PROLOGUE

11 0 0
                                        

Block 02 Lot 19, Smiley Street, Augusta Village.

Ito na ba yun?

Muli kong nilibot ng tingin ang mataas at malaking bahay na nasa harap ko. Dahan-dahan kong binasa ang apilyedo ng pamilyang nakatira sa malaking bahay na ito. Rius Family

Ito na nga.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Napahigpit ang kapit ko sa malaking backpack na aking dala.

Shit! It feels damn overwhelming. I could sense hesitation in me.

Talaga bang itutuloy ko 'to? Pwede ka pang mag-back out Shantal!

Okay sige, mas mabuti siguro kung mag-rent na lang ako ng apartment. Fudge! Eh anong ipambabayad ko dun? Naglayas ako at wala pa akong na-encounter na taong naglayas yet nanghihingi pa rin ng allowance sa magulang.

Arrg! Pero hindi ko rin keri na makitira rito!

Akmang aatras na sana ko at tatakbo palabas ng village na ito nang saktong bumukas ang maliit na parte ng gate at iniluwa ang nakangiting si Samantha. My body was stiffened from her sudden appearance. I forced to give her an awkward smile.

"Hi—"

"Shantal!"

Halos matumba ako sa lakas ng impact ng pagkakayakap niya sakin. Pinilit kong tumawa kahit hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap nito. Damn.

"Long time n-no s-see, aray ko te!" Hindi ko na napigilang mangiwi, ang higpit talagang yumakap eh. "Long time no see, Samantha."

"Long time no see my best friend!" Mabuti naman at bumitaw na ito sa pagkakayakap. "Sa loob tayo magkamustahan."

Wala na naman akong nagawa nang bigla na lang ako nitong hatakin papasok ng bahay. Malaki at malawak ang garden nila. Gusto ko pa sanang titigan ang mga magagandang roses sa parteng gilid nito pero masyadong mabilis maglakad si Samantha.

Nang makapasok ay kinuha sakin ni Samantha ang dala kong bag. Walang sabi-sabi itong tumalikod at nagtungo sa kusina. Ang taas ng energy niya. Nakangiting umiling na lamang ako at tahimik na umupo sa sofa na naroon.

Mukhang walang ibang tao rito ngayon bukod kay Sam. O baka naman nasa taas siya. Nagkukulong sa kwarto niya kasama ang  pinakamamahal niyang mga libro.

Walang ibang inaatupag sa buhay bukod sa pag-aaral? Tss.

"Shantal, here's a drink. Mainit sa labas kaya magpalamig ka muna." Nakangiting sabi ni Sam habang inaabot sakin ang isang baso ng orange juice.

"Thanks."

Matalik na kaibigan ko si Sam simula pa lang nung junior high school, pero pinag-aral siya sa America nung naging senior kami. Natapos niya roon ang grade 11 pero ngayon nandito na ulit siya sa Pilipinas at mukhang dito na niya tatapusin ang senior high school.

"So kamusta ka naman, Shanz? Hindi tayo masyadong nakapag-usap nung nagkita tayo nung nakaraan."

Ibinaba ko ang hawak na baso at ngumiti sa kanya. "Okay naman, heto maganda pa rin."

"Gosh hindi ka parin nagbabago!" Natatawang sabi nito. Maya-maya ay nagbago ang tono ng pagtawa nito na para bang nang-aasar. "Eh ang love life, kamusta?"

Yan na nga bang sinasabi ko eh.

"Wala! Wala ko nun!" Nakasimangot kong sagot.

"Seriously? Hanggang ngayon hindi ka pa rin sinasagot ni kuya?"

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 31, 2019 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

LIVING WITH MY SNOB CRUSHHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin