Promises
Masaya akong nag lilibot sa aming palayan ng may makita akong isang batang lalaki na nakamasid sa malayo. Naka pamulsa sya at mukhang malalim ang iniisip. Sa tingin ko ay mga kaedaran ko lamang ito. Dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanya. Mukhang hindi sya tagarito.. Tindig pa lang at sa pananamit makikita mo talagang hindi sya taga probinsya.
"Hi?"
Nakangiting bati ko dito ng makalapit ako. Kunot noong lumipat ang tingin nya sa akin. Umatras pa sya ng bahagya parang natakot ko pa atah. Nakangiti ko lang syang pinagmasdan.
"Who are you?" Tanong nito. Agad kumunot ang noo ko sa lenggwaheng ginamit nito sa pagtatanong sa akin. Hindi ko maintindihan, tanging tagalog lang ang alam kong lenggwahe ehh.
"Hey, im asking you. Who are you?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Ahm.. pasensya na hindi ko maintindihan ehh.. Pwedi bang magtagalog ka?" Lalong kumunot ang noo nya. Ilang minuto syang nakatingin sa akin bago umiling iling na para bang hindi makapaniwala. Tumingin sya muli sa malayo. Pinagmasdan ko lamang sya.
Ano kaya ang iniisip nya? Mukhang malalim ehh.. Tumingin din ako sa tinitingnan nya. Mga tanging mga matatayog na puno lang ang nakikita namin. Probinsya ito kaya tanging mga puno puno lang ang makikita dito. Walang mga building di tulad ng sa ibang lugar na nakikita ko sa Tv.
"Tagadito kaba?" Di ko maiwasan ang magtanong kahit alam ko na ang sagot na hindi sya taga dito.
"Hindi." Maiksing sagot nito. Lumipat ang tingin nya sa bughaw na kalangitan kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin din doon.
"Kung ganon tagasaan ka? Bakit ka napadpad dito sa aming lugar?" Sunod sunod na tanong ko. Mula sa taas lumipat ang tingin nya sa akin. Hindi tulad kanina na naka kunot ang noo ngayon ay seryoso na ito.
" Don't talk to me. I don't even know you!" Napakamot uli ako sa aking ulo. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi nya ehh.
Sasagot sana ako ng biglang may tumawag sakin.
"Eliza" Napasimangot ako ng makita ko si ate nene.
"Susko pong bata ka. Umalis ka nanaman ng walang paalam. Ang tigas talaga ng ulo mo ehh.." inis na saad nito.
"Gusto ko lang pong mamasyal ate.." Kumunot ang noo nya sa sagot ko.
"Pwedi kang mamasyal na kasama ako Eliza. Ako ang mapapagalitan ng mama at papa mo ehh. Tara na nga." Wala na akong nagawa ng hilahin nya ako pero bago pa kami makalayo ay tiningnan ko muna yung batang lalaki na kasalukuyang nakatingin din sa akin.
Kumaway ako at saka ngumiti sa kanya, dahilan para kumunot ang noo nya. Ang cute nya..
"Bye bata.. hanggang sa muli." Sigaw ko. Alam kong narinig nya yun dahil tinodo ko talaga ang boses ko.
Sana magkita pa kami. Hindi ko alam ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Gusto ko syang maging kaibigan. Dito kasi sa aming probinsya wala akong masyadong kaibigan.
Ewan ko ba kung bakit ayaw ng mga bata dito sa akin. Palagi nila akong inaaway kapag gusto kong mapag laro sa kanila. Minsan nga umuuwi ako sa aming umiiyak dahil sa pang bubully ng mga bata dito sa amin. Kaya ayaw akong palabasin nila mama at papa na mag isa.
