papa nakita Kong papalapit si chello kaya*
" Oppss its exclusive for us only? Jokeeee! Lika na nga couz?" Pataray kong sabi.
Nakatulog ako ng maaga pagkatapos ng impake di ako makapaniwalang iiwan ko ang lugar na kinagisnan ko pero tama sina papa na dapat di lang dito sa Palawan umikot ang mundo ko.
