2019 Ika tatlong po ng hulyo
Ang mga teknolohiya
bagong bungad ng umaga sating mga tao
Maririnig ang ingay ng mga motorsiklo
At imbis na magdasal ay uunahin ang telepono
at hangang sa pag ligo ay dala dala ito
at kahit sa hapagkainan ay binabawalan ka nang magulang mo
pero hindi ka nakikinig bastat maka bati kalang ng good morning sa taong mahal mo
Ganyan naba talaga ang mga tao ngayon?
2019 Ika tatlong po ng hulyo
Ang kalikasan naman
ka - kalisan na masarap ang himig ng hangin at madadama mo ang kapayapaan
li- lingid sa ating kaalaman na may mga ibong makikita sa himpapawid at mga hayopan sa kagubatan
ka- karagatang asul at mga isdang kay bilis mag silanguyan
san- san na ang kalikasang iyan? bakit hindi na ito ang aming nadatnan?meron palang ganyan?
mga katanungan na umiikot sa aming isipan.di man lang natin alam na meron palang ganyan.
ganyan naba talaga ka sakim ang mga tao ngayon sa kasalukuyan?
2019 Ika tatlong po ng hulyo
Ugali ng tao
kung dati ay gumagamit ng po at opo
ngayon pangalan nalang ang babangitin ng mga katutubo
kung nuon merong pag mano
ngayon kahit pag Sabi ng aalis na ako
di man lang kayang ibukas ang bibig niyo
ganyan naba talaga kayo ka walang modo?
ni kahit pag sakay sa jeep ay matanda pa yung pinapakapit.
ni kahit utos ng magulang di man lang kayang pagbiyan.
mga katutubo ba naman ngayon.
wala na ngang modo di pa marunong rumespeto
oi natamaan kayo noh?
kasi yan yung totoo, balibaliktarin mo man ang mundo,ganyan parin tayo.
oo, inaamin ko, isa ako sa inyo ,nasasaktan rin ako sa pinag sasabi ko,pero wala akong magawa dahil nandiyan nayan.di natin yan mapapalitan sa kanilang puso't isipan
pero hindi pa huli ang lahat para itama ang mga pagkakamali nating mga kabataan
kung nuon kaya nilang mabuhay ng walang teknolohiya
kakayanin kaya ito ng mga tao ngayon?
kung nuon ay may magandang kapaligiran sa kanilang panahon
maibabalik ba natin yun ngayon?
kung nuon may respeto sila sa lahat ng tao
tayo kaya nganyon? sa tingin niyo?
pero mukhang malabong mayari ang lahat
pero dapat nating subukan ito baka
maibalik natin ang dating kulay ng ating paraiso.
paraiso sa buhay ng tao
paraiso sa kapaligirang ninanais ng lahat ng tao
paraiso sa tunay na ugali ng mga pilipino.
dahil ang tunay na paraiso ay tayong mga tao.
YOU ARE READING
different kinds of poetry
Poetrybase on my experience and my surroundings. you can learn more for this poem so pls. read.thanks
