Suntukan Para Kay Sony

80 3 1
                                    

Suntukan Para Kay Sony

"Naku! Late na naman ako!" sabi ni Robert sa kaniyang sarili habang patakbong tinatawid ang highway sa harap ng kanilang paaralan.

Halos 15 minuto na rin siyang late sa klase kaya naman tumatagaktak na ang kaniyang pawis sa pisngi at leeg dahil sa pagtakbo, idagdag mo pa ang mainit na sikat ng araw.

Nakapasok na siya sa gate ng kanilang paaralan at muling kumaripas ng takbo papunta sa kanilang classroom.

Nang makarating na siya ay tumigil muna siya sa pintuan at hinabol ang hininga habang pinapahid ang basang leeg.

"G-good morning ma'am. So-sorry I'm late," utal-utal na paumanhin nito dahil sa paghabol ng hininga.

"I understand Robert. Sige maupo ka na,"

Mabagal na naglakad si Robert papunta sa kaniyang upuan at nang makaupo na ay sumandal ito sa silya na parang pagod na pagod.

Iginala niya ang kaniyang mata at sa kabilang dulo ng classroom ay may nakita siya.

May nakita siyang nagpainit nang husto sa kaniyang ulo.

Si Sony... nakaharap sa kay Kent at magkatabi silang dalawa.

Hindi na napigilan ni Robert ang sarili at sinugod niya si Kent.

"Bakit nandito 'to!? Ha!?" galit na tanong ni Robert habang nakaturo kay Sony.

Si Sony naman ay nakaharap pa rin kay Kent.

"Ano bang pakielam mo!?" sagot naman ni Kent sa kay Robert.

"Ano!? Kahapon lang nandun siya sa tabi ko bakit ngayon nandito na!?" patol pa ni Robert.

"Suntukan na lang oh. Sige!" panghahamon ni Kent na biglang tumayo at binangga-bangga ang balikat ni Robert.

Hindi nakapagtimpi si Robert at lumipad ang kaniyang kamao pabulusok sa mukha ni Kent.

Hindi rin nagpatalo si Kent at gumanti rin.

Doon nagsimula ang bugbugan ng dalawa at kapwa na sila gumugulong sa sahig habang inaawat na ng kanilang mga kaklase at ng kanilang guro.

Hindi pa sana maaawat ang dalawa hanggang sa dumating na ang guard at kusa rin silang tumigil sa kabalastugang ginawa.

Kinabukasan...

Si Robert ay may sugat sa gilid ng labi. May band-aid sa sentido at may pasa sa pisngi habang si Kent naman ay tatlong band-aid ang nakakalat sa kaniyang mukha.

Nakitingin silang lahat sa kanilang guro na nasa harapan, hawak-hawak ang isang kahon na medyo may kalakihan.

"Siguro naman ay wala nang mag-aaway sa inyo," inilapag niya ang kahon na may pangalang Hanabishi sa mesa.

"Wala nang mag-aagawan maliwanag? Bumili na ako ng dagdag na electric fan para wala na talagang mag-aagawan!" sabi nito

"Hindi ko nagustuhan ang nangyari kahapon. SA ELECTRIC FAN LANG NAGBUGBUGAN KAYO!?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suntukan Para Kay Sony #WattPHDagliWhere stories live. Discover now