Pabida-Bida

5 1 0
                                        


"CLASS QUIET!"Sigaw ni Ma'am Jenny

"Hoy manahimik na nga kayo sabi ni Ma'am eh!!!!!!"sabi ni Mae,Kaklase ko

"Weh bida bida"

"May bida bida na"

Napatingin nalang ako sa Kainigayan nila,Well si Rachy lang naman ang tinaguriang Pabida Bida ng Classroom..

"Pabida na naman oh..Tsk tsk"Sabi ng Katabi ko at kaibigan,Si Clara..

"Oo nga eh,Napakamasyadong bida bida"Sabi naman ni Daniella

*Kring Kring*

Natigil din ang mga Usap usapan ng Nagbell na nagpapahiwatig na Recess na..

Napatingin ako kay Mae ng di inaasahan,Kita ko sa Kanya ang Lungkot ng mata pero nakangiti paren sa pakikipagusap sa guro.

Bumaba na ako para magrecess...

Habang Kumakain ay Madami akong narinig na usap usapan...

"Masyadong pa bida yung Mae na yun,Tch kala mo kung sino"

"Oo nga eh,Kala mo kung sino"

"Masyadong Sipsip"

Minsan din Ako napapaisip kung bakit siya ganun pero binabalewala ko nalang..

"Hoii babaitaa?!Bakit di mo ko inantay aber?"Panenermon sa akin ni Clara,Napatingin nalang ako sa Kanya at sinabing Nauna na ako..
Napaupo nalang siya sa Harap ko at nagpakawala ng hininga...

"Tch,Masyadong Pabida na yung Mae na yun,Sipsip na nga sa Teacher malandi pa"Inis na sabi ni Clara...

"Hays pati ba naman si Tyron,Nilalandi Tck kala mo naman maganda"Patuloy niya pa..

Hindi na bago ito sa Loob ba naman ng 3 taon ay puro gantong usapan..

Napagpasiyahan kong Umikot muna sa Garden ng School,Habang sa Pagalalakad ay nakita ko si Mae na nakayuko...

"Sana di nalang ako nabuhay,Sana di nalang ako nabuhay"Paulit ulit na sabi ni Mae na ikinagulat ko ng Sobra..

Sinubukan ko siyang Hawakan,pero mas nagulat ako ng makita siyang Lumuluha...

"Ay HAHAHA,Hello po!Ano po kailangan mo?"Sabi ni Mae habang Patagong Pinapahid ang Luha niya..

"Ayos ka lang ba?"Wala sa Isip na nasabi ko yun..

"Ahh,Ako ba?"Sabay turo sa Sarili ni Mae "Di ko alam eh,Pero Ayos lang,ganto naman talaga eh sanay na ako"Sambit niya na may Pait na ngiti sa Kanyang labi..

Medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya..

"Alam mo?Mahirap mamuhay sa Mundo..di mo alam kung san Ka lulugar..Hays"Sabi niya

Napaisip din ako na sa Loob ng 3 taon paano noya nakayanan yung Sakit na mga nadama niya...

"Hayaan mo na,Salamat sa Pakikinig sa akin ah?Punta na ako ng Dorm ko.."Sabi niya ng Nakangiti at naglakad na

Tumayo na ako at Handa na sana Para Umalis...

"Paalam!"Sabi niya sa akin at kumaway pa.Kumaway din ako pabalik sa Kanya at nakita ko ang napakatamis na ngiti..

Papunta na din sana ako sa dorm ko dahil mga 7 na din...

"Ahh pwede mo ba maibigay ito kay Mae?"Sabi ni Crei at inabot ang isang Bote na may naglalamang mga Tabletas,Si Crei ay Kaklase ko rin..

"Ah okay.." malapit lang naman yun sa Dorm ko kaya di na ako humindi

Pagdating sa Dorm ay kumatok ako ngunit lumipas na ang 3 minuto ngunit walang Sumasagot,Dun na ako kinabahan..Kumatok ako ng paulit ulit hanggang sa nakakabala na ako.. wala akong nagawa kundi sipain ang Pinto pero onti onti ko din itong napagsisihan....

Nakita ko ang Isang Babae na nakalambitin na walang malay,At napakaraming dugo na nakapagsulat din siya sa Pader ng SORRY

Sobrang lakas ng Kabog ng Puso ko na di ako makapagsalita...

May mga taong Nagulat at tumawag agad ng Tulong

Sadyang ako'y gulat na gulat pa din,Napatingin nalang ako sa Boteng Hawak ko na may mga tabletas,Nakita ko ang Label neto na Gamot para sa Mga Depressed na mas Ikinagulat ko..

Sa Katawan niyang Walang buhay ay mayrong nakuha na isang Papel na nakacrumpled na nakuha ng mga Pulis..

Dear Mama,

Sorry mama ah,Di ko na kinaya,Salamat sa pag aalaga sa akin at pagpapalaki,Sorry kung di ko ma pantayan ang expectations mo ah?Sorry mama kasi may anak kang tulad ko,Sorry talaga.Alagaan mo sarili mo,Tsaka nga pala may nakausap akong kaklase napakabait niya na nakinig siya sa akin kanina lang,pasabi na Salamat sa kanya ah,na kahit sa sandaling yun may tao akong nasabihan ng problema..
Salamat,Patawad at Paalam.

Nagmamal,
Mae

-Dont Judge a Book by its Cover.-

********************************************************

ANY RECOMMENDATIONS AND SUGGESTIONS?COMMENT NIYO LANG YAN!!DONT FORGET TO VOTE PAG USTO NIYO LANG HEHE

Sa mga depressed diyan usap tayoo!Orayt!!!

God bless you all!!

-Miss Zy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesStories to obsess over. Discover now