Tila reynang naupo siya sa sofa.


Sumunod ako sa kanya at pinagmasdan siya. Sino ba talaga siya? Hindi ko siya kilala kahit saang anggulo ko pa siya tingnan.


Tumayo siya at lumapit sa akin. "Minalas ka, sinuwerte ako."


"Sino ka ba talaga?"


"Purita, hindi mo na ba talaga ako nakikilala?"


Napaawang ang mga labi ko. "Maricel?!"


Ngumiti ang mapupulang labi niya. "Bingo!"


Hindi ako makapaniwala. Paanong naging si Maricel siya?


Isa siya sa mga kaibigan ko noon sa Quiapo. Isa siya sa mga kasama ko sa pagtitinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan. Siya ang kaibigan ko na kasa-kasama ko noon. Silang dalawa ni Osang.


"Ang ganda-ganda mo na..." bulalas ko sa mahinang tinig.


Bumungisngis siya. "I know, right?!"


"Anong nangyari? Model ka na?" Hindi pa rin ako maka-move on. Paano ba naman ay napakaputi at napakakinis niya na ngayon. Sosyal na sosyal na!


"Parehas kami ni Osang na sinuwerte."


"Mabuti pa kayo..."


"Grabe, di kita nakilala noong una. Akala ko talaga kung sino ka lang na negra. 'Tapos naalala ko, may negra nga pala akong friend nong Kalye Days ko sa Quiapo!"


Napangiwi ako.


"So ayun, heto at malapit kami ni X ngayon. Hindi ko nga alam e, bigla na lang siyang nagpakita sa akin. Bigla na lang nakipagmabutihan."


Hindi ako kumibo dahil sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya.


"Kaka-break lang namin ng BF ko. And you know what? Kilala mo ang ex ko. Do you still remember Monmon? Iyong kapatid-kapatiran ni Osang? Gawd, he's a fucking Montemayor! Like OMG!"


"Ganun ba..." Hindi na masyadong rume-rehistro sa isip ko ang mga sinasabi niya.


"So ayun, I let go of him kasi nga itong si X e parang bagyo na biglang dumating."


Ang ganda-ganda niya talaga, ang seksi-seksi at ang sosyal-sosyal. Samantalang ako, naiwanan sa kangkungan.


"Actually naiinis ako kay Hubert. Do you still remember Berting? Yung ex ko sa tulay noong Kalye Days? My god! Akala niya type ko pa rin siya! Like duh! Ano bang binatbat niya kay Xerxes? Wala."


"S-sige, punta muna ako sa kusina..."


"Ah, sige, go. Puntahan ko lang si Xerxes sa study room. He's expecting me actually."

His Bad WaysWhere stories live. Discover now