Natapos na!

8 0 0
                                    

Natapos na, natapos na ng isang ig lap ang meron sa atin,
Hindi ko inaasahang ako lang pala ang may pagtingin.
Akala ko sa simula na may damdamin karin para sakin,
Kaya pinilit kong intindihin ang lahat ng iyong mga hinaing.

Simula noong ika'y nagluksa ng iniwan ka niya ng bigla,
Hanggang sa nakahanap ka ng ipapalit sa kanya.
Ang sakit lang kasi ako yong nandyan noong ika'y nasasaktan,
Ngunit noong dumating siya akoy iyong iniwan.

Maraming pagkakataon na nakaramdan ako ng pagkapagod,
Hinagpis,  galit,  at pagkapuot.
Pero binaliwala ko iyon dahil nga mahal kita,
Akala ko mahal natin ang isa't isa,
Pero Mali ako, ako lang pala ang nagmamahal sa ating dal'wa.

Palagi kong tinatanong sa aking sarili,
Bakit mo pa ako sinabihan ng "mahal kita baby".
Kung barkada lang pala ang tingin mo sa akin,
Sana pala hindi mo na ako tinanong o kinumusta kung ako naba ay kumain.

Akoy naguguluhan,  kasi sa loob ng dalwang buwan,
Masaya tayo at parang wala nang katapusan.
Pero sa isang iglap nang bigla siyang nagparamdam,
Ang babaeng tinatawag  mong ate noon, jowa mo na ngayon.

Ako'y nagulat!
Teka!
Bumalik tayo ng tayoy nag-uumpisa palang,
Sinabihan mo ako na ayaw mo pa ng mga ganyan.
Kasi Masaya kana kung saan ang ating kinakalagyan,
Oo, at lahat ng iyon ay aking naintindihan.

Alam kong napipigilan ang magmahal,
Pero mahal bakit mo ako sinasakal.
Oo hindi ako magiging siya,
Pinipilit ko ang sarili ko kahit hindi na ako masaya.

Gusto mo maging ganyan ako, maging ganito.
Maging katulad ng ibang tao na pinapangarap mo.
Kaya umalma ako, at nagtanong :
"mahal bakit pilit mo akong binabago? "
At ang sinabi mo:
"Para maging karapat dapat ka sa piling ko".

Ginawa ko naman ang lahat ng iyong gusto,
Pero bumaling ka parin sa iba at doon nagkagusto.
Sinilip ko ang kanyang larawan,  at aking namukhaan,
Ito ang babaeng magiging sanhi para iwan ang puso kong sugatan at luhaan.

Kaya mahal, natapos ko na
Ang pangalawang tula habang akoy lumuluha.
Kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan,
Ay ang pagpatak ng aking mga luha sa aking unan.

Kaya mahal sanay mag taga kayo,
At mahalin niyo ang isa't isa ng todo.
Sana'y maging masaya kayo,
Habang akoy magpapatuloy sa buhay ko.

Sana'y wa mo siyang paluhain,
Katulad ng ginawa mo sa akin.
Sana'y wag mo siyang iwan at paasahin,
Katulad ng nangyari sa atin

Mahal masaya ako para sa inyo at sa iyo,
Kasi iyon lang naman ang gusto ko para sayo.
Ang maging masaya ka kahit sa piling ng ibang tao.






--------------- 

I Will Be OkayWhere stories live. Discover now