Chapter 16: Bridal Shower

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinakabahan ako kapag ganito kabibo si Stacey, parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Iba ang trip niya sa trip ko.

"Sinong nag-organize ng bridal shower ko?" tanong ko.

"Si Tiffany at Troy," sagot ni Stacey. Natigilan ako. Silang dalawa talaga? Napatingin agad ako kay Tiffany at mukhang wala namang problema sa kaniya na si Troy ang nakasama niyang mag-organize ng party. "Huwag ka na mag-alala, Candice. From my point of view, naka move on na ang kapatid ko."

"Talaga, Tiffany?"

Ngumiti siya at sa puntong 'yon nasagot na ang tanong ko. "Oo, naka-move on na ako. Naisip ko lang na hindi talaga kami para sa isa't isa at alam kong hindi dapat kinakalaban ang tadhana." Napangiti ako sa sinabi ni Tiffany. Masaya ako na nagiging maayos na siya. "Candice, nakapagpaalam ka na ba sa boss mo para sa party mo mamaya?"

"Hala!" sigaw ko at napakamot na lang ako ng ulo. Naalala ko kasi na may pinapagawa sa akin si Tyler mamaya. Kanina lang kasi niya sinabi eh. "Shocks. Kailangan ko nang magpaalam ngayon. Aalis muna ako, ha? Kita tayo mamay." Kinuha ko agad ang gamit ko at nagmadali akong nag-drive papunta sa office.

Kinakabahan ako paakyat sa office ni Tyler. Ang lakas ng kutob ko na hindi niya ako papayagan. Kailan ba niya ako pinagbigyan? Parang ngang may galit sa 'kin 'yon eh. Ano kayang gagawin ko kapag hindi siya pumayag? Sayang naman ang party mamaya para sa 'kin.

"Come in," mamalim niyang sabi at agad akong pumasok sa loob. "What's the problem, Candice?" Napalunok ako sa kaba. Kaya mo 'yan, Candice.

"Um . . . " Nilalaro ko ang kamay ko sa likod dahil sa nararamdaman kong takot. "I won't be able to work later. I'm having my bridal shower." Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong masabi iyon.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Habang tumatagal ang pananahimik niya, mas lalo akong kinakabahan.

"Okay."

Natigilan ako sa narinig ko. Okay ba talaga ang sinabi niya o nagkamali lang ako ng dinig?

"What?" tanong niya sa akin.

"You're okay with that?" gulat kong tanong.

"Do you want me to change my mind?" tanong niya ulit.

"No," sagot ko. "Thank you, Sir Tyler."

Bumalik siya sa ginagawa niya. "Is there anything else, Candice?" masungit niyang tanong.

"Sorry. I'll go now." Nagmadali akong lumabas ng kuwarto. Baka nga magbago pa ang isip niya.

Hanggang sa pagbalik ko sa kotse ko ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan ako ni Sir Tyler nang gano'n na lang. Pakiramdam ko meron nagbago sa kaniya pero hindi ko lang talaga alam kung ano 'yon. Kung ano man 'yon, tingin ko naman maganda 'yon.

Bumaba muna ako sa bahay nina Troy para puntahan si Jeydon. Dito kasi gagawin ang stag party niya mamaya.

"Candice!" may tumawag sa 'kin.

"Lucas?" sigaw ko. "Nandito ka na?" Hindi ko naiwasan na yakapin siya. "I've missed you."

Hindi pa nagtatagal ang pagkakayakap ko kay Lucas ay may isang kamay na ang naglayo sa amin. "Not that close," sabi ni Jeydon at hinila niya ako palayo kay Lucas at palapit sa kaniya.

Natawa si Lucas sa inasal ni Jeydon. "Seloso ka pa rin talaga," sambit niya. "I've missed you too, Candice."

"Nandito na rin ba si Kim?" tanong ko.

"Yes and she will be at your bridal shower later," nakangiti niyang sabi.

"Candice!" sigaw nina Troy. Kasama niya si Marky, Kuya Charles, Blake, Ginno, Six, at si Travis.

"Mukhang bantay sarado talaga si Jeydon, ah?" pabirong sabi ni Blake.

"Magpapaalam lang ako kay Jeydon. Wala naman akong problema sa stag party n'yo basta 'wag kayong magpapasaway.

"Oo nga naman. Ikaw talaga Blake oh," sabi naman ni Kuya Charles. "Candice, 'wag kang mag-alala, kaming bahala kay Jeydon mamaya. At saka takot lang niya sa akin kung magpasaway siya."

"Sige na, sige na. Kailangan na nilang mag-usap. Tara na sa loob," Pag-aaya ni Lucas. Pumasok na sila sa loob at naiwan kaming dalawa ni Jeydon.

"Pinayagan ka ba ng boss mo?" tanong niya.

"Oo, walang tanung-tanong pinayagan niya ako. Nakakagulat nga eh."

"Aba, may sakit ata siya."

"Okay na 'yon, at least pinayagan niya ako." Tiningnan ko ang mata niya at napansin kong naka-poker face siya sa 'kin. "Anong problema mo?" tanong ko.

"I don't like this idea." Hinila niya ako at niyakap. "Alam ko na ang mangyayari mamaya sa party mo dahil kinulit ko si Troy and I don't like it. I don't like the fact that there would be a half-naked man who would dance in front of you." Hindi ako nakapag-react agad sa sinabi niya. Alam mo 'yong spoiler? Si Jeydon 'yon.

"It's just for fun. Isa pa, may stag party ka rin at alam kong mas malala pa ang mangyayari sa party n'yo. Okay lang naman sa 'kin kasi may tiwala naman ako sa 'yo eh. Ikaw ba, wala kang tiwala sa 'kin ?"

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. "Malaki ang tiwala ko sa 'yo. That's why I'm letting you go there but please don't go near him. I would behave myself here."

"Yes, boss." pabiro kong sabi. Ihinarap niya ako sa kaniya at pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Sige na, pupunta na ako roon. Magsisimula na rin ang party n'yo mamaya."

"Just call me if you need me." Inalalayan niya ako papunta sa kotse ko.

Habang papunta ako sa condo unit ni Stacey, hindi ko mapigilan na kabahan lalo na sinabi na ni Jeydon ang mangyayari. Sabi na nga ba eh may binabalak sina Stacey. Ano kayang magiging reaskyon ko mamaya sa isang half-naked man na sasayaw sa harap ko?

Shocks. Parang ayoko na.

Pagbukas pa lang ng pinto, sumalubong na sa akin si Stacey. Madaming balloons at pagkain sa loob at madami ring alak. Mukhang party nga talaga 'to. Nandito sina Ate Serina, si Kim, si Tiffany, si Menchie, si Margot, si Abby, si Amber, pati na rin si Bubbles.

Kumain muna kami tapos uminom konti. Maya-maya lang namatay ang ilaw. Nagsimula na akong kabahan. Ito na ba ang sinasabi ni Jeydon na surpresa nila sa akin?

Piniringan ni Tiffany ang mata ko habang nakaupo ako sa isang upuan. Nakarinig ako ng ilang ingay. Shocks, ito na nga. "Tanggalin mo na ang piring mo," bulong ni Stacey.

Pagtanggal ko may isang lalaking nakatalikod sa akin at laking gulat ko nang makita kong naka-boxer shorts lang siya. Humarap siya sa akin na mas lalo kong ikinagulat dahil ang ganda ng katawan niya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil may maskara siya. Sumasayaw siyang lumapit sa akin. Lahat sila nagtitilian at ako naman, hindi ko mapigilan na mapahawak sa bibig ko. Grabe. Tanging katawan pa lang ni Jeydon ang nakikita ko kaya hindi ko alam ang ire-react ko ngayon. Kakaiba pala ang pakiramdam.

"Take it off!" sigaw ni Bubbles.

Nasisiraan na ba siya? Eh boxer shorts na nga lang ang suot niya. Ano pa ba ang tatanggalin niya?

"Take it off!" sigaw nila. Nababaliw na ba sila?!

Huminto siya sa harapan ko at napahawak ako sa mata ko. Tinakapan ko iyon pero hindi mapigilan na sumilip ng bahagya. Maghuhubad ba siya sa harapan ko? Jusko, 'wag naman.

Akala ko talaga boxer shorts na ang tatanggalin niya pero hindi pala kundi ang maskara niya.

Kung gaano ako nagulat kanina, mas lalo akong nagulat ngayon na literal pa akong napanganga nang nakita ko ang mukha niya.

Siya ba talaga ang nakikita ko ngayon?


The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon