Chapter 19: A Tough Challenge

Magsimula sa umpisa
                                    

"No."

"I'll pluck it while you're sleeping, then."

Napailing-iling ito at pinanggigilan ang kanyang ilong. "Why is it I can never predict what's inside your pretty little head?"

"That's the thrill of staying in love with me and making you to want more of me." Hinila niya ang kuwelyo ng suot nitong long sleeves polo. Suddenly, she has the urge to make love with him. Oh, hormones.

He chuckled. "I'll be late for work, baby."

Napanguso siya at binitawan na ito. "Fine. Basta pupunta kami sa mall ni Cyla later."

"Okay. You can go. But please, take care." Kinintilan siya nito ng halik sa mga labi. Pagkuway yumuko ito at hinalikan rin ang tiyan niyang wala pang baby bump. Marahan pa nitong hinaplos iyon. "This little one here needs extra good care. Huwag kang magpapagod. Don't spend too much time in shopping."

She rolled her eyes. "Yes, Sir." Maya-maya ay bigla siyang may naalala. "Ano na palang nangyari sa isa niyong engineer? Iyong spy pala ng ibang company?" Sa mga nakalipas na araw kasi ay nakuwento nito ang problema sa Sagittarius ngayon. "Magsasampa ba kayo ng kaso nila Daddy Johnny?"

He shrugged his shoulders. "Ayaw na naming mas lumala pa ang gulo. Wala pa namang nangyayaring nakawan ng ideas o mga pagsasabotahe. Buti, nahuli lang ng maaga ang spy. May scheduled meeting kami with the other company. Gusto naming pag-usapan na lang ng maayos ang lahat."

"You will just talk with the enemies?"

"Kailangan lang pairalin dito ang diplomasya. Kilala rin ang kompanya nila at kapag napahiya sila at pagpiyestahan ng press dahil sa'min, it won't make us a better company. Kaya pag-uusapan na lang ito ng mga big boss. Wala naman sigurong hindi nadadaan sa mabuting usapan."

Napangalumbaba siya. "So, you'll just forgive them?"

"That's the best thing to do." He touched her nose. "You know the famous line, 'love your enemies'?"

"Okay. Here comes another WOW. Tell me about it, baby."

"You sound sarcastic," natatawang sabi nito. "Anyway, that's just how it is. It's tough to apply it but love works with anyone. Even with enemies. Kailangan lang talaga pagpasensyahan. Hindi kailangan ng gulo. When you have an enemy, it's not your fight to defend yourself, it's God's."

Bigla niyang naalala ang sinabi noon ng dalawang dalaga na nakilala niya-sina Josh at Karl, they made her understand that love is patient. Naalala niya rin noong nagmamaldita pa sa kanya ang pamangking si Heart at tinuruan siya ni Terrence na maging kalmado lang at iparamdam sa pamangkin na mahal niya ito.

You give people love, lalo na sa mga taong mas kailangang makaramdam niyon. Kaya dapat, mapagpasensya at marunong magpababa ng emosyon. Konek-konektado pala ang lahat ng mga natutunan niya.

Napangiti siya. "Sana lahat ng tao, kayang intindihin na ang kaaway kailangan i-tolerate."

"It's beyond tolerating. Maniniwala ka lang na may goodness ang taong kaaway mo. Kahit parang wala kang makita, pero imposibleng wala silang good side. No one's purely evil."

"Yeah. Parang si Rachelle sa'kin. Napatawad niya 'ko kasi naniniwala siya na I'm not purely a bitch." She sighed. "Ang hirap talagang pangatawanan ang definition ng love. Kaya si baby," sabay hawak sa tiyan niya. "kapag lumabas na, dapat kilala niya agad si God para hindi siya mahihirapang mag-love."

Napangiti ito. "You can teach him about love."

"Him? You want a baby boy?"

"Yes. Ikaw ba?"

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon