Pagbukas ko ng ilaw sa awa ni Lord wala akong naramdaman na kakaiba.
Binuksan ko ang ilaw ang Fan at ang aircon.
Tapos tinignan ko ang list ng mga Homeworks and projects kung meron ba akong di natapos at nagawa. Pero nagawa ko naman lahat.
So ayon dumating ang isa kong classmate siya si Moreen isa din siya sa mga bestfriends ko. Hindi siya naniniwala sa mga multo multo or something.
Pero na ka experience na siya dahil mahilig siyang mag research nag search siya kung pano mabuksan ang third eye at eto ang link http://www.mudrashram.com/thirdeye.html
pnag print pa siya ng kopya niyan! Grabe .
So ginawa niya yan nung may party sa kanilang house kasi kailangan madilim so nasa house siya at na sa labas ang mga bisita pinatay niya ang ilaw at siya na lang nga ang tao don so binasa niya ito kahit mahirap dahil madilim at kandila lang ang dala niya sinabi niya ang orasyon ay etc. Nagsalita siya at sinabing wala naman pala to . Tss
Biglang humangin ng malakas at talagang nakita niya na dumaan sa harap niya ang babaeng nakaputi na may mapupulat at nanlilisik na mga mata.
