Chapter 1

24 1 0
                                        


Pasipol-sipol si Aivan habang naglalakad patungo sa Cluster 2. Kagagaling lang niya sa Basketball court at nakaramdam ng gutom pagkatapos ng madibdibang laro ng kanyang mga katunggali sa kabilang baranggay. Nilagpasan niya ang pinakamalapit na tindahan. Puntirya kasi niyang maabutan ang kanyang crush. Ang babaeng tsinitang na taga-bantay ng tindahan. Nakapangumbaba ito at nakatitig sa kawalan. 

"Ganda, pabili chichirya." Kinuha ni Aivan ang barya mula sa bulsa ng kanyang jersey shorts at tinuktok sa bagong pinturang bakal. Nagulat tuloy ang dalagitang nakaupong nakabantay sa tindahan. "Tulala nanaman si Ganda."

"Ganda ka diyan!" Kumunot ang noo ni Eliana. Inirapan niya ang binatilyo. "Ramdam ko na po ang bola-bola mo, Aivan. Ano uutang ka ba ulit? Lilista ko na ba sa listahan ni Lola Mita?"

"Hep!" Sinapo ni Aivan ang kanyang dibdib. Napaatras siya nang kaunti para mas lalong epektib ang kanyang pagdadrama."Hinay-hinay lang sa pagsasalita at tumatama sa dibdib ko lahat ng ipinagsasabi mo."

"Aba, dapat lang. Hindi ka na raw makapag-utang kapag hindi mo mabayaran ang binili mo kagabi. Tatlong pakete ng noodles. Dalawang latang sardinas. Isang kasalong softdrinks. Bale tatlong daan at labing-limang piso ang utang mo sa tindahan. Bayaran mo muna bago ka humugot ng cheesy mong linya."

"Babayaran ko na po." Kinakapa pa nito ang bulsa. "Paano yan sampung piso lang ang laman ng bulsa ko? Kulang pa sa utang ko. Baka pwede sa bukas ko na lang babayaran, bukas pa susweldo si Tatang."

"Edi, humanap ka nang ibang tindahan na malilipatan mo."

"Sungit naman nito." Binigyan niya ito nang 'flying kiss' na lalong ikinagalit ni Eliana. Nang marinig niyang palabas na ito nang tindahan, agad siyang kumaripas ng takbo. "Hanggang sa muli, babaeng iniirog ko!"

"Bahala ka sa buhay mo, Aivan!" Akmang babatuhin ni Eliana ang suot niyang tsinelas si Aivan. Natigilan lang siya nang makita niyang pababa ng sasakyan ang pamilyar na pigura. Si Zymon. Ang lalaki na kanyang pinapangarap. Mukhang nakauwi na ito galing Amerika. Sana mapansin naman nito ang lihim kanyang pagsinta. O, baka sa katagalan ay tuluyan na nakalimutan nito ang kanyang presensiya. 

"Aba'y nasaan na ang bumibili sa tindahan natin, Lana?" Tanong ni Lola Mita sa kanya.

"Umalis na po kasi wala rito yung hinahanap niyang chichirya, La. Ayun, naghanap na lang siya nang ibang tindahan." Paliwanag niya.

~~~

   Inaayos ni Eliana ang kanyang sarili sa salamin. Pinulbuhan niya ang kanyang mukha. Nagpahid ng konting lip gloss sa kanyang mga manipis na labi. Binudburan niya nang cologne ang kanyang leeg at pulsuhan. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang kanyang buhok ng dumaan ang kanyang Kuya Azer. Mas matangkad ito sa kanya. Matangos ang ilong ng Kuya niya. Sa kanya, hindi naman sarat at hindi gaanong matangos. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Namana nito ang kagwapuhan mula sa kanilang Papa kaya kilabot ito nang mga tsiks sa kanilang baranggay. Samantalang siya, simple lang kagandahan na taglay niya pero namana naman niya ang katalinuhan ng kanyang Mama. 

"Aba, may date si Bunso." Ani ni Azer habang pinaiikot ang bola gamit ang kanyang daliri. Gusto mo sumbong kita kay Papa."

Itinaas ni Eliana ang kanyang kamao. "Sige, subukan mo para hindi ka makapaglaro ng basketball mamaya. O, may gagawin ako para mabasted ka sa liligawan mo."

"Si Bunso naman, hindi mabiro ni Kuya." Ginulo nito ang buhok niya. 

"Kuya!" Sigaw niya. 

"Lana, may bibili sa tindahan. Tatapusin ko lang itong niluluto kong meryenda." Utos ni Lola Mita sa kanya.

Walang magawa si Eliana para hindi sundin ang utos ng kanyang pinaka-paboritong Lola. Wrong-timing nga lang ang pagtawag sa kanya dahil gusto niyang lumabas para makita lamang si Zymon. Gusto kasi niyang malaman kung may pasalubong ba ito sa kanya. Naalala pa kaya siya nito. O, tuluyang nakalimutan na. 

"Akala ko ba na humanap ka na nang ibang tindahan, Aivan."

"Namiss mo na siguro ang kagwapuhan ko, Ganda."

"Tssh... Gwapo daw. Hindi naman kagwapuhan." Pabulong niyang pagka-sabi.

"May sinasabi ka ba tungkol sa akin, Ganda. Siguro type mo rin ako. Aminin bawal hindi sabihin ang katotohanan na may lihim kang pagmamahal para sa akin."

"Ano bang chichirya bibilhin mo, Aivan? Kailan mo raw babayaran ang utang mo?"

"Ayan na bayad ko, Binibining medyo masungit." Iniabot nito ang limang daang piso. "Yung sukli niyan kahit date lang tayo mamaya sa park. Ok na." Itinaas ni Eliana ang pera kung saan tinatamaan ng sinag ng araw. "Kahit anong gawin mo, malalaman mo na hindi yan peyk. Panalo ko yan sa pustahan namin ni Dhan sa basketball."

"Oo na, alam kong hindi peyk ang pera mo, Pero hindi parin ako papayag na makipagdate sa iyo."

"Kahit nandun si Zymon sa park," inirapan niya ito. "Hindi ka padin ba papayag?"

Sandaling nagloading ang utak ni Eliana. "Teka, pag-iisipan ko muna." Kinuha nito ang isang pakete ng chichirya. "Mag-antay ka diyan sa labas at aayusin ko lang ang buhok ko." 

"Huwag mo naring kakalimutan ang kiss ko este sukli." Pahabol na paandar ni Aivan sa kanya.

~~~

Tiningnan ni Aivan si Eliana mula ulo hanggang paa. Blusang puti. Check. Sandals na brown. Check. Mini-shorts na maong. Uncheck. Napakamot tuloy siya sa ulo. "Pwede bang palitan mo ang suot mong shorts. Masyado kasing maikli baka mapaaway ako niyan."

"Ang mabuti pa, iwan mo na ako. Magbabantay na lang ako ng tindahan ni Lola Mita." Papasok na sana siya sa gate ng pigilan siya ni Aivan. "Bitawan mo nga ako, Aivan."

"Nagbibiro lang naman ako. Halika na sa park at baka hindi natin maabutan si Zymon."

"Oo na. Basta bitiwan mo ang braso ko. Rule number one, huwag na huwag mong hahawakan ang kamay ko at bugbog aabutin mo kay Kuya Azer."

"Tropa ko kaya Kuya mo, Ganda."

"Basta ipabubugbog kita kapag ginawa mo iyon."

    Itinaas ni Aivan ang kanyang dalawang kamay. "Ayan na didistansiya na ako sa iyo." Kahit labag sa kanyang kalooban, sinunod na lang niya ang kagustuhan ng dalagita. Ang importante sa kanya ay ang makasama si Eliana kahit panandalian lamang. 

~~~

Hindi maalis sa isipan ni Eliana ang paghawak ni Aivan sa kanya kanina. Parang nakahawak siya nang bagong kulo na takure, halos mapaso siya sa init na kanyang naramdaman. Kung makatitig sa kanya si Aivan ang nagiging sanhi upang magwala ang kanyang puso. Kung pwede lang niyang sabihan ang puso niya na ibaling na lang sa iba dahil hindi pwede maging sila ni Aivan. Matagal na niyang ipinangako sa sarili na si Zymon lang ang lalaki na para sa kanya at wala ng iba. 

Dahil lutang ang kanyang mood, labas sa tengga niya ang lahat na sinasabi ni Aivan sa kanya. Pumapagitna na siya sa kalsada para makalayo ng kaunti kay Aivan. Hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan sa kanyang harapan. Lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib nang hatakin siya ni Aivan. Tumama ang kanyang mukha sa dibdib nito. In fairness, mabango ito kahit  pawisin. Nanunuot ang masculine scent nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Zymon na paparating sa kanila. Mukhang makikita pa nito ang kanilang awkward na posisyon. This can't be! Gusto niyang itulak si Aivan pero nanlalambot ang kanyang katawan. Wala na siyang natitirang lakas.

"Aivan, am I right?" Tanong ni Zymon na may pagka-Amerikanong accent.

"Ako nga." Nagawa pang makipagkamay ang mokong. "Tagalog na lang, Pre. Nakakadugo kasi ng ilong ang Ingles."




Crazy Steps: On-GoingWhere stories live. Discover now