Nakatupi pa ang pinaghubaran ko kagabi, pati ang underwear. Hindi pa rin nagbabago si Xerxes sa gamit, masinop pa rin siya. Ganoon din siya dati. Malinis sa mga gamit.


Napapalatak ako ng damputin ko ang aking mga panloob. "Nakakahiya, nakita niya siguro na bacon na ang strap ng bra ko at wala ng garter ang kalahati ng panty ko."


Malamang na nakita ni Xerxes na malapit ng mag-retire ang bra't panty ko!


"Nakakaasar!" himutok ko. Kung bakit kasi iyon ang mga nagamit ko kagabi. Hindi ko naman kasi alam na may mangyayari sa amin ni Xerxes, e di sana kung alam ko ay iyong bago-bago ang nagamit ko.


Isinisuot ko pa lang ang panty ko ng bumukas ang pinto ng banyo. Nabitin tuloy sa tuhod ang maliit kong saplot.


"B-bakit?" Kanda-dulas ako sa pagsusuot ng panty ko. Nakakahiya!


"You didn't lock the door." Hindi ko ma-sure kung nakangisi ang mga labi niya sa akin o naka-ismid.


"N-nakalimutan ko." Namilipit pa ang garter ng panty ko. Peste!


Ang liwa-liwanag sa banyo dahil sa ilaw at wala akong saplot na suot. Ito pang walang pakisaman panty ay namilipit pa sa pagitan ng tuhod at mga hita ko. Bilad na bilad tuloy ang katawan ko kay Xerxes.


Nakita ko ang pamumukol ng harapan ng boxers niya. Tila dumoble ang laki ng nasa loob niyon.


"B-bakit lumalaki iyan?" Kandalunok ako. Nakalimutan ko na ang tungkol sa pagpa-panty.


Nakalimutan ko na rin na masakit pa ang akin dahil sa pambibigla niya sa akin kagabi.


"I loathe you," marahang bigkas niya.


Hindi ko masyadong maunawaan iyong sinabi niya kasi bago sa akin ang word, pero alam ko na hindi maganda iyon. Based sa nakikita kong init sa mga mata niya ngayon, sure ko ng mauulit ang nangyari sa amin kagabi.


At sure ko na rin na hindi ko siya aawatin kahit ano pa ang gawin niya sa akin.


Nagtagis ang mga ngipin niya at lumapit sa akin. "I never loathed anyone as much as I loathed you."


Tinigilan ko na ng tuluyan ang pagpapanty. Lalo na ng dumako ang palad niya para hawakan ang dapat ay tatakpan ko ng panty ko.


Napaigtad ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa sensitibong parte ko. Tiningala ko siya at pinagmasdan ang perpekto niyang mukha.


Ang isa niyang kamay ay sumabunot sa buhok ko sanhi para lalo akong mapatingala sa kanya. "Kiss me now, don't make me hate you more."


Sinunod ko siya. Inabot ko ang mga labi ni Xerxes.


Marahas siyang humiwalay sa akin at pinatuwad ako sa bathtub.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now