"I'm sorry Solana."
"What do you mean by that?"
"L-let's call the wedding off."
"What? Are you serious Andrei?"
Tumango lamang siya bilang tugon sa tanong ko. I can't believe this!
Napahawak ako sa aking engagement ring. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa emosyong kaunti na lamang ay sasabog na. Ngunit pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko munang marinig kung anong mga rason niya. Kahit na galit na galit na ako. Pinilit kong pigilin ito para lamang makapagsalita at makausap siya ng maayos.
"Why?"
"Lana, I'm sorry."
"Bakit nga Andrei?"
"I know you won't forgive me when I tell you the truth."
"Kahit na! I don't want you to leave me and call our wedding off with no reasons! Kaya sabihin mo sa akin Andrei. Sabihin mo?! Why?! Bakit ka umaatras?!"
"It's because I love someone."
"Love someone? Love?! P*tang*na Andrei, ikakasal ka na! Anong love ang sinasabi mo?!"
"Lana, si Areeza pa din. Siya pa din."
"G*go ka ba?! Eh bakit mo ako ginirlfriend?! Bakit ka nagpropose kung siya pa din pala?! Ano?! Ano Andrei?!"
"Because I thought that I was totally over her. Pero noong malaman ko na --"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin dahil pinalipad ko na ang mga palad ko patungo sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal ko ay naramdaman ko ang hapdi sa aking mga palad.
Bumuhos ang luha ko. Ganoon din siya pero pakiramdam ko kung meron mang dapat umiyak dito ay ako yon dahil ako ang lubusang nasaktan.
"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo, Andrei?! Sa tingin mo ba ganun kadali tanggapin yang sorry mo ha?!"
"Solana please. I'm sorry. I'm sorry."
He's now holding my hands and crying on my lap.
"Buntis ba?"
"No no no please."
"Mahal mo lang talaga?"
Naramdaman kong kumirot ang puso ko sa tanong kong iyon. Suddenly, I wanted to take my question back and never ask for it because I think I am not ready to hear his answer. Pero nang makita ko ang pagtango niya ay wala na akong nagawa kundi pagsisihan na lamang na tinanong ko iyon.
Walang tigil ang patak ng luha ko. Gabi na at pinili niya pa talagang dito kami sa Tagaytay mag-usap. Sa lugar kung saan tanaw ko ang liwanag mula sa baba. Sa lugar na paborito ko pero parang sa nangyayari ngayon ay tila hindi ko na gugustuhing tanawin sa susunod.
Umahon siya at bumitaw sa akin. Gusto ko siyang saktan ng paulit-ulit dahil pakiramdam ko ay kulang pa ang sampal na natamo niya kanina mula sa akin ngunit para akong nawalan ng lakas sa lahat ng nangyari at nalaman.
Hinawakan ko ang singsing na isinuot niya sa akin six months ago at mabilis itong inalis mula sa aking palasingsingan.
Agad akong tumayo at dumiretso patungo sa may railings at binato doon ang singsing ng buong lakas. Hinihiling na sana madala ng singsing na iyon ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman.
Pagkaharap ko ay nakita ko ang nakangangang si Andrei na tila nagulat sa ginawa ko. With an eye full of sadness and guilt, tinapatan ko iyon ng sa akin na nag-aalab sa galit at sakit.
I walked out. Ramdam kong sinusundan niya ako kaya tumakbo ako. Walang pakialam kung mamasahe ako o maglakad lang hanggang makauwi at napupuyos sa galit at sakit.
Sa mga oras na iyon, mas ipagpapasalamat ko pa siguro kung madidisgrasya ako dahil walang-wala naman iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bago pa ako tuluyang makalabas sa gusaling kinaroroonan namin ay naramdaman ko nang may humawak sa braso ko.
"Solana saan ka pupunta?!" Nahabol niya ako. Hindi na rin naman kataka-taka yon dahil kumpara sa akin ay mas mabilis siya.
"Bitawan mo ako! Aalis na ako!"
"No! Iuuwi kita sa inyo!"
"Seriously? After what happened? Do you think I will let you do that to me when it's clear to me that you dumped me?!"
"Solana please. Kahit yun lang. That will be the last."
Napapikit ako ng mariin sa narinig.
Last. Wala na bang katapusan ang sakit na nararamdaman ko?
"Solana. I know what I've done. I'm an a**hole and I'm very much aware of that. But I'll be more a**hole if I didn't tell you the truth and also if I let you go home in the middle of the night."
Tumingin ako sa kanya ng kitang-kita pa din ang galit at sakit. Siguro kung nakakamatay lang ang mga titig ko sa kanya ay kanina pa siya namatay.
"Kaya please, Solana Amethyst. Kahit hanggang ngayon lang. Hayaan mo akong ihatid pa rin kita pauwi. Kahit wag mo na akong kausapin."
Wala na akong nagawa dahil hindi pa ako nakaka-oo ay hinila niya na ako patungo sa sasakyan niya.
Tahimik kami sa buong biyahe. Ni isa ay walang nangahas na magsalita hanggang sa makarating na kami sa tapat ng aming bahay.
Kinalas ko na ang aking seatbelt at akmang lalabas na nang magsalita siya.
"I'm truly and deeply sorry, Solana."
Naramdaman kong muli ang nagbabadyang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata kaya naman lumabas na ako ng tuluyan ng hindi na siya nilingon pa.
Madilim na sa bahay dahil alas-dose y medya na ngayon ng umaga at ipinagpapasamalat ko iyon dahil hindi ko ata kakayaning humarap sa mga magulang ko ngayon.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humagulgol na lamang pagkahigang-pagkahiga ko. Wala na ring lakas pa para maligo o kahit magbihis manlang.
At this very moment, all I want is to escape and never feel the pain I'm feeling right now.
Masakit. Masakit na ang taong nagpapasaya sa akin ay biglang binaliktad ang mundo ko sa pamamagitan ng isang masakit na rebelasyon.
Masakit. Masakit na ang taong minahal ko ng lubusan ay nagawa akong ganituhin.
Masakit. Masakit na ang walong taong pinagsamahan namin ay nauwi lamang sa wala.
Masakit. Masakit na ang akala kong mauuwi na sa panghabambuhay ay biglang naputol at tinanggalan na ng pag-asang mangyari pa.
Masakit. Masakit na kung kailan malapit na akong ikasal ay tsaka pa ito natigil. At bakit natigil? Dahil ang taong mahal ko, inamin lang naman sa akin na mahal niya pa rin ang first love niya. Ang first love niyang iniwan siya at una ring nanakit sa kanya pero sa kanyang pagbabalik, pinili niya pa rin ito kahit pa ako ang nanatili sa tabi niya, kahit pa buong akala ko nakuha ko na ng buo ang puso niya lalo na noong yayain niya akong magpakasal.
Masakit. Dahil naniwala ako na okay na siya. Na kahit na anong mangyari, ako na ang mahal niya at hindi na magbabago iyon. Pero nagkamali ako. Dahil sa isang iglap, nakaya niya akong pakawalan, hindi iniisip ang maiiwang sakit at pagsira sa pagkatao ko para sa taong inakala ko ay natapos niya nang mahalin.
Masakit na sa isang iglap ang dating nagliliwanag kong buhay ay nabalutan ng kadiliman.
Masakit. Masakit na gusto ko na lang mamatay at hindi na abutin pa ng pagsikat ng araw.
~~~~~~~
All rights reserved. 2020
