MAPAGLARONG TADHANA

13 1 0
                                        

Sabi nila
Tadhana ang nagdidikta
Para sa ating dalawa
Ngunit bakit tayo naghiwalay
Ano bang meron siya
Na ako'y wala
Dati rati sa akin ang punta

Nang dumating ang tamang panahon
Nawala rin ang pagkakataon
Pagkakataong ibinigay noon at wala na ngayon
Mundong parang gulong
Nasa baba pa rin ako hanggang ngayon

Ano na ang nagyari sa atin
Ating saya napalitan ng pighati
Sabi mo sa akin
Walang bibitaw hanggang sa huli

Ikaw ang nang iwan
Ako ang luhaan
Pwede bang kabaliktaran naman
Pero wala nang iyakan
Kasiyahan na lamang

Sana lahat ng ito'y magkatotoo
Sana ang puso ko hindi na laging bigo
Sa tadhanang mapaglaro
Hindi ako manalo-nalo

TULA NI AALIYAHStories to obsess over. Discover now