APNI Part 1: Irano

Start from the beginning
                                    

Natagpuan ko ang aking katawan na inaanod, tinatangay at inululubog ng mala halimaw na alon sa iba't ibang direksyon. Noong mga sandaling iyon ay tinalaga ko na sa aking sarili ang aking nalalapit na katapusan.

Patuloy akong inilulubog ng malakas na alon at kahit anong pag langoy ang aking gawin ay tila mahigpit ang pag kakayakap sa akin ni kamatayan. Hanggang sa hinila na ako ng pailalim ng karagatan. Tila may kung anong pwersa ang humatak sa akin sa ibaba at kasabay nito ang pagka patid ng aking hininga..

Nanatiling naka bukas ang aking mga mata, at nasa ganoong kawalan ako ng pag asa noong may tumamang kakaibang liwanag sa aking katawan. Ito ay nag mumula sa isang malaking bagay na nakalutang sa aking harapan na hindi ko lubos mailarawan, malaki ito, maraming ilaw, hugis tatsulok at nag kumikislap ang buong paligid..

Inabot ko ang liwanag na iyon hanggang sa unti unting pumikit ang aking mga mata..

Wala na akong natandaan pa..

Part 1: Irano

Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng dagat. Masakit ang aking katawan at halos hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang talukap ng aking mata kaya't hirap na hirap akong dumilat.

Ramdam ko rin na maraming tao sa aking paligid, ang ilan ay tinatapik ng kahoy ang aking mukha. Bagamat hindi ko sila malinaw na masilayan. "Siguro ay siokoy iyan, malas daw iyan sabi ng matatanda." wika ng isang babae.

"Mother, paano magiging siokoy iyan e taong tao ang itsura. Saka may siokoy bang ganyang kagwapo?" ang sagot ng isa.

"Oo nga naman, kung ganyan ka gwapo ang mga siokoy ay baka chupain ko nalang sila lahat. Ano silipin nga natin kung daks iyan o jutay!" ang hirit nung isa tapos ay nag tawanan sila.

Nag panggap nalang ako na walang malay habang humahampas ang alon sa aking mukha. Halos malinaw pa rin sa aking ala-ala yung kaganapan kagabi kung saan lumubog ang aming barko dahil sa lakas ng bagyo doon sa gitna ng karagatan. Akala ko ay katapusan ko na ngunit maituturing na isang milagro ang aking pag kakaligtas.

"O, tabi kayo. Nandito na si kapitan." ang narinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Teka, wag niyo sabihin na type din kapitan itong boylet na ito?" ang tanong ng isa na hindi mo malaman kung babae lalaki ang boses.

"Gaga, hindi bakla si kapitan. Nandito siya para dalhin doon sa clinic ang lalaking iyan." ang sagot niya sabay hawak sa aking mukha, ipinaling paling niya ito. "Hoy wag mo hawakan at baka malason iyan sa kamay mo." pag pigil ng isa at narinig kong tinapik niya ang kamay nito. "Anong akala mo sa akin? Dikya? Bumalik na nga kayo sa mga trabaho ninyo. Mga baklang to." ang reklamo nung isa.

"O siya, mga kababayan mag sibalik na kayo sa inyong mga gawain, kami na lamang ng aking mga kagawad ang bahala sa lalaking ito." boses ng isang lalaki na may kagalang galang na tono.

Naramdaman kong ibuhat nila ang aking katawan at inilagay higaan. Dinala nila ako kung saan. At habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting nawala ang panlalabo at kirot sa aking mata kaya naman naidilat ko na ito ng maayos. "Oh hijo, gising kana pala." ang bungad sa akin ng isang lalaking nasa mid age.

"Nasaan ako?" ang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang aking sumasakit na ulo.

"Nandito ka sa isla ng Doyama. Ako naman si Nicolas Baltazar ang kapitan o punong taga pamahala sa islang ito. At sila naman ang aking mga kagawad na tumulong sa iyo kanina." ang wika niya habang naka ngiti.

"Puro bakla." ang bulong ko habang nakatanaw sa mga lalaking naka make up sa labas.

"Ah e hijo, dito ka tumingin, nandito ang aking mga kagawad at wala diyan sa labas. Puro mga fans mo yung nandyan." ang natatawang wika ng kapitan

Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019)Where stories live. Discover now